Chapter 2

50 11 0
                                    

Chapter 2

Sumimsim ako sa aking kape habang nakatingin sa orasan ng aking kwarto. It's only 4 o'clock in in the morning. Hindi ko alam kung bakit mas maaga ang naging gising ko sa usapan namin nila Markuz. Nagyaya kasi si Athena na magjogging, at eto naman si Markuz ay pumayag at talagang idinamay pa ako.

"Guys, baka gusto ninyong sumama samin bukas? Magjogging kami." sabi ni Athena ng makalapit sa amin.

Kasalukuyan kaming nasa tabi ng pool ni Markuz ng bigla na lamang lumapit sila Athena at Arlan. Tumingin ako sandali kay Markuz bago tumingin sa mga paa naming nakababad sa pool.

Wala akong planong sumama sa kanila, mas gugustuhin ko pang matulog nalang kesa ang makasama silang dalawa. Kaya ganoon nalang ang pagkagulat ko ng pumayag si Markuz sa kanilang pag-aya.

"Sure! Anong oras ba?"

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Markuz dahil sa pagsang-ayos kahit na hindi niya iyon kita dahil nakatingin siya sa magkasintahang nakatayo sa aming likod.

"Yey! Dami na natin!" parang batang pahayag ni Athena na agad kong inirapan.

"Childish." bulong ko. Agad ko namang naramdaman ang pagsiko ni Markuz sa akin. Napairap ko nalang ako sa kaniyang ginawa.

Napailing ako sa naalala. Bakit ba kasi napasama ako dun ehh? Hay nako.

"Gising kana pala." sabi ni Markuz na kakagising lang.

Nakahiga siya sa sofa ng aking kwarto, kahit na madami namang bakanteng kwarto na pwede niyang pagtulugan ay dito pa din niya napiling matulog. Kahit sa una ay kumontra pa si Enzo pero ng makita si Arlan ay pumayag na din.

"Oo! Kaya bumangon kana!" masungit kong sabi at smimsim ako sa aking kape bago umuoo sa aking kama.

"Excited ba?" pabiro niyang sabi na ikinairita ko.

"What?! Tss. Edi hindi nako sasama. Matutulog nalang ulit ako!" iritado kong sabi at agad na humiga sa aking kama.

Ilang saglit pa ay nasa tabi ko na siya at pilit akong pinapabangon sa aking kama.

"Joke lang. 'to naman, masyadong tampuhin." panunuyo niya sa akin, pero dedma lang ako kahit pa hinihila niya ang aking kumot.

"He! Umalis kana. Matutulog ako!"

"Elle naman." imbis na pakinggan siya ay tinalikuran ko pa siya at nagtakip ng unan.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang paglubog ng aking kama sa aking likod, kasunod noon ay ang mabigay na bagay na pumatong sa saking tiyan.

"Edi sige. Kung hindi ka na sasama, edi hindi na din ako sasama. Tutulog nalang din ako sa tabi mo." sambit niya na lalo kong ikinainis ngunit hindi ko na inintindi pa at hinayaan ang puwesto namin sa ganoon. Nang may biglang kumatok sa aking kwarto. Mabilis na tumayos si Markuz para buksan ang pinto.

"Ayos na ba kayo?" rinig kong tanong ni Arlan kay Markuz.

"Ay, pre. Hindi pa. Ayaw kasing bumangon ni Elle, napagod yata." rinig ko namang sabi ni Markuz at napatawa pa sa huli nitong sinabi.

Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa narinig. Pinagsasabi niya? Adik ba siya?

Hindi ko na narinig ang sunod nilang pinag-usapan, tanging ang pagsara nalang ng pinto ang narinig ko, kasunod noon ay ang pagtawa ni Markuz na dahilan ng pagtingin ko sa kaniya.

"Narinig mo ba yung sinabi ko? Grabe! Parang gusto akong bugbugin." sambit niya habang palapit sa akin.

Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya na agad ko din namang iwinala sa aking isip dahil imposible.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon