Chapter 5

38 11 0
                                    

Chapter 5

Mabilis akong napabangon sa aking higaan ng makarinig ng may nabasag na kung ano sa kabilang kwarto. Kasunod noon ay ang sigaw ni Athena.

Kwarto ni Athena ang katabi ng kwarto ko at ang sa kabila ay ang kwarto ni Arlan. Hindi ko na napigilang lumapit sa dingding nang hindi pa tumigil ang sigaw ni Athena.

Inilapit ko ang tenga sa dingding, nagbabaka sakaling maririnig ang pinag-aawayan nilang dalawa. Kahit na alam ko namang sound proof ang aming kwarto.

It's been 2 weeks when Markuz left. Lagi lang akong nasa kwarto ko, nanunuod ng movie at nagbabasa ng libro bilang libangan para lang may dahilan ako para mag stay doon.

Simula noong araw ng mag-usap kami ni Euzette ay iniwasan kong magkaroon ng pagkakataon na makausap ni Arlan. Kahit na ganoon ang naging katapusan ng relationship namin ay hindi ako para manira sa kanilang dalawa.

"Ano pa bang dapat kong gawin para makalimutan mo na yang ex mo?!" halos mapatalon ako ng marinig ang malakas na sigaw ni Athena. Kahit na sound proof ay narinig ko pa din.

Ako ba yung pinag-uusapan nila? I'm the ex. Except nalang kung nagkaroon siya ng iba.

Sinubukan ko pang makinig muli pero wala na. Mukhang napakalma na siya ni Arlan. Wala sa sarili akong lumapit sa kama ko at doon naupo.

Iyon ang isa sa pinakaiiwasan ko, ang mag away sila ng dahil sa akin. Pero wala naman akong ginagawa, umiiwas ako sa kanila at sigurado akong wala nang dahilan para mapasali ako sa away nila. Pero bakit ganoon ang narinig ko?

Nawala lang iyon sa isip ko ng biglang tumunog ang phone ko para sa isang notification. Isang email galing sa inapply-an ko.

From: Grand Cinema
GOOD DAY!

This is Ms.VENUS REYES of GRAND CINEMA! We are pleased to inform you that you've been selected for an interview TOMMOROW followed by your orientation when you get hired tommorow between 8AM TO 3PM. At the Grand C Building in Makati City.

REPLY 'YES' If you're coming! Thank you and godbless! See you there!

Agad na binalot ako ng saya sa nabasa. Finally! Magkakaroon na din ako ng dahilan para bumalik ng Manila. At sana maging okay ang lahat.

"Elle, Anak. Baba na, magtatanghalian na." agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ng marinig ang katok ni Mama.

Dahil tinatawag niya pa sila Arlan ay nauna na ako papunta ng hapag. Naroon na si Tito Eric at Enzo, nakaupo na at naghihintay sa amin. I greet them and sit on my chair.

Nang dumating ang lahat ay nagsimula na kaming kumain. Ako lang ang tahimik sa lahat, sila Mama, Tito Eric, Arlan at Enzo ay nag-uusap about sa business, habang si Athena at Jenilyn naman ay nagku-kwentuhan about sa make-ups and artist.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na kailangan ko nang umalis mamaya o bukas ng madaling araw para sa interview ko. Ni hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin o umalis nalang kaya ako basta, pero dahil may parte pa din sa akin na nagsasabing kailangan kong sabihin sa kanila dahil pamilya ko sila, especially ni Mama. She's my mother after all.

"How about you, Elle? Wala ka pang trabaho ngayon diba? Bakit hindi ka nalang muna sa business namin?" napatingin ko kay Mama ng magsalita siya.

"Arlan or Enzo will assist you." duktong pa nito.

"Oo nga, Ate. Tapos ako nalang mag-assist sayo, wag na si Kuya. Busy naman yan kay Athena." pagsang-ayon namannni Enzo na ikina tawa nila Mama at Tita ang huling sinabi nito.

Ngumiti lamang ako sa kaniya bago tumigin kay Mama.

"Ayon nga po gusto kong sabihin ehh." umpisa ko.

I saw in my peripheral vision how Arlan stopped and looked at me.

"Grand Cinema email me this morning for an interview tomorrow." sabi ko.

"You're leaving?" kita ko ang pagkabigla sa mata ni Mama. Tumango ako bilang sagot.

"Saan ka naman tutuloy kung ganoon? You don't have a place to live now, doon na daw natuloy si Jane. At hindi ka na daw nauwi sabi ni Jhen, nagkataon lang na may nangyari at doon ka umuwi kaya ka naroon." agad akong natigilan sa sinabi ni Mama.

Pagbalik ko 3 months ago ay doon na pala tumutuloy si Jane, ang anak ni Mommy.

"Sigurado, Ma. Doon kay Markuz siya tutuloy. Narinig ko silang nag-uusap noon sa pool." sabat ni Enzo na ikinatingin ko sa kaniya.

Pwede din naman, tutal lagi din naman akong wala.

"I have a place in BGC, pwede kong ipahiram sayo yun. Kung gusto mo lang naman." agad akong napatingin kay Arlan.

Narinig ko din ang pagtigil nila Athena sa pag-uusap. Tatanggi na sana ako, pero naunahan akong magsalita ni Mama.

"Good idea. Hindi naman ako papayag na doon ka kay Markuz. Next year pa naman kasi ang kasal." aangal pa sana ako ng maging si Tito Eric ay sumang-ayon din.

"Kailan ba ang alis mo?" tanong ni Mama.

"Mamaya na po sana."

"Ganoon ba? Si Arlan na mismo ang maghahatid sayo roon." lalo pa akong nagulantang sa dinuktong ni Mama. Maski si Enzo na gustong umangal ay hindi na nagawa pa.

Alasingko palang ng hapon ay kumatok na si Arlan sa aking pinto. Handa na siya sa aming pag-alis. Mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan ito ng konti, tamang tama lang para masabi ko sa kaniya ang dapat sabihin.

"Hintayin mo nalang ako sa baba." mabilis kong sani at agad na isinara ang pinto.

Bitbit ko ang bag habang pababa ako ng hagdan. Dala ko ang halos lahat ng damit ko, dahil hindi ko naman alam kung ano mangyayari pagtapos ng interview. Nakasuot ako ng earphone nang umalis kami para makaiwas sa maaari naming pag-usapan.

Nakatingin lang ako sa labas ng pumasok sa isip ko ang pag-aaway nila kanina. Malakas ang kutob kong ako ang ex na sinasabi ni Athena. Alam niya kaya kung sino ang ex nito?

Agad akong napabuntong hininga sa naisip. Impossible dahil mukha naman siyang mabait sa akin at walang galit sa mukha sa tuwing nakikita ako.

Wala akong ginawa kundi ang magscroll sa aking cellphone at ang tumingin sa labas para lang may magawa. Hindi ko alam pero ngayon eto na yung oras na pwede ko siyang kausapin, walang Athena na biglang susulpot o ano pa man pero hindi ko ginawa. Mas pili kong magpaka busy sa cp at wag siyang kausapin.

Napatingin ako sa labas ng maramdamang tumigil na ang sasakyan. Nasa drivethru kami ng isang fast-food chain, umorder lang siya ng maaari naming kainin habang nasa byahe.

Uminom ako sa inumin ko bago tumingin sa labas, nasa isang parking lot kami ng isang condominium sa BGC. Nilingon ko si Arlan, inaalis na niya ng seat belt niya.

"Dito na tayo?" tanong ko kahit na obvious naman.

Tumango lang ito at lumabas ng sasakyan, at kunuha ang gamit ko na nasa likod. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya sa elevator. He tap the 23th floor.

Tulad ng sa buong byahe ay walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating ng kaniyang unit. Malinis ang buong condo niya, maayos ang lahat ng gamit at naka organized, daig pa ako dahil magulo ang place ko noon gawa ng trabaho. Nakakalat ang mga papel, scripts at iba parang may kaugnay sa trabaho. At nakakahiyang ganoon ang magawa ko sa condo niya.

May dalawang pinto ito na siguro ay kwarto na available dito. Alin kaya ang kanya dito?

Sinundan ko siya ng tingin ng dumaretso siya sa kabilang bahagi ng condo niya, sa kusina. May kalakihan ang condo niya, may space para sa kusina at dinning room. Imbis na libutin ang buong lugar ay umupo nalamang ako at nagpasyang hintayin siyang bumalik at magpaalam na aalis na. Ngunit kalahating oras na ay hindi pa ito bumabalik. Nasagot lang ang pagtataka ko ng makaamoy ang ng pagkain.

Teka! Nagluluto ba siya?! Hindi ba siya uuwi agad? Alas otso na ahh! Gagabihin siya!

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon