Chapter 33- PRESENT

77 10 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

"Sino ulit ang makakasama namin sa training?" Hirap man akong huminga ay sinubukan ko pa ring itanong kay Mara.


"Si Adam Galen Bolivar nga! Bigatin nga iyon. Ang balita ko pa ay mayroon siyang experience sa isang theater sa Japan. International theater actor 'yan."


Oh my God! It can't be. Hindi ko yata kakayanin na makasama siya sa loob ng dalawang buwan. Masyado iyong matagal.


"Aitana, bakit ganiyan ang mukha mo? Na-amaze ka ba sa achievements niya?" Natatawang tanong niya. Kung alam mo lang, Mara. Kung alam mo lang kung bakit ako ganito.


"Mayroon ka bang picture niya? Patingin!" Humagikgik naman siya at kinuha ang cellphone niya. Malaki ang parte sa akin na nananalangin na sana ay hindi iyon si Galen, si Galen na ex-boyfriend ko. Alam ko namang impossible iyon.


Nang iharap niya na sa akin ang cellphone niya para ipakita ang IG feed ni Galen ay gusto ko nalang matunaw. It feels like first time na makita ulit iyon. I mean, we never blocked each other. Hindi rin kami nag-unfollow. Pero naka-mute ang account niya sa akin and I perfectly managed not to stalk him anymore kaya ngayon ko nalang ulit ito nakita. 


Strange ang feeling and at the same time, sentimental. 


"Ang gwapo niya 'no?" Pinilit ko nalang na ngumiti sa sinabing iyon ni Mara. Kung pwede lang na mag-kwento sa kaniya ay ginawa ko na pero ayaw ko naman nang ungkatin pa ang nakaraan. Masyado itong mabigat para isama pa sa kasalukuyan. At isa pa, okay naman na ako. Ayos na ako. It's been a long time.


"Iwan na kita, Aitana. Paano? Gawin mo na lahat ng gawain mo ha? Kasi dalawang buwan kang hindi papasok dito. Huwag mo ring kalimutan na dumaan kay boss mamaya." 


Ngumiti siya nang pagkalawak-lawak. "Don't worry, I'll be in touch with you. Isang tawag mo lang." 


Tumango nalang ako sa mga paalala niya dahil hindi na ako makapag-isip nang maayos. Mabuti na lamang at next week pa ang unang pagkikita sa Loose-Leaf Pages. Ito ang pangalan ng training program na kailangan kong puntahan for two months. Under siya ng isang malaking company na ka-partner ng Publishing House namin.


Hindi na rin naman ako pwedeng umatras sa project na ito dahil nakakahiya sa Publishing House. Baka isipin nila na masyado akong nag-iinarte. Hindi ko na rin naman pwedeng palagpasin 'to dahil ito na ang unang pagkakataon ko para patunayan ang sarili ko, para ipakita sa kanila na makapagsusulat na ako ng isang buong nobela.

love, Aitana.Where stories live. Discover now