DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
______________________________________________________
Tuesday ngayon at dahil wala akong klase, free akong pumunta sa presentation ng concepts para sa live production namin.
Since mayroong mga klase ang ibang mga members, mamaya pang 3:00 ang meeting na iyon.
Natapos ko naman na lahat ng kailangan kong gawin for school kaya naghihintay nalang ako ngayon ng oras.
Aalis na rin ako maya-maya para hindi ako ma-late dahil nakakahiya.
Na-polish na rin namin ang concept namin kaya't ready na ang group namin for presentation.
"Our concept is slightly like the love story of Gregoria De Jesus and Andres Bonifacio. Ang magiging kaibahan lang nito ay pipiliin nalang nilang maghiwalay para sa bayan. Sila na ang mag-dedecide na itigil ang relationship nila para makapag-focus na ang katipunero sa laban."
Mabilis na lumipas ang oras at sinimulan na kaagad ang presentation. Nagsama-sama ang magkaka-grupo kaya magkakatabi kami nila Galen ngayon.
Pinaliwanag kanina ni Kuya Joshua na ang concept na mapipili ay ituturn over sa KALikha at gagawan nila iyon ng scipt sa loob ng ilang araw.
Bigla akong nabuhayan nang sila Vee na ang magprepresent. May mga dala pa silang illustration ng mga damit ng mga mahaharlika noon. "Ang concept po namin ay iikot sa isang dalaga na taga-gawa ng mga casual na damit ng mga mahaharlika. Kinuha siya na taga-gawa ng uniporme ng mga sundalong hapon. Naging malapit siya sa isang sundalo ay eventually, na-inlove. Pero dahil mas angat ang pagmamahal niya sa bayan, pinilit niya ang sariling layuan ang sundalong hapon at lumipat ng bayan para hindi siya masundan."
Napansin ko na sad love stories ang mga concept ng mga nag-present. Kung hindi patayan, mutual decision na maghiwalay. Lahat masakit.
Ilang grupo pa ang lumipas bago kaming tatlo. Nakapagdecide kami na ako nalang ang magsasalita dahil baka daw may masabi silang iba at malihis ang plot.
"Ang concept po namin ay tungkol sa isang babaeng binukot. Ang mga binukot ay ang babaeng itinago ng kanilang pamilya. Ito ay naging bahagi ng tradisyon ng ilang mga pamilya sa Visayas region."
Binanggit ko sa kanila ang buong story ay nagulat ako nang bigla silang nagpalakpakan. Pati sila ate Gwen ay pumalakpak.
Bumalik na ako sa upuan ko na katabi ni Galen.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020