Chapter 12
'Simula ngayon isa na akong Mrs. Cortez. Sa wakas, matutupad na ang matagal ko nang pangarap. Ang gigising kasama ka, ipagluluto ka, at mamahalin ka ng walang humahadlang sa atin.' napangiti ako sa isinulat ko. Nakailang ulit na ako pero pare-pareho lang ang lahat ng naiisip ko at wala nang maiduktong.
Nagkalat ang mga papel na nasa harapan ko. Puro pangit na drawing ng kwarto at gowns, isama pa ang ilang beses kong inulit na vows. Habang busy si Arlan sa trabaho ay eto naman ang pinagkakabusy-han ko.
"Ineng," tatlong katok at pumasok na si Manang Cha sa loob.
"Po?" humarap ako dito.
Ipinakita niya sa aking ang phone ni Arlan. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo. Isang oras na ng umalis ito patungo sa trabaho.
"Naiwan ng asawa mo sa baba. Baka kasi may tumawag at hindi naman ako marunong ng tulad sa telepono niya."
"Ay, sige po. Ako nalang po ang bahala dito." sambit ko at kinuha ang phone bago siya umalis.
Inilagay ko lang ito sa tabi ko at pinagpatuloy ang aking ginagawa. But instead of drawing a room design, I decided to search for some ideas. Wala naman sigurong masama kung ganoon nalang ang gawin ko kesa ang magdrawing.
Madami akong gandang nakita para sa kwarto ng bata. May panlalaki at may pambabae, at lahat iyon ay magaganda. I save every pictures that I like. Pwede ko iyong gamitin, if magustuhan din ni Arlan. I giggled at my thoughts.
Malawak ang ngiti ko ng lumabas ng bathroom. Kakaligo lang at ang presko ng pakiramdam ko. Malawak ang ngiti ko habang nag-aayos sa tukador. Special ang araw na ito para sa akin, ito ang ikalawang buwan naming engaged at ilang buwan nalang ay ikakasal na kami. Or just a weeks?
"I knew from the first time... I'd stay for a long time... 'Cause I like me better when, I like me better when I'm with you..." kumakanta-kanta pa ako habang nag-aayos.
Nang matapos sa pag-aayos ay agad akong tumayo at handa nang lumabas ng biglang tumunog ang phone ni Arlan. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ang tawag ng makita ang pangalan ng secretary niya roon.
Athena. Madalas itong tumawag sa kaniya dahil madami daw siyang meetings na kailangan attenand dahil sa bakasyon namin a weeks ago. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon dahil baka mayroon itong kailangan sabihin kay Arlan o baka si Arlan ito at gustong ipadala ang kanyang phone sa resort.
"Hello." sambit ko pagkasagot ng call.
"Babe, bakit hindi mo ko tinitext? Miss na kita, kailan ka ba babalik dito?" agad akong napakunot ng noo sa sinabi niya.
"Excuse me, Miss. Wrong number ka yata." I said.
"Ha? What? Of course no. Are you his secretary? Can you please call your boss for me?" halos mag-isang linya na ang kilay ko sa sinabi niya, may kung anong sakit ang gumuhit sa dibdib ko.
Hindi ba siya ang secretary?
"I'm Arlan's fiancee. So fuck off!" inis na sabi ko at papatayin na sana ng magsalita siyang muli.
"No, that can't be happened. I'm with his family. At malinaw na malinaw na wala siyang fiancee at impossibleng mangyari iyon. Ilang buwan palang nang umalis siya, at ngayon sasabihin mong fiancee ka niya? O'come on. Wake up!"
Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Madaming tanong ang pumasok sa isip ko. Paanong kasama niya ang pamilya nito kung si Lolo Henry naman ay nandito at nakakasama namin. Wala din siyang ibang nabanggit sa akin. Suddenly a short memory come on my mind.
"Don't worry, I'll back as soon na matapos na agad ang ginagawa ko dito. I love you."
"Kapatid ko ang kausap ko. Wag madumi ang isip."Hindi kaya, kasama na niya ang tatay niya? And all this time he's only playing with me!
"Ano? Na realize mo na bang pinaglalaruan ka lang niya? Poor girl--" hindi ko na inapos ang sasabihin niya binato ang phone ni Arlan at pinakawalan ang sigaw.
Sumiklab ang galit sa aking dibdib. At sa galit ko ay inihahagis ko ang lahat ng madampot ko. Walang tigil ang mga luha sa mata ko, pakiramdam ko ay parang dinudurog ang puso ko sa nalaman.
Malakat ang buong kwarto ng bumukas ang pinto. Wala na ang kumot sa kama, pati natin ang mga unan roon, ang mga gamit na nasa tukador ay nagkalat ma din at ganoon din ang nasa study table. Punit-punit na ang mga drawing ko at ang mga vows na ginawa ko.
"Naku! Jusko! Anong nangyari? Bakit ang kalat?" mabilis akong dinaluhan ni Manang Cha.
Nakaupo ako sa gilid ng kama, mabilis niya akong inalo sa kinauupuan ko noon. Wala akong ginawa kundi ang umiyak. I tried to calm myself but I'm in pain. Mabilis akong tumayo at mabilis na nag-impake ng gamit.
Wala na akong dahilan para magstay pa dito. Eto lang naman ang gusto niya, ang masaktan ako at makaganti siya sa akin. I hope this will make him happy.
"Neng, saan ka pupunta?" naguguluhang tanong ni Manang sa akin pero hindi ako sumagot. Tuloy-tuloy pa din ang pagtulo ng luha ko.
"Neng, hintayin mo muna ang asawa mo."
"Hindi ko po siya asawa." malamig kong sabi.
"Kung anoman ang problema nyo, pag-usapan niyo muna. Huwag iyong aalis ka nalang bigla." muli nitong sabi at inaalis ang mga damit kong inilalagay ko sa isang maleta.
"Buo na po ang loob ko."
"Hindi totoo iyan. Galit ka lang."
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko, "Hindi po, kahit po kalmado na ako. Aalis pa din ako." malamig kong sabi. Gusto ko nang tumahan pero hindi ko magawa. Ang bigat ng dibdib ko sa mga nalaman, hindi ko kayang basta nalang tumahan.
"Neng, maghulos dili ka muna." pigil nito sa akin ng maisara ko na ang maleta.
"Hindi na ho kailangan. Pakisabi nalang ho kay Arlan na napakawala niyang kwenta! Maging masaya sana sila ng babae niya!" sambit ko. Pumiyok pa ako sa dulo dahil sa isang hikbi.
Mabilis akong bumaba ng hagdan dala ang aking maleta pati natin ang album. Ibabaon ko ito kasama ang singsing at bracelet na galing sa kaniya. Mabili kong dinampot ang pala at naghukay kahit na nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Hindi na din ako nasundan ni Manang, marahil ay tinatawagan na si Arlan sa kanyang telepono ngayon para sabihin na aalis na ako.
Malakas ang padyak na ginawa ko nang mabaon ko na ang tatlong bagay na iyon. Mabulok sana kasama ang bahay na ito!
Nasa gate na ako ng lumabas siy Manang, sinusubukan na pigilan ako pero sa huli ay wala ding nagawa nang pumara na ako ng trycicle at sumakay.
Walang tigil ang luha ko sa mga oras na iyon, at ang tanging gusto ko lang ay ang lumayo sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...