Prologue
Nakatingin ako sa bintana habang nagmumuni muni. Tanaw ko muli rito ang malawak na pinyahan nila Mommy sa Tagaytay. Kaninang hapon lamang ay inihatid ako ni Mommy Jhen dito sa bahay kung saan nakatira ang tunay kong ina.
Kulay orange na ang langit dahil sa sunset. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko, ang narinig ko 3 months ago. Namuo ang galit sa dibdib ko. Ilang sandali pa ay tuluyan ng dumilim ang langit sakto ring tinawag na ako ng isang kasambahay upang maghapunan.
Sinalubong ako ng tunay kong ina sa baba ng hagdan. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya, Mommy ba o Mama. May pagkahawig sila ni Mommy Jhen pero hindi magkamukhang magkamukha kahit na magkakambal sila, makikita mo pa rin amg differences sa kanila.
"Anak, tara na sa hapag para makita mo ang mga kapatid mo." Napangiti ako ng mapakla sa kanyang sinabi.
Ngayon na kami magkikita. I can't imagine his face if he saw me. Not the ex he knew, not his bestfriend anymore.
It's been 3 months, when we last met.
I smile bitterly to the memories flashed in my head.
Pagdating sa hapag kainan ay nakita ko agad si Arlan, kausap ang isang babaeng katabi niya. May kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso. Lalo na ng makita ko ang kanyang ngiti habang kausap ang babae.
"Attention please." Agad nyang naagaw ang attensyon nila, maging nasisiguro kong asawa niya.
Kahawig na kahawig niya si Arlan. Mula mata, ilong, bibig at ilan pang makikitang features ng binata.
"Mga anak, this is my daughter, Jeanelle." pakilala sa akin.
Muli kong tinignan si Arlan, nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako. May pangungulila akong nakita sa kanyang mga mata pero binaliwa ko iyon.
Bakit? Hindi mo inaasahan no? Pssh! Hindi mo inaasahang magkikita mo ako no? Bakit? Kasi may bago kana? Isang malamig na tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"Jeanelle, this is Eric's son, Arlan. Your stepbrother." I looked at him with a cold eyes.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya bilang formal na pagpapakilala. Nakita ko kung paano sya nagtiimbagang. Inabot niya ito, pero nanatiling ganoon ang tingin ko sa kanya. Malamig.
"This is Jenilyn, your sister."
So kapatid ko pala sya? I mean, naming dalawa. I can't help but to laugh inside of my mind. Nakakatawa naman.
Tulad ng ginawa ko ay kinamayan ko sya. She smile widely at me, I smile back bitterly.
"Pwede kang sumama samin ni Ate Athena mag shopping. Para makapagbonding tayo." She said and look at the woman beside Arlan.
"Enzo. Your brother."
Doon ko lang nakita si Enzo ngayon. So kapatid ko pala sya? What a coincidence! Pinaglalaruan yata talaga ko ng tadhana.
Now I smile at him, hindi tulad ng kanina kay Arlan.
"Nice meeting you again." Nakangiti niyang sabi, tumango ako at ngumiti pabalik sa kanya.
"So magkakilala na pala kayo?" I just nod.
"Good. And last, this is Athena. Arlan's girlfriend." itinuro niya ang babaeng katawanan ni Arlan kanina.
I know her, siya iyong babaeng nakausap ko sa phone niya. Nginitian ko sya ng peke, inabot ko din ang kamay ko sa kanya para kamayan sya. Tinignan niya ito sandali bago abutin iyon, pero agad kong ibinaba ang kamay ko nang makikipagkamay na sya, kaya naman naiwan sa ere ang kamay niya.
Agad akong humarap kay Enzo para makipagkamustahan para magkunwaring hindi ko nakitang aabotin niya ang kamay ko, tutal si Enzo lang naman ang kilala ko rito. Kahit na may masamang past din kami dahil sa pagsusungit ko sa kanya noon.
"Elle, dito ka na sa tabi ko." Inilahad sa akin ni Enzo ang upuan sa tabi niya na katapat ay si Athena. Agad akong umupo doon.
"Enzo, call her Ate. Mas matanda sya sayo." Sabi ni Mommy kay Enzo ng marinig na tinawag lang ako nitong Elle. Natawa ako ng kaunti sa kanya.
"Okay, Mommy. Ate Elle, how's life? Do you have a boyfriend?" Pag uupisa ni Enzo sakin.
Nagkibit balikat nalang ako sa kanya. Wala akong boyfriend.
"Wala na syang boyfriend, Enzo. Fiance, meron."
Natigilan ako sa sinabi ni Mommy. Matagal ko ng ipinatigil iyon, pero nang bumalik ako ng Manila ng sawi ay itinuloy nila Mommy Jhen, so hindi na ako tumanggi pa. Tutal hindi pa naman agaran ang kasal. Matagal pa, dahil ayoko pa din namang ikasal.
Narinig ko ang pagkalaglag ng kutsara ni Arlan kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang galit sa kanyang mukha, agad kong iniwasan iyon. Agad naman syang tunulungan ni Athena, at tinanung kung okay lang. Hindi ko na sila pinakinggan pa, maslalo lang akong nagagalit.
"Whoa! Kailan ka ikakasal?" Nagkibit balikat lang muli ako.
Wala pa sa plano ko iyon, kahit ni Markuz.
"Next year, Enzo."
Halos mabulunan ako sa sinabi ni Mommy. Buti nalang at agad akong naabutan ng tubig ni Enzo.
"Pupunta dito bukas si Markuz, para bisitahin si Elle at para na rin pormal na magpakilala sa ating lahat." Nanlaki ang mata ko doon.
Walang sinasabi sa akin si Markuz, tungkol doon. Maybe, I asked him later. Mabuti na din iyon para matulungan niya ako, hindi ko ata kakayanin kung laging ganto at lalo na kung alam kong dito pansamantala si Athena. Hindi ko kayang araw araw silang makikitang magkasama, pakiramdam ko ang hindi ako tatagal.
Ate Ching: Book 2 na po. Sana ay tunghayan nyong muli katulad ng Book 1.:) Thank you.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...