Chapter 15

88 15 7
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

Nandito lang kami ngayon sa tapat ng Palma Hall. Hanggang ngayon ay kasama pa rin namin si Galen.


Nagulat ako nang bigla kaming pinaupo ni Angel sa hagdan kung saan dumadaan ang mga tao. Mabuti nalang at wala masyadong lumalabas at pumapasok dahil Sunday ngayon at tapos naman na ang play. Ang problema lang ay 6:30 na at malamok na dito sa labas.


Medyo madilim na rin at iisang lamppost lang ang nagbibigay ng additional na ilaw.


"Dito talaga, Gel?" Tanong ni Vee na parang hindi makapaniwala.


"Tatlong tanong lang 'to at uuwi na tayo." Sabi niya sabay harap kay Galen na ngayon ay katabi ko. Pinilit nitong ngumiti kay Angel kahit halata naman na nawe-weirduhan siya rito.


"Unang tanong, anong course ang kinukuha mo?" Pagtatanong niya habang nakalagay ang kanang kamay niya sa baba niya at parang inip na inip.


"BA Theater Arts. Parehas kami ni Vienna pero 4th year na ako." Tumango-tango naman si Angel na parang everything makes sense.


"Pangalawang tanong, paano ka nakapasok sa UP? By UPCAT grade or by Talent Determination Test?" Pati ba iyon kailangang itanong? Nagkatinginan kami ni Vee at napa-iling nalang dahil parang sobrang out of this world na ang mga tinatanong niya.


Natawa nang bahagya si Galen bago ito sumagot. "UPCAT." Simpleng sagot niya at kinindatan ako.


"Anong last question?" Tanong niya kay Angel.


Tumingin naman ito sa kawalan at parang wala pa siyang naiisip na itatanong. Tinignan niya rin kami pero wala kaming sinabi sa kaniya kasi siya lang naman ang may gusto sa mga nangyayari ngayon.


"Anong general weighted average mo?"


What the hell? Seryoso niyang tanong habang naka-cross arms pa. Walang makikitang pagbibiro sa kahit saang sulok ng pagmumukha niya. Seryoso talaga siya. Nakakahiya. Ang sabaw ng mga tanong.


"1.42." Simpleng sagot ni Galen. A ang letter equivalent nito and 94 kung number. Pang-magna cum laude. 


Hindi ko alam na matalino rin pala siya. I mean, he's very talented. Akala ko ay sinalo na niya lahat ng talents kaya average nalang siya sa acads pero I'm wrong.


"Sige. Sa'yo na si Aitana. Pumapayag na ako." Ang kaninang kabado na si Galen ay tawa na nang tawa ngayon. Si Vee naman ay naki-tawa na rin.

love, Aitana.Where stories live. Discover now