DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
_______________________________________________
"Ano bes, kaya pa ba?" Katatapos lang ng kauna-unahang writing session namin at natapos na namin ang iba't ibang lectures.
Pinilit kong tumango sa kaniya kahit na nahihilo pa ako. Halos pitong oras kasi ang ginugol namin para sa pagsusulat. Hindi ko pa masyadong gamay ang pinasulat sa amin dahil isa itong novellete. Ang word count nito ay almost 8,000 and more. Dala ko ang netbook ko kaya iyon ang ginamit ko para sa drafts.
"Hindi ko na maramdaman ang ulo ko." Sa totoo lang ay para bang lumulutang na ang buong katawan ko. Hindi ko na rin yata ma-balance ang katawan ko. Sa tingin ko ay isang pitik nalang at talagang matutumba na ako.
Inayos na namin ang mga gamit namin at maingat itong binalik sa aming mga bag. Naghahanda na kami para sa isang break bago muling bumalik sa activity area. Thankful nalang din ako at natapos ko ang gawa ko kanina at wala na akong itutuloy mamaya. Siguro ay observation at pagpapahinga nalang ang gagawin ko.
"Ako nga, hindi pa tapos sa ending. Gusto ko nalang talaga sumuko at umuwi nalang." Pagbibiro ni Rain habang binubuksan ang water bottle niya.
Ang iba naming mga kasama ay umalis na sa activity area. Kaniya-kaniya kasi kaming lunch nito. Mabuti nalang din at malaki ang Looseleaf. Mayroong canteen for employees na pwede rin naman naming puntahan. Mayroon din itong sariling coffee shop. Pwede rin naman kaming lumabas kung gugustuhin namin basta't babalik din sa tinakdang oras.
Habang naglalakad kami ay tinanong niya ako kung mayroon ba akong baon. "Late akong nagising kanina at wala na akong time magluto. Sayang nga e." Sagot ko naman sa kaniya. Tumango-tango rin naman siya at alam kong wala siyang baon dahil hindi niya naman hilig ang pagluluto.
"Doon nalang tayo sa coffee shop?" Sumang-ayon nalang din ako sa kaniya dahil wala na akong energy para mag-isip pa kung saan kami makakakain nang maayos.
Tahimik lang kaming dalawa habang papunta kami sa coffee shop. Masyado na kaming naging madaldal sa pagsusulat kanina kaya ubos na rin ang thoughts namin. Wala na kaming mapag-usapan at kahit pagsasalita ay kinatatamaran nalang din namin.
May iilang mga employees ng Looseleaf kaming nakakasalubong. Sa tagal ng training namin dito ay palagi akong napapaisip kung gaano kasayang magtrabaho dito dahil sa tingin ko talaga ay magaan kasama ang mga taong nandito. Hindi katulad sa working environment sa kasalukuyang trabaho ko ngayon.
Ang nakakasundo ko lang doon at alam kong hindi ako tatalikuran talaga ay si Mara. Wala nang iba. Nakakasama ko naman sila pero hindi umabot sa puntong nakakapagsabi ako sa kanila ng mga personal na problema at mga random na bagay sa personal na buhay. Palagi lang akong nakikisama sa kanila for work purposes. Kahit naman na makalat akong tao, I'm always trying to maintain my professionalism.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomansaAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020