Chapter 29

31 7 0
                                    

Chapter 29

Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Hindi inaalis ang tingin sa kaniya, natatakot na bigla itong mawala. At hindi na ako papayag na mangyari pa iyon.

"Dito nalang, Enzo." sabi niya sa nagmamaneho.

Doon lang ako napalingo, doon ko lang din napansin na apat pala kami sa loob ng sasakyan. Si Enzo ang nagda-drive, at si Jenilyn ay nasa likod. She smiled at me when our eyes met.

Itigil ni Enzo ang sasakyan. Nasa terminal na kami at hindi ko pa din alam kung saan ang tungo namin. Ang sigurado ko lang ay hindi sa lugar kung saan kami nagkakilala.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ng hindi makatiis.

Pero imbis na sagutin ako ay inabutan ako nito ng isang hoodie jacket and mask. Agad na kumunot ang noo ko roon sa pagtataka. Parang nabasa naman niya ang nasa isip ko ng nakitang tinitigan ko lang ito.

"Just wear it." sinunod ko naman ang sinabi niya. Katulad ko ay nagsunod din siya ng hoodie.

"Oo nga. Saan ba talaga kayo pupunta?" pag-uulit ni Jenilyn sa tanong kong hindi sinagot ni Arlan.

"Hindi nyo na kailangang malaman. Mas mabuti na yung gantong wala kayong alam." ani ni Arlan.

Agad na binuksan ni Arlan ang pintuan ng sasakyan ng matapos ayusin ang sarili.

"Salamat sa tulong nyong dalawa. I owe you a lot." sabi ni Arlan at lumabas.

"No problem, Kuya. Basta ehh, wag mo kaming kalimutang i-invite sa kasal nyo." agad akong namula sa sinabi ni Jenilyn bago sumunod kay Arlan sa labas.

Bumaba din si Enzo at inabot nito kay Arlan ang isang bag kung saan nakalagay ang mga gamit. Hindi maalis ang tingin ko doon. Wala akong dala kundi ang suot-suot ko ngayon.

"Kuya, mag-ingat kayo." tumango si Arlan kay Enzo.

"Thank you, mag-ingat din kayo." sabi ko bago nagpadala kay Arlan.

Dala ni Arlan ang bag sa kabilang kamay at ang kamay ko naman sa kabila. Madami nang pasahero ang nasa loob ng bus, mabuti nalang at may bakante pang upuang pangdalawahan.

Muli pa akong sumulyap kina Enzo nang tuluyan ng umandar ang aming sinasakyan. I saw Enzo wave at me and went inside the van.

"Akala ko hindi ka na tutuloy at kay Markuz nalang sasama."

Mabilis na lumawak ang ngiti sa aking mukha ng lingunin ko siya. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin.

"Nagseselos ka ba?" I asked even if I know his answer. Bahagya pa akong tumawa ng makita ang pagkainis nito.

"Bakit kasi sa kaniya ka nagpatulong kung nagseselos ka naman pala?" tatawa pa sana ulit ako ng makita ang pagtiim bagang, hudyat na galit na ito.

"At sino naman sa tingin mo ang dapat kong lapitan? Yung kapatid mong si Jane? Tss. Nung malaman pa nga lang niya na ako si Arlan, hindi na ako pinansin at iniwan nalang basta sa meeting place namin! Hindi nalang sinabing ayaw niya kong tulungan! Hay nako! Manang-mana sa Mommy mo!" agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Y-You met her secretly!" hindi makapaniwalang sambit ko.

Parang may kung anong kumurot sa aking dibdib. Isang sakit na nararamdaman ko sa tuwing kasama niya si Athena. Selos.

"Yes. But like what I've said, she leaves immediately."

"Okay." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa bintana.

Kahit saglit lang iyon ay nakakaselos pa din. Wala akong tiwala kay Jane, lalo na pagnakatalikod o wala ako. Minsan na ako nitong nilaglag at inagawan sa mga bagay na gusto ko.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon