Chapter 24

26 8 0
                                    

Chapter 24

Tanghali na akong nagising. Araw ng Linggo at lahat sila ay walang pasok. Tanghalian na ng makababa ako para kumakain. Nasa hapag ang lahat. Nasa tabi ni Arlan si Athena.

"Maupo ka na anak at kumain. Tanghali ka na naman bumangon." sabi ni Mama.

Nakita ko ang pagsulyap ni Arlan sa kamay ko habang naupo sa aking kamay. Nakita ko pa kung paano kumunot ang noo niya ng makitang wala roon ang singsing na binigay niya noong nakaraang linggo.

"Anak, kamusta na pala kayo ni Markuz? I heard you already broke up? Is it real?" napahinto ako sa paglalagay ng pagkain sa aking plato at napatingin kay Mama.

Naka-abang ang lahat sa isasagot ko, pwera lang kay Arlan.

"Opo."

"Why? What about your wedding?"

"Hindi na po tuloy iyon." simpleng sagot ko at sumulyan kay Arlan.

"Don't you mind if I asked this. Is it because of your ex?" muli akong natigil but this time dahil sa tanong ni Enzo.

Nakatingin ito sa akin at naghihintay ng sagot ko. Parang hinahalukay ang tyan ko sa kaba.

"No. It is because of our personal differences."

Nakita ko ang pag-aalangan niya sa sinabi ko, sumulyap pa ito sandali kay Arlan, bago dumako sa leeg ko hanggang dibdib kung saan nakalagay ang singsing. Lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko. Bahagya iyong nakatago sa damit ko kaya paanong nakita niya pa din.

"Sabi mo ehh. Wag lang sana talagang dahil sa ex mong gago." he said and continue eating.

Agad akong napalingon kay Arlan dahil sa pagkasamid niya. Akmang aabutan ko na siya ng tubig pero agad akong napatigil ng makitang naabutan na siya ni Athena.

Isang kurot sa puso ang aking naramdaman. Selos dahil may ibang taong gumagawa noon sa kaniya na dapat ako. Binalewala ko iyon at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos ang tanghalian ay agad kong tinungo ang hagdan pabalik ang aking kwarto. Hindi ko alam kung mag-stay pa ba ako ng matagal sa baba kung ang makikita ko lang ay ang mga ginagawang pag-aalaga ni Athena kay Arlan na dapat ako ang gumagawa.

Isang hila sa braso ang nagdala sa akin sa isang library. It's Arlan. Nakita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata.

"Are you jealous? I'm sorry."

Tumingin ako sa malayo. I can't look at his eyes.

"No, it's okay. Alam naman ng lahat na girlfriend mo siya. Kaya ayos lang."

"Should I introduced you as my fiancee?"

"No!" gulat kong sambit. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniya.

"I mean, unti-untiin lang muna natin ang pagsasabi  Wag agad-agad." paglilinaw ko.

"But I can't take to see you're getting jealous everytime I'm with her!" he said with frustration.

"Baka mamaya malaman ko nalang na wala ka na naman at iniwan ako!"

Hindi ko maiwasang matawa sa reaction niya. He's being paranoid now.

"Of course I can't do that!"

"You already did."

"Hindi na nga uulitin. Tsaka diba makikipaghiwalay ka na sa kaniya? Pagtapos noon pwede na nating ipaalam kina Mama kung anong meron sa atin." sabi ko.

"Should I break up with her now?"

"No! Wag naman agad-agad, baka magtaka sila. Kakahiwalay lang namin ni Markuz, tapos kayo naman ngayon? Hindi ba kaduda-duda iyon?"

"E' ano? Sasabihin din naman natin pagtapos diba?"

Tinignan ko siya. Nakasandal ako sa pader habang siya ay nasa harap ko. He's looking at me. A smile flash on me. May kalokohang naisip.

"Let just say, this will be her karma." nakita ko ang pagkunot niya sa sinabi ko.

"Just joking!" I said and laughed.

"Let's enjoy what we have now. Wag muna nating madaliin ang pagsabi sa kanila. I know, Mama will freak out if she find out, especially Mom." I whispered and gave him a sudden kiss before leaving him in library.

Malawak ang ngiti ko ng lumabas ng pinto pero agad ding nawala ng makita si Enzo sa labas. Nakatingin ito sa akin at tila ba kanina pa ito doon. Did he heard everything?

"K-Kanina ka pa dyan?" I asked.

"Sa tingin mo?" agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Don't answered me with another question."

"Bakit? May tinatago ka b--" hindi pa natatapos ang sinasabi nito ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Arlan doon.

Agad na binalot ng kaba ang dibdib ko. Wala salita ang gustong lumabas sa bibig ko. May nakabarang hindi ko alam.

Enzo's eyes dart on Arlan. Gulat at pagtataka na napalitan ng mahinang pagtawa ng maisip ang kung anong meron. Mabilis na nag-init ang mata ko, lalo pa ng dumapo ang mata nito sakin.

"I knew it!" he said with amazement.

Mabilis na lumapit sa akin si Arlan at itinago ako sa likod niya. Tila ba may masamang gagawin sa akin si Enzo.

"Kailan pa?"

"Last week." sagot naman ni Arlan.

Huminga ako ng malalim bago ako umalis sa likod ni Arlan at humarap kay Enzo.

"C-Can you keep it a secret? Sasabihin din naman namin ang totoo, naghahanap lang kami ng tiyempo." hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sabihin iyon.

"Of course! Alam nyo namang boto ako sa inyong dalawa." hindi ko maiwasang mamangha sa isinagot nito.

I thought he's against us, but I was wrong he's in our side. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Wag ka lang sanang lokohin ulit ng gagong yan." he said while looking at Arlan.

"I won't." dinig kong sabit ni Arlan. Nahimigan ko ang konting inis sa kaniya.

"Sana nga." aniya bago lumakad palayo sa amin.

Akmang lalapitan pa ni Arlan ang kapatid pero agad ko itong pinigilan. Pagnag-away sila ay magtataka ang lahat at maaari pang mapaaga ang pagkabunyag ng sekreto naming dalawa. At ayokong mangyari iyon.

"He's on our side. Kahit na ganoon ang tingin niya sayo ay mas gusto ka pa din siya para sa akin." sambit ko.

"Tss. Kapatid mo siya, pero kung umasta siya ay parang gusto ka!" halos matawa ako sa sinabi niyang iyon.

Alam kong dahil sa nakaraan kaya ganoon ang sinasabi niya, at ang pagiging sweet nito tuwing nariyan siya. Pero maniwala man siya o hindi ay ate lang talaga ang turing niya sa akin. Sinasadya lang nitong ipakita ang mga ganong bagay kay Arlan. Alam ko yun. Kahit sa sandaling panahon na narito ako ay iyon ang naramdaman at nakikita ko.

"Pumunta ka na muna ng kwarto mo. May gagawin lang din ko. Hahanap na din ako ng tiyempo para makausap si Athena. I can't wait to---" mabilis kong hinawakan ang braso niya na ikinatigil niya.

May takot sa aking dibdib. I know Mom and Lolo will do everything to separate us. And I don't know if I can take that anymore. Madaming panahon na ang nasayang saming dalawa at ayoko ng mangyaring muli iyon.

"Don't worry okay? Hindi ako papayag na paglayuin pa nila tayo. We're not young anymore, so stop worrying okay?" he said and gave me a sudden kiss and escort me to my room.

Nanghihina akong umupo sa aking kama. Tulala at hindi maalis ang nasa isip, kahit ilang beses ko ng sinasabi ang mga sinabi ni Arlan sa akin ay hindi pa din ako napapanatad. Pakiramdam ko ay may mas malalapang mangyayari kesa noon.

Should we run now? And live far from them? Dapat yatang pag-usapan na namin iyon mamaya.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon