Chapter 20
"Ano niluluto niyo?" tanong ni Arlan na kakadating lang ng kusina.
Wala pang sampung minuto ng dumating ako dito at naabutan si Enzo at Jenilyn na nagtatalo sa niluluto. Naggagawa silanng dough para sa pizza nila ng maabutan ko.
"Pizza, kuya." sagot naman ni Jenilyn.
Kita ko sa peripheral vision ko ang paglapit niya sa kinauupuan ko, kaya agad akong tumayo.
"Balik nalang ako mamaya pagtapos niyo na ahh? Sana masarap." paalam ko at tumawa sa huling sinabi.
"Oo naman, Ate. Masarap to lalo na at ako ang gumawa." mayabang na sagot naman ni Jenilyn na agad na kinontra ni Enzo.
"Sus! Mas masarap ako gumawa sayo!"
"Edi gumawa ka ng sayo!"
Muli akong sumulyap sa kanila bago tuluyang makalayo. Nakatingin sa akin si Arlan. My heart skip a beat. Simula noong araw na aminin niya iyon sa akin ay iniiwasan ko na siya. Lalo na at nakikita kong humahanap lang din siya ng paraan para makausap ako, at iyon ang iniiwasan ko.
I stay in my room the whole day. Busy sa Markuz sa trabaho at hindi ko siya makukulit ngayon, and I don't if can still do that. Lalo na sa gumugulo sa isip ko ngayon.
Tatlong katok sa aking kwarto ay agad ko itong binuksan. It's Enzo.
"Ate, kakain na." sabi nito, "May mini party din kaming hinanda."
"Para saan?' nagtataka kong tanong. Wala naman silang sinasabi sa akin sa kung anong meron ngayong araw na ito.
"It's my birthday, Ate."
"Really?" hindi makapaniwalang sambit ko. He answered me with a nod and smile.
"Happy birthday!
"Ilan taon ka na?" pababa na kami ng hagdan.
"24, hehe."
Sa hagdan palang ay rinig ko na ang kung anong meron sa labas. Siguradong sa side pool nakapuwesto iyon.
"May iba pa bang bisita?" I asked and looked at him.
"Wala, tayo-tayo lang." tumango-tango naman ako sa sinabi niya.
Tulad ng hinala ko ay sa pool kami punta, kung saan naroon ang pagkain. May videoke doon, isang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at sa isang maliit na lamesita naman ay mga beer. Napangiti ako ng makita ang pizza na ginawa nila Enzo, para dito pala iyon.
"Love, here." agad akong tinawag ni Markuz at itiniro ang tabi niya kung saan ako dapat umupo.
Okay naman ang naging salo-salo namin kasama ang ilang kasambahay, nag-uusap sila ng tungkol sa trabaho at iba pa. Nakikinig lang ako at kung tinatanong ay sumasagot at nakikipagkwentuhan din.
"So, kayo muna ang bahala dito. Wag kayo masyadong papakalasing. Enzo, Arlan. Kayo muna ang bahala." bilin ni Mama sa amin ng matapos ang hapunan, bago kami iwan sa labas.
Napatingin ako sa harap ko kung nasaan si Arlan. Nakatingin ito sa akin na tila ba inobserbahan ako sa kung ano ang gagawin ko. Mabilis akong umiwas sa kaniya at tumingin kay Markuz.
"Tapos ka na ba sa trabaho?" I asked him.
"Ahm, medyo. Pero pwede ko namang ituloy iyon mamaya o kaya bukas." he answered and smile.
"Yoh! Eto na. Inuman na!" mabilis na binigyan kami ni Enzo ng inumin.
Maayos naman ang birthday ni Enzo. Si Jenilyn at Athena ay kanta ng kanta, habang ang tatlong lalaki naman ay puro kwentuhan sa lamesa, habang nakikinig ako sa kanila. Ininom ko nasa bote ko, hindi ko maiwasan ang maya't-mayang pag-inom lalo na pag napapansin ko ang mayat't-mayang sulyap sa akin ni Arlan.
"Kanta ka naman." napatingin ako kay Enzo ng bigla nalang akong abutan nito ng song book.
"Ha? Ako? Hindi ako kumakanta."
"Ako nalang kakanta para sa kaniya." mabilis na prisinta naman ni Markuz.
And when his song play, the real party start. Madami na ang mga boteng naubos namin, at sigurado akong pare-pareho na kaming lasing.
"I'll hold the door, please come in and just sit here for a while, this is my way of telling you I need you in my life." nagulat ako ng biglang tumayo si Markuz nang tumugtog ang kanta niya.
He even offer me for a dance. And I take his hand. Isinayaw niya ako na hindi ko naman inaasahan, sinabayan ko siya. Maging sila Athena ay sumama na din sa amin sa gitna. Masaya kami, puno ng tawa at sayaw.
"There's no other, there's no other love. That I'd rather have you know. There ain't no one, there ain't no one else. I want you for myself." he sang, at pinaikot ako.
Napapikit ako sa biglaan niyang pag-ikot sa akin at dahil na din sa alak. Napamulat nalang ako ng tumama ako sa kaniyang katawan. Isang malawak na ngiti ang lumitaw sa mukha ko ng makita ko si Arlan sa aking harap. He's smiling too.
"I've been thinking 'bout you lately, maybe you could save me from this crazy world we live in and I know we could happen, cause you know that I've been feeling you. I know you want me too." he continue singing.
"I love you, Elle." Arlan's whispered and give me a kissed.
Mabilis ka siyang itinulak ng matauhan. Luckily, abala ang apat at nakatingin sa videoke, kaya walang nakapansin sa amin. Hindi ko alam kung anong kaba ang bumalot sa aking dibdib matapos noon, hindi na ako halos makangiti at wala nang ginawa kundi ang uminom. Tila hinihintay na lamang na matapos ang iba at babalik na ako sa aking kwarto.
"Ate, lasing na ata sila. Taas ko na si Markuz, ikaw naman kay Jenilyn. Si Kuya na bahala kay Athena." sabi sa akin ni Enzo. Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya dahil lasing na ito pero nagawa niya pa ding maiisip iyon.
Ang mga kasambahay ang nag-ayos ng aming kalat sa labas. Gustuhin ko mangtumulong ay hindi ko na din kaya dahil sa kalasingan. Susuray-suray na ako ng papunta sa aking kwarto ng makasalubong ko si Arlan, galing ito sa kwarto ni Athena.
Hindi ko alam kung hihinto ba ako ng makita siya o ano, pero pinili ko pa din ang hindi siya pansinin at magdare-daretso sa aking kwarto. Puno ng kaba ang aking dibdib, bumabalik ang alaalang akala ko nawala na.
"Elle, baby." napatigil ng marinig si Arlan. Papasok na ako ng kwarto ng magsalita ito.
"Kuya, punta ka na ng kwarto mo. Lasing ka na." sabi ko ng hindi siya nililingon.
Pero mas ikinagulat ako ang ginawa niya. He push me inside my room and go inside. Hindi ako nakapagreact agad dahil sa kalasingan at pagkagulat.
"Elle, totoo lahat ng sinasabi ko. Hindi kita niloloko. Nagseselos ako na si Markuz ang kasama mo ngayon. Elle, mahal kita." sunod-sunod niyang sabi sa akin.
"Hindi ko mahal si Athena, dahil ikaw lang ang laman nito." he pointed to his chest where his heart is.
A tears fall from my eyes, hindi ko alam kung dahil ba sa sasaya o sa lungkot. Dala na din siguro ng alak sa aking katawan ay hindi ko kontrolado ang nararamdaman.
"Arlan, I love you too." sambit ko and kissed him.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...