Chapter 14

84 15 3
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


"Love, Aitana." is not affiliated with University of the Philippines, UPWC, UPAK, DUP, and other student organizations.

READ AT YOUR OWN RISK.

______________________________________________________

 "Angel, nasaan ka na?" Natataranta kong tanong sa kaniya through cellphone. Nandito ako ngayon sa exit ng theater at nagpapamigay ng zines.


Mamayang 4:00 ay last show na namin at wala pa rin si Angel. Ang sabi ko sa kaniya ay agahan niya at sumama muna siya sa akin habang naghihintay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mahagilap.


"Chill. Nandito naman na ako sa UPD." Kalmado niyang sagot na parang walang pake sa mga nangyayari.


"Bakit hindi ka pa pumunta dito?" Paminsan-minsan talaga ay sobrang stressful siyang kausap.


"Ang daming tao, Ai. Makikipagsiksikan ako?" Tanong niya na parang naiirita na.


"Ang arte mo, maganda ka ba ha?" Mas masaya rin siya asarin kasi pikon.


"Aitana, may lumipad na dahil sa sipa ko." Bakas na bakas sa boses niya na sakit ng katawan ang palagi niyang hanap . Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala siyang ibang kaibigan bukod sa amin ni Vee. Nakakatakot siya. Kaya niyang sumapak at manipa kung gugustuhin niya. 


"Malapit na maubos ang mga tao. Pumunta ka dito after 15 minutes." Hindi man lang siya sumagot sa huling sinabi ko at binaba na ang tawag.


Ako naman ay nagpatuloy lang sa pag-abot ng mga zines sa mga taong lumalabas.


"Thank you for watching!" Sabi ni Daia. Siya pa rin ang partner ko sa task na 'to. Pakiramdam ko ay siya na palagi ang makakasama ko sa mga ganitong bagay.


"Aitana, may naalala ako." Sabi niya habang kumukuha ng mga zines sa box.


"Ano na naman 'yon?" Tumawa siya at parang alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.


"Bakit ka niyakap ni kuya Galen?" Tanong niya habang nakatingin sa akin kaya't hindi niya nabigyan ng zine ang babaeng nasa harap namin ngayon. Ako nalang muna ang nagbigay at pinaharap ko ulit siya sa mga tao.


"Hindi ko rin alam, okay?" Pinipilit kong magmukha na hindi ako affected para kahit papaano ay mabasawasan ang mga pang-aasar nila.


"Mag-ingat ka, graduating na 'yon."


"Ano namang masama kung graduating?"


"Malamang, lapitin sa disgrasya." Tawa siya nang tawa sa sinabi niya. Ibang disgrasya yata ang tinutukoy niya. 

love, Aitana.Where stories live. Discover now