Chapter 15
"Ay! Alam ko na iyon!" mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin nang makabawi. Hindi naman siya nagreklamo at tinawanan lang ako bago hinila palabas doon.
"Tara na nga lang kumain. Nagugutom na ako." sabi niya na agad kong tinigil sa paglalakad. Tumingin siya sa akin ng nagtataka.
"Bakit?"
"Bibili pa ko ng sapatos ko."
"Edi tara. Saan ba?" hindi ko maiwasang mapangiti sa naging reaction niya. Talagang nagpalingon-lingon pa siya para maghanap ng boutique para sa sapatos ko.
Walang sabi-sabing hinawakan ko ang kamay niya at hinila sa boutique ng paborito kong sapatos. Hindi ko maexplain ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Parang ayoko nang alisin ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Bagay ba?" nakangiting tanong ko sa kaniya ng kinuha ang isang sapatos.
Nakasunod lang kasi ito sa akin at sumasagot naman sa tuwing tinatanong ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasagot niya sa akin dahil hindi nawawala ang ngisi sa kanitang mukha na lalong napapakaba sa akin at nagbibigay nang insektong lumilipad sanaking tiyan.
"Oo, bagay sayo lahat." agad na nag-init ang mukha ko at mabilis na dumampot ng sapatos na agad na dineretso sa counter para bayaran.
Hindi tulad kanina ay hinayaan niya akong ako ang magbayad ng sapatos ko. Hawak ko ang dalawang paperbag kung saan nakalagay ang isang sandals at sapatos na binili ko habang palabas ng boutique na iyon nang maramdaman ko ang kamay niyang dumausdos dito at hinawakan ito. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay ko galing sa kaniya.
"Kakain na ba tayo? O may bibilhin ka pa?"
"Ha? Syempre may bibilhin pa ko!" mabilis kong sabi at hinila siya sa Watsons.
Bimitaw ako sa kaniya ng makapasok at dumaretso sa lalagyanan ng mga lipsticks. Hinanap ko ang katulad ng lipstick kong naputol noong isang araw. Tumitingin din ako ng iba pang shade na bagay sa akin.
"Yung pa-nude colors bagay sayo." medyo na gulat pa ako ng magsalita si Markuz sa tabi. Tumango naman ako dito at kinuha ang may pagka nude na lipstick at tumungo sa iba pang products. Madami akong binili mga pangmukha at iba pang pampersonal hygiene.
"Para ka namang sa bundok galing nyan. Dami mo agad pinamili." sambit ni Markuz na may bitbit nang lahat ng pinamili ko. Mabuti nalang at ang mga damit ay nasa sakyan na yan.
Umirap ako sa kaniya, "Pake mo ba. Naubusan na ako ng gamit ehh!"
"Hay nako, galit na naman. Tara na nga kumain." hindi na ko umangal ng hinalin ako nito sa isang kainan.
Madami siyang inorder para sa aming dalawa, na akala ko ehh tatlong tao kaming kakain.
"Grabe namang dami nito." reklamo ko at tumawa.
"Syempre! Tagal mo kayang nawala." he said and laughed.
Hindi ko alam pero nung una ko palang makilala si Markuz ay magaaa na agad ang pakiramdam ko sa kaniya kahit pa hindi naging maganda ang expression ko sa kaniya. He looks vaid and jerk, pero nang makilala ko na siya ay hindi naman pala. Malayong malayo sa inisip ko sa kaniya. Pala tawa siya at masarap kasama, hindi mo mararamdaman na out of place ka pag kasama mo siya. Madami siyang kwento tungkol sa kung ano-ano at madaming joke.
"Baka naman matunaw ako." he joke. Uminit ang mukha ko sa sinabi niya.
"Kapal mo!" iritado kong sabi para hindi niya mahimigan ang pagkakaba ko.
Nagpatuloy ako sa kinakain ko. Iba-iba ang putahe, iba ang kinakain ko sa kinakain niya. Parang umaliwalas ang mukha ko ng matikman ang hindi pamilyar na pagkain sa akin, masarap ito.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...