Chapter 13

28 9 0
                                    

Chapter 13

"Ikaw ba? Hindi ka pa ba sasabay sa amin pabalik ng Manila?" tanong sa akin ni Ms Kath.

Tapos na kaming magshoot, at ang tanging gagawin nalang ay ang i-edit ang buong film. Tapos na din duty ko, tapos ko na lahat ng kailangan kong ipasa sa kanila.

Mabilis akong umiling sa tanong ni Ms Kath. Napiling kong magstay pa ng konting oras dito. Gusto ko, pag balik ko ng Manila ay okay na ko. Yung tanggap ko na ang lahat, na tapos na talaga ang meron kaming dalawa.

"Nak, bumangon ka na dyan para magtanghalian." nakahiga ako sa tanning chair sa labas ng bahay namin kung saan ako lumaki dito sa Pangasinan.

"Opo." tugon ko kay Manang Linda.

Magdadalawang linggo na akong nagstay dito simula noong matapos ang shoot. And I think, I'm doiy well. Halos araw-araw ay pinupuntahan ko ang mga lugar na napuntahan namin ni Arlan. At sa tingin ko naman ay unti unti ko na ding natatanggap ang lahat.

"Nak, hanggang kailan ka pala rito? Next week ay uuwi na ako sa amin. Wala nang tatao dito. Alam mo naman, tumatanda na ako. Kailangan ko na ng kasama." natigilan ako sa sinabi ni Manang. Napaisip.

Gusto ko pa sanang magstay pa dito ng matagal pero dahil ganoon ang lagay ay baka bumalik na din ako.

"Baka next week nalang din po." sagot ko nalang dito.

Tulad ng ginagawa ko tuwing hapon ay nag jo-jogging ako. Dinadaanan ko yung mga lugar kung saan kami madalas noon. Malapit na magsunset ng maisipan kong umakyat ng parola.

Napangiti ako sa ganda ng natatanaw ko. Magaan na lahat ng dinadala at nararamdaman ko. May be this will be the last time here in parola bago bumalik ng Manila.

"You look happy, huh? Tapos na shoot nyo?" halos mapatalon ako ng bigla nalang may magsalita sa likod ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang si Arlan iyon. Peri hindi ko pa din maiwasang mabigla dahil nandito din siya.

"Yeah, 2 weeks ago." tipid kong sagot at muling tumingin sa lumulubog na araw.

Okay na ang puso ko, wala nang sakit at wala na ding ang kabang ibinibigay sa akin ni Arlan.

"What about you? What brought you here?" tanong ko nang hindi na siya nagsalita.

"Business, I guess." sagot ko sa sarili kong tanong at tumawa.

Agad akong kinabahan ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noon sa nararamdaman. Akala ko ba wala na? Or it's just a nervousness for a coming closure?

"Elle, I'm sorry." panimula niya. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso nang sabihin niya iyon.

"I'm sorry for hurting you a months ago. Hindi ko naman talaga gustong gumanti sayo, nadala lang ako ng galit ko." mabilis na nag-init ang mata ko sa sinabi niya.

Kahit okay nako, di na mawawala yung sakit na yun. Pero tanggap ko na. Wala na akong galit sa puso.

"It's okay. I'm sorry too." mahinang sabi ko. Pinigilan ko ang luhang pumatak sa mata ko.

"I really sorry. At first all I want is to revenge, but believe it or not. Lahat ng pinakita ko sayo totoo." gumihit ang sakit sa puso ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko na mabilis ko ding pinunasan.

"It's okay. We don't need to discuss it. A one sorry will do. Tsaka masaya na tayo pareho sa piling ng iba. Diba? Ikakasal na ako kay Markuz and you're happy with Athena. Am I right?" pilit kong pinasigla ang boses ko.

Kung ako si Pinocchio, humaba na ang ilong ko sa sinabi ko. Wala pa sa plano ko ang pakasalan si Markuz. But if he still love me until I'm 30, then hindi na ko magiging choosy  dahil ayoko namang maging matandang dalawa.

"Yeah."

"So I guess. We can still be friends?" humarap ako sa kaniya at ngumiti pa, na tila wala akong sakit na naramdaman. Naglahad pa ako ng kamay para sa isang shake hands.

May be, this closure is the key to finally move on. Yung mawala na yung ilang at maging kuya nalang siya o kaibigan.

"Yeah, friends." he said and accept my hand.

Hindi ko alam pero saya at tuwa ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. It's the start of our new relationship, not as a couple but as a friends.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon