DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
______________________________________________
Parang ito na ang pinaka-matagal na meeting na napuntahan ko buong buhay ko.
Hindi rin ako mapakali knowing na nasa likod lang si Vee na katabi ni Galen. Baka mamaya kung ano ano na ang sinasabi ng babaeng 'yon na wala namang katotohanan.
Magaling pa naman 'yon magsinungaling dahil nga actress.
"One month and 2 weeks ang preparation natin para sa big production na ito. One week para sa pagbuo ng isang magandang concept. Isang buong buwan para sa practice. Ang last na linggo ay para sa polishing." Iyan ang sabi ni Kuya Joshua, ang president ng DUP.
"Ang live production na ito ay dalawang araw lang din ang live show. Limang show ang gagawin natin." Dagdag niya pa.
Nang ma-realize ko kung gaanong kalaki ang project na 'to ay bigla ulit akong kinabahan. Nakaka-pressure dahil ayaw kong maging pabigat sa grupo.
"Nagugutom na ako." Reklamo ni Ate Fawn sa tabi ko. Nginitian ko siya at tumango dahil ganoon din ako. Kanina ko pa nararamdaman ang pagkulo ng tiyan ko.
Bakit ba kasi nila naisipan na mag-meeting ng lunch time?
"Kagaya ng naka-gawian sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater gaganapin ang show."
Uminom nalang ako ng tubig para makalimutan ang gutom ko.
Pinipilit ko pa rin ang sarili ko na makinig sa sinasabi ng mga presidents dahil baka tanungin ako bigla at manghingi ng suggestions.
"Ang ticket selling naman ay pagtutulungan ulit nating lahat."
Sobrang tagal ng oras. Parang mahihimatay na ako sa gutom. Nagsisisi ako na hindi ako bumili ng sandwich kanina.
"Mukhang gutom na kayo at hindi na kayo makatingin sa amin nang maayos. Magpa-deliver nalang tayo sa isang fast food. Sabihin niyo lang kay Bev kung may order kayo at sabay-sabay nalang natin ipapa-deliver." Natatawa niyang sabi.
Buti naman at nahalata iyon nila kuya Joshua. Binigyan kami ng 10 minutes para ilista lahat ng order namin. Sinulit ko na ang pagkakataong iyon at rice kaagad ang inorder ko.
Pagkatapos mag-bigayan ng order ay nagpatuloy na si kuya Joshua sa pagdidiscuss. Para raw mabawasan ang mga dapat pag-usapan habang naghihintay sa pagkain namin.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomantizmAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020