Chapter 13

89 16 4
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

Nauubos na yata ang dugo ko habang tinitignan ang pagpasok ng mga tao sa loob ng theater.


Ngayon ang unang batch ng live shows namin. Lahat ng mga nandito ngayon sa loob ng theater ay natataranta na. Hindi na alam kung anong gagawin, kung mananahimik sa mga upuan o tutulong sa pag-aassist. 


Ang KALikha ngayon ang naka-assign sa pagpapapasok ng mga live audience. Mamaya naman ay kami ang naka-pwesto sa labas para sa pagpapamigay ng zines.


Kapag nakalahati na ang performance, mag-switch places na. Ang ibang members ng UPWC ang mag-aabang sa labas.


Bukas pa ako naka-assign sa pamimigay ng zines. Sa pang-apat na batch pa. Kaya meaning to say, mapapanood ko pa lahat ng shows ngayon.


Sa last show naman ay makakasama ko na si Angel sa panonood. Mayroon na siyang isang ticket para bukas. 


"Welcome to Wilfrido Ma. Guerrero Theater, home to Dulaang UP. Ladies and Gentlemen, the show will begin in 10 minutes." Nang mapansin na halos lahat ng mga tao ay nakapasok na sa venue, mas dumami ang mga production team na nag-iikot para tulungan ang mga tao na makahanap ng seats.


"Please make your way to your seats, today's performance were about to begin." Sinimulan na ang pagbibigay ng guidelines sa mga audience. Habang tumatagal ay mas lalong nakakakaba.


"Please take a moment to locate the emergency exit nearest your seat. Exits are located to the left, right, and rear of the theater."


Kahit ako at kinakabahan kahit manonood lang naman ako. 


Hindi na namin nakausap ang mga actors kanina. Kahit si Vee ay hindi ko man lang nalapitan kanina. Sobrang busy nila kanina to the point na magkakasama lang sila sa backstage. Ang mga makeup artists ay hindi na rin mapirmi habang inaayusan sila kanina.


"Please be reminded that flash photography is not allowed. Recording devices are not permitted." Nabawasan na rin ang mga ilaw sa loob. Tahimik na rin dahil may upuan na ang mga audience. Talagang pagsisimula nalang ng show ang hinihintay nila.


"Please take this moment to switch off all electronics and cellular devices." Mas lalong pang dumilim ang paligid kaya't nagpapanic na ako nang sobra.


Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang tuluyan nang dumilim at nagstart ang isang makalumang kanta.

love, Aitana.Where stories live. Discover now