DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.
READ AT YOUR OWN RISK.
________________________________________________
"Aitana!" Sigaw ni Daia pagpasok ko sa CAL 312. I really missed this place. More than a month din akong hindi nakabalik dito.
"Kumusta ang Summer?" Nandito kami ngayon para pag-usapan ng mga members kung anong gusto namin mangyari for the next academic year. Nandito na rin sila Bea, Elena, at Jacob na nakasabayan kong ma-recruit noong nakaraang semester.
"Boring ang summer ko, girl. Nabulok na ako sa bahay." Natatawang sagot niya. Inayos niya ang pagkakapantay-pantay ng mga upuan. Si Jacob naman ay naglabas na ng mga white board markers.
Last week ay napag-usapan naming dalawa ni Daia na gusto kong siya ang mag-take over ng pagiging president ng club. Ako nalang ang sunod sa kaniya. Dahil kahit parehas kami ng year, mas marami siyang experiences dito dahil member na siya ng UPWC since freshman year. But of course, malaki pa rin ang role ko. Pumayag naman siya dito.
Medyo nagtaka rin ako dahil pwede naman na si Leo ang i-partner kay Daia dahil old members na sila pero ako pa rin ang pinili nila ate Gwen. Kapag nagkaroon kami ng 1st recruitment sa unang linggo ng pasukan ay agad din kaming magkakaroon ng botohan para sa officers ng organization.
That would be really exciting.
"Ano po ang una nating project?" Tanong ni Elena.
"Isulat lang namin sa board. Tara na, Ai!" Masiglang sabi ni Daia sa kaniya. Inayos ko muna ang pagkakalapag ng bag ko bago ako tumayo at sundan siya sa harap.
Kumuha na siya ng isang white board marker kay Jacob at nagbigay din siya sa akin ng isa. Nagsimula siyang magdrawing ng table sa board. Isa siguro itong timetable. Muli akong bumalik sa kinalalagyan ng bag ko para kunin ang planner ko. Dito nakalagay ang mga suggestions ko sa projects at programs na pinag-isipan ko noong mga nakaraang araw.
"Ang una nating gagawin ay ang recruitment. Kagaya ng nakagawian, isang linggo ang booth natin sa CAL. Araw araw ay may naka-assign sa pagbabantay." Sabi ni Daia at isinulat iyon sa unang bullet sa table. Naglagay din siya ng estimated time and dates.
"Bago magsimula ang first week ng mga freshies, kailangan na nating makapaghanda ng mga recruitment posters at freebies na magagamit natin para mas makahikayat tayo ng mas marami pang mga members." Dagdag ko naman. Nagflash ako sa projector ng mga sample layouts ng mga posters na ginawa ni Elena kahapon.
Gumawa na rin pala kami ng panibagong groupchat para doon nalang naming i-add ang mga bagong members na makukuha namin.
YOU ARE READING
love, Aitana.
RomanceAitana, a poetess and a short story writer, found herself drowning in every word written in her poems. She met the devil-may-care actor, Galen, and she never thought that she will find her favorite rhyme just in time. March 22, 2020