Chapter 6
"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na." bungad ko sa kaniya pagdating sa kusina.
Naghahain na ito sa hapag. Mukhang hindi nakuntento sa binili kanina. Kahit na medyo busog pa ay agad akong nakaramdam ng gutom ng makita ang kaniyang luto. Nagtatakaman kung saan siya kumuha ng rekado ay agad ding pumasok sa isip ko na baka may inutusan siya para gawin iyon. Hindi na nakakapagtaka dahil mukhang may taga linis naman siya rito.
"Hindi ba nasabi sayo ni Mama? Na sa isang araw pa ang balik ko? Kaya nga ako na ang pinaghatid sayo." halos manlaki ang mata ko sa sagot niya.
Agad na may tanong na pumasok sa isipan ko. Alam ba nila Mama na naging boyfriend ko si Arlan? O hindi? At gaano na ba siya katagal na nag-stay doon at Mama na din ang tawag niya kay Mama?
"Hindi nila alam, okay? Now, sit and eat." bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na siya agad.
Tahimik ang magkain namin hanggang sa matapos. Nagpresinta naman ako na magligpit at hindi naman siya umangal.
"Dito ang kwarto ko at sakabila naman ang sayo." paliwanag ni Arlan na agad kong tinanguan.
"O kung gusto mo sa isang kwarto nalang tayo." he joked, pero imbis na matawa ay binalot lang ako ng kaba.
Gusto kong sabihing oo pero pinigilan ko ang sarili ko. May girlfriend siya at hindi ako laruan para maging pampalipas oras niya lang.
Imbis na patulan at magalit sa joke niya ay binitbit ko ang bag ko at pumasok sa kwarto. Halos matumba ako ng isara ko ang pinto. Nanghihina dahil sa sinabi niya, idagdag mo pa iyong dalawa lang kami sa condo niya. Hindi lang isang gabi, kundi dalawa!
Ni hindi ko na nga alam kung paano ko siya pakikitunguhan noon nasa Tagaytay kami, and then now, magkasama kami sa iisang bubong. Sa isang buwan ko doon ay hindi ko siya nakausap, awkward na may halong kaba at galit sa kaniya. Wala kaming closure at hindi ko alam kung ano mangyayari kung magkaroonman.
Maayos ang naging tulog ko buong gabi, nagising lang ako ng alasais dahil sa alarm ko. Matagal akong mag-ayos kaya kahit alas-otso pa ang interview ay gumising na ako at nagsimulang mag-ayos. Mang matapos ay lumabas na ako ng aking kwarto, handa nang umalis.
"Aalis kana? Hindi ka ba muna mag-aagahan?" halos mapatalon ako ng bigla na lamang sumulpot si Arlan sa likod ko.
"Hindi na, baka mahuli pa ako." mabilis kong sabi at nagsimula nh humakbang.
"Ihahatid kita, para hindi ka malate." natigilan ako sa inoffer niya.
Pwede din. Kesa mag commute pa ako.
Nakabihis na din siya ng lingunin ko siya. Tila ba planado ang lahat. Agad kong iwinala ang kaba at pag-asang namumuo sa puso ko. Bago sumunod sa kaniya para kumain.
Napatingin ako sa building ng Grand C ng tumigil ang sasakyan. 15minutes pa bago mag-alas otso.
"Good luck." sabi ni Arlan bago ako bumaba ng sasakyan at tinanguan lang siya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba habang pinapanuod ang sasakyan niyang lumalayo. Parang bigla ko nalang gustong maging si Athena. Ang maging babaeng mahal niya ngayon. At sana di ko nalang siya iniwan.
Napabuntong hininga nalang ako bago tuluyang pumasok ng building. Madaming tao doon pero hindi sila mukhang mga maa-apply, parang ako nga lang yata ang narito para sa isang interview.
"Ma'am, ano pong appointment nyo dito?" tanong sa akin ng isang guard.
"Saan po si Ms. Venus Reyes?"
"Interview, Ma'am?" tanong niya pa na agad kong tinanguan.
Mabilis niyang itinuro sa akin ang room nito na agad ko naman napuntahan. Tatlong katok at pumasok na ako, tulad ng sinasabi sa akin ng guard. Akala ko ay maghihintay pa ang ng matagal dahil sa pila pero wala.
"Good morning, Ma'am. I'm Jeanelle Chua." bati ko sa kaniya.
Mabilis niya akong pinaupo at ininterview. Nagulat pa ako ng kilala niya ako at ang ilang movies kung saan kasama ako sa production. Mabilis naman akong natanggap hindi nga lang sa position na inapply-an ko, dahil sabi ni Ms. Venus ay kailangan ko pa ng experience bago ako bigyan ng project sa position na iyon, at pabor naman sa akin dahil mayroon na agad silang ibinigay na trabaho. Kasama ang isa sa magaling director sa larangan ng cinema. Si Ms Kath.
I'll be her assistant in directing her film, and I'm glad to be the one of her team. Halos lahat ng film na nagawa niya ay bumenta sa halos lahat ng Pilipino pati narin sa ibang bansa.
"Nasa loob na po sila Ms Kath." tumango ang ako at nagpasalamat sa kaniya. Isa sa mga staff ng Grand C.
Pinahatid ako ni Ms Venus sa kaniya, sa room kung saan gaganapin ang meeting para sa film na gagawin namin. Pagpasok ko palang ay si Ms Kath at ang magiging producer ng movie.
"Good morning, Ma'am, Sir. I'm Jeanelle Chua." bati ko sa kanila katulad ng pagbati ko kay Ms Venus.
Mabilis akong sinalubong ni Ms Kath na ikinabigla ko.
"I'm glad that you'll be a part of my team!" she said. Agad akong pinag-initan ng mukha, masaya ako dahil ganoon din ang nararamdaman niya. Madami pa siyang sinabi sa akin na matagal na niya ako gustong makatrabaho.
We talked about the project. Pinaliwanag nila sa akin kung sino ang magiging bida at kung saan. Noong una ay nagulat pa ako ng malaman na sa Pangasinan ang magiging setting ng movie. Pero nang tumagal ay nawala din.
Saktong alas onse ng magsimula ang meeting, dumating ang mga cast ng magiging movie. Ang iba sa kanila ay nakasama ko din sa ibang movies na aming nagawa.
Pinag-usapan doon kung kailan magsisimula ang shoot at gaano katagal ang aabutin namin sa Pangasinan.
Maghahapon na nang umuwi ako ng condo. Makapal ang bitbit kong papel, scripts at iba pang mga kailangan kong basahin para sa film. Buti nalang at hindi ko inalis ang gamit sa aking bag, dahil sa isang araw na agad ang alis namin patungo ng Pangasinan. We will stay there for almost 2 months to shoots the whole film.
"Dami nyan ahh? Babasahin mo lahat?" bungad sa akin ni Arlan pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.
Agad akong nakaramdam ng kaba ng makita siyang naka upo sa sofa habang nanunuod. Tanging ang suot lamang ay boxer. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.
"Yeah." simple kong sabi at tumungo sa aking kwarto.
"Hindi mo pa din inaayos ang gamit mo?" natigil ako sa pinto ng magsalita siyang muli.
"Hindi ko na aayusin, aalis din ako. Mawawala ako ng halos dalawang buwan dahil mayroon kaming malaking project na kailangan i-shoot sa malayong lugar." sabi ko at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto.
Matagal tagal din akong nawala sa trabaho kaya siguradong naninibago muli ako. Kaya unang araw palang ay pagod na agad ako, pero kailangan kong basahin ang buong script.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...