Chapter 14
"Oh? Anak, aalis ka na?" bungad na tanong sa akin ni Manang.
Closure lang naman talaga ang hinihintay ko. Nagkataon lang na napaaga ang lahat at ngayon ay desidido na akong bumalik ng Manila. Tumawag na din sa akin si Ms Kath para sabihing kailangan nila ako doon. And I think, everything is okay now.
"Opo, Nay. May trabaho pa po kasi akong naiwan sa Manila."
"Ganoon ba? Hindi ba dahil narito din si Arlan ngayon." napatitig ako kay Manang ng sabihin nya iyon.
Buong dalawang linggo na pag stay ko dito ay hindi niya binanggit ang binata. Kaya hindi din ako nagtangkang banggitin ito.
Ngumiti ako sa kaniya, "Naku, hindi po. Wala na po lahat nang nakaraan samin."
"Talaga ba anak? Dahil kitang kita ko kung gaano nyo minahal ang mga Cortez. Simula sa lola mo hanggang sayo." parang may tumusok sa puso dahil sa sinabi ni Manang.
Muli akong ngumiti, "Nay, ayos na po ako. Hindi ko na po uulitin kung ano ang ginawa nila Lola at Mama. Hindi na po ako magpapakulong sa pagmamahal. At isa pa Nay, masaya na sila kasama ang girlfriend niya."
Kita ko ang panghihinayang sa mga mata niya sa sinabi ko. Pilit ko namang iningiti ang mga labi ko. Tama naman si Manang, hindi na mawawala ang nararamdaman ko para kay Arlan pero hindi na ganoon kalalim at tanggap ko nang hindi na niya ako mahal.
"Ganoon ba? Sige, Anak. Mag-iingat ka." tango lang ang itinugon ko sa kaniya at isang yakap.
Suot ko ang earphone ko sa byahe habang nakatingin sa labas ng bintana. Alam kong sa pagdating ko ng Manila ay normal na ang lahat. Ang maging fiancee ni Markuz kahit wala sa plano naming dalawa ang pakasalan ang isa't-isa. Mabilis na bumalik sa alaala ko ang sinabi ni Markuz habang tulog ako.
Or may be, ano lang yung walang balak?
"Elle!" agad na may tumawag ng pangalan ko pagbaba ko palang ng terminal. Si Markuz.
He open his arms for a hug, pero imbis na yakapin siya ay ngiti lang ang ipinakita ko sa kanita at iniabot ang bag ko. Hindi naman siya nagreklamo at tumawa lang.
"So, nakapagdesisyon ka na ba na sa akin na tumuloy?" nanliit ang mata ko sa sinabi niya.
Nasa isang coffee shop kami, bago ako umuwi sa place ni Arlan at bago siya bumalik sa trabaho. Nakapagdesisyon na ako na kay Arlan pa din tumuloy. We already had a closure at wala pa naman siya dito, tsaka sigurado akong sa Tagaytay iyon magstay at hindi dito.
"What? Nag-aalala lang naman ako sayo." dipensa niya. Irap ibinigay ko sa kaniya bago sumimsim sa aking kape.
"We're okay now."
"What?! What do you mean okay? Kayo na ulit!" halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw siya. Mabilis na kumunot ang noo ko.
"No.. Of course not! That's not what I meant." mabilis kong sabi.
"Then, what?"
"We already talked, and we're only friends now." I said and smile. Nakita ko ang panliliit ng mga mata niya.
"I won't believe that! That's imposible! Siguradong sinundan ka niya doon!" muli akong napairap sa sinabi niya.
"That's possible. See? I'm here in front of you, and he's with Athena."
Sumimsim ako sa kape ko. Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi niya. Impossible iyon pero pwede ding possible. Agad akong uniling para iwala ang nasa isip, hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na iyon. Dahil tapos na ko sa level na iyon.
"Start na ulit ako sa trabaho bukas. Tumawag sa akin si direct at kailangan nila ako." sabi ko.
Nasa loob na kami ng kotse niya at ihahatid na ako sa condo ni Arlan. Tahimik lang siya at hindi ako pinapansin. Tila ayaw pa akong ihatid nito at napilitan lang.
"Good for you." tipid niyang sabi. Hindi ko maiwasang mapairap dito at tumingin nalang sa labas.
Agad akong napakunot ng makita ang Mall. Bigla kong naalala ang gagawin, ang mamili ng mga damit.
"Wait! Daan tayo ng mall!" halos pasigaw kong sabi ng akmang liliko na ito.
Hindi naman siya umangal at doon kami dumaretso. Maaga pa at dahil weekdays ay kakaunti lang ang mga tao. Hinatak ko siya sa paborito kong boutique, kung nasaan ang mga pambabaeng kasuotan.
Kumuha ako ng mga blouse at na maaari kong magamit sa trabaho at pambahay. Kumuha din ako ng mga undies at iba pang mga extrang magagamit ko pag nagkaroon kami ng panibagong project.
"Ang dami mo namang kinuha." patungo na kami sa counter noon. Inirapan ko ito.
"Pakelam mo ba? Ako naman ang magbabayad."
"Who says? Hindi ako papayag na ikaw ang magbayad niyan." halos mag-isang linya ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sira ulo ka ba?"
"Why? Magiging asawa na din naman kita diba? Let me pay for you." natigilan ako sa sinabi niya, sinabayan pa ng pagwawala ng puso ko nang kindatan niya ako.
Aapila na sana ako nang makabawi pero nakapagbayad na siya at binabalot na ang mga damit ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon. May pambayad naman ako. At isa pa, hindi pa naman talaga tayo ikakasal." mahinang sabi ko nang makalabas kami.
"Why? Akala ko ba nakamoved on kana? Hindi ka pa din ba sigurado sakin? Kasi ako? Sigurado nako sayo." hindi ko mapigilang mapahinto sa sinabi niya.
Tumawa ako ng mahina, "Paano mo nasabing sigurado ka na sakin? Sabihin mo nga. Gusto mo na ba ko?" panghahamon ko, kahit na alam ko na ang sagot.
Nakita ko ang pagtigil niya sa tanong ko at tinignan ako. Kitang kita ko sa mga mata niya ang kagustuhang sabihin sa akin ang totoo, pero imbis na gawin iyon ay hinila niya ako patungo sa isang salon.
"Dito ka muna. Paayos ka ng buhok, pamanicure ka o ano pa. Babalik ako mamaya." bulong niya sa akin matapos kausapin ang namamahala roon at ginawaran ako ng mabilis na halik sa noo.
Hindi na ko umapila pa ng simulan akong ayusan sa buhok. Balak ko na talagang pumunta dito at naunahan lang ni Markuz. Sinabi ko din sa nag-aayos sa akin ang gusto kong mangyari sa buhok ko. I do a manicure too.
Malapit na magdilim nang matapos ang pag-aayos sa buhok ko. Nasa harap ako ng salamin habang tinitignan ang buhok ko. Maikli na ito at ash gray ang kulay na may asul sa laylayan, katulad ng gusto ko.
"Bagay pala sayo Ma'am ang maikling buhok. Siguradong mas maiinlove sayo si Sir." sabi ng baklang nag-ayos sa akin. Tanging ngiti lang ang isinagot ko dito bago tungo sa pinaka-counter para magbayad.
Palabas na ako ng salon ng saktong dating ni Markuz. Nilingon ko ito, nakatingin ito sa gawi ko kaya ngumiti ako sa kaniya. Sinalubong ko ito pero nagulat ako nang lumampas siya sa akin at doon sa counter dumaretso. Wala akong nagawa kundi ang sundan ito ng tingin.
"Miss, nakita mo ba yung fiancee ko? Yung hinatid ko kaninang tanghali dito." napakunot ang noo sa tinanong niya.
Hindi niya ba ako nakita?
"Markuz." tawag ko sa kaniya na agad niya ikinalingon. Kung saan saan pa siya lumingon bago pa ako tuluyang makita nito. Kung hindi pa ako kumaway.
"Oh my goodness! Hindi kita na mukhaan!" malakas niyang sambit at mabilis akong dinaluhan.
Tanging tawa lang ang itunugon ko sa kaniya ang umikot sa harap niya.
"Well." mayabang kong sambit ng makaharap muli sa kaniya. Natigilan lang ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko at sabay bulong sa akin.
"You look so beautiful." he whispered that makes my heart shutter.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...