Chapter 27

31 9 0
                                    

Chapter 27

"Elle! Ilabas nyo si Elle!"

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Walang tao sa buong kwarto at sigurado akong nasa labas sila.

"Kahit sandali lang, hayaan mo kong makita siya." muli kong narinig ang boses nito. Sigurado akong si Arlan iyon.

"Sabing hindi pwede!" mabilis akong bumangon sa aking kama ng marinig ang boses ni Mommy.

Kinain ako ng kaba habang papalapit sa pintuan. She's doing it again!

Hindi ko pa man binubuksan ang pintuan ay kita ko na agad sa salamin kung anong nangyayari sa labas. May dalawang nakaitim na lalaki ang nakahawak kay Arlan habang nasa harap naman nila si Mommy. Wala roon si Mama dahil kung naroon ito ay hindi niya hahayaang masaktan si Arlan. Nagulat ako nang may isa pang lalaking nakaitim ang sumulpot ang binigwasan si Arlan.

Walang sabi-sabi kong binuksan ang pintuan at lumabas para lapitan si Arlan. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nito.

"Arlan!" tawag ko sa pangalan nito.

A tears fall from my eyes. Masaya dahil nakita siya matapos ang nangyari kahapon, malungkot dahil sa nangyayari ngayon. Agad siyang kumawala sa dalawang lalaking may hawak sa kaniya at nilapitan ako.

Mabilis kong hinawakan ang kanyang pisngi ng makalapit, may sugat doon dahil sa pagsuntok sa kaniya.

"I'm sorry." bulong ko.

"Elle, go inside of your room now!" natigilan ako ng marinig muli si Mommy.

"Elle, pumasok ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala dito. Magpahinga ka muna." he whispered to me. Mabilis akong umuling sa kaniya.

"Hindi ako babalik sa kwartong iyon. Sasama ako sayo."

Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

"N-No. Hindi pwede sa lagay mo ngayon."

"Hindi, kaya ko na. Sasama ako sayo." sabi ko, muling tumulo ang mga luha ko.

I tries to pull his shirt out of that place pero hindi siya kumikilos.

"Tara..." sabi ko at patuloy pa din sa paghila sa kaniya.

Ngunit nakatingin lang ito sa akin. Tila ba walang balak na sumama sa akin. Napatingin ako sa kaniyang mukha ng mapansin ang pagpunas nito sa kaniyang mata. May mga luha roon.

"Pumasok ka na sa loob, Elle. Magpahinga ka na." muli akong umiling sa sinabi nito.

"Hindi. Tara na, umalis na tayo dito." akmang hihilahin na na siyang muli nang may bigla nalang humila sa akin palayo sa kaniya.

"Arlan!" sigaw ko ng muli na naman siyang hinawakan ng dalawang lalaking naka itim.

"Shut up, Elle!" sigaw ni Mommy sa akin.

"Dalhin mo yan sa loob!" utos nito sa lalaking may hawak sa akin. Masyadong masakit ang katawan ko kaya hindi ko magawang pumiglas.

"Kayong dalawa! Ilayo nyo yan dito!"

"Elle, magpahinga ka. Magpagaling ka, pangako babalik ako." dinig ko pang sabi ni Arlan bago sumara ang pintuan.

Wala kong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa aking kama. Mommy tried to talk to me but I ignore her. Hanggang sa makatulog ako sa kakaiyak. Nagising lang marinig ang boses ni Mama.

"Nasa puder ko ang anak ko! At wala kang karapatang makialam sa buhay namin o ng mga anak ko!" Mama.

"Wow! Mga anak mo!" I heard a sarcastic tone on Mommy.

"Pagtapos mong iwan si Elle dahil sa lalaki mo, iki-claim mong anak mo siya? Ni anino mo nga wala habang lumalaki yan!" Mommy.

"Wow! Coming from you! Wag kang umasta na inalagaan mo ang anak ko! Binihisan mo lang siya at binigay lahat ng pangangailangan, so stop acting like you really care for her!" a tears fall from my eyes when I heard Mama.

"I care for her because she's my daughter!"

"No! We both know that she's not yours!"

"You don't know anything! She's my real daughter not Jan--"

"Shut up you two! Isasama namin ang apo ko ngayon din at wala kang magagawa!" umalingaw-ngaw ang boses ni Lolo sa buong kwarto.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga. I saw Mama crying while Mommy and Lolo are looking at me. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Wala akong laban lalo na pag si Lolo na ang nagdesisyon.

"Elle!" isang boses ang nagpalingon sa akin.

Pasakay na ako ng sasakyan. Paalis na kasama sila Lolo ng marinig ang tawag ni Arlan sa akin. He's five meters away from me. Kahit tumakbo pa siya palapit sa akin ay hindi pwede. Madaming bodyguard ang nakabantay sa akin para hindi malapit ni Mama o ng sinoman.

My tears fall. Akmang lalapit na ito sa akin pero mabilis akong umiling dito bago tuluyang pumasok ng sasakyan. Nasa loob na si Mommy at nasa unahan si Lolo katabi ang driver.

"Elle!" lalo pa akong napaiyak ng muling marinig ang pagtawag ni Arlan at makitang hinahabol nito ang sasakyan namin.

"Lo, pwede bang ihinto saglit ang sasakyan? Kakausapin ko lang siya saglit." hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sabihin iyon.

"Make it fast, Berto." ani ni Lolo na tila ba hindi ako naririnig.

"Lo." pero imbis na si Lolo at humarap sa akin ay isang hawak mula kay Mommy ang aking naramdaman.

Wala akong nagawa kundi ang tignan ito at mapahagulgol. Lumong-lumo na napatulala nalang sa bintana ng mawala na sa paningin si Arlan.

Tahimik lang ako ng makadating kami sa bahay. Daretso ako sa akong kwarto at doon nagmukmok. Wala akong cellphone para i-text sila Arlan at Mama. Hindi ako lumalabas para kumain o ano pa man, lagi ang kasambahay ang nagdadala ng pagkain ko. Minsan si Mommy ang nagdadala at sinusubukan akong kausapin.

"Anak, kumain ka na. Kakagaling mo lang sa hospital. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat mo."

"Wala kang pakialam." malamig kong sabi at hinarap siya.

"Anak, may pakialam ako dahil nanay mo ako." lumapit ito sa akin. Malungkot.

"No. You're not!"

"Anak naman. Wag ka namang ganyan."

"Kahit kailan hindi ka nagpakananay sa akin. Kaya wag kang umaktong nanay kita ngayon. Dahil wala ka namang ibang ginawa kundi ang ilayo ako sa taong mahal ko!" isang sampal ang dumapo sa pisngi ko na aking ikinabigla.

Agad na pumatak ang mga aking mga luha habang nakatingin sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniya. Tila ba hindi sinasadya ang ginawa.

"I'm sorry--" hindi ko na hinintay pang matapos ito sa pagsasalita at iwan ako sa aking kwarto. Agad na akong nagtalukbong at doon umiyak.

Dapat ay hindi nalang nila ako sinama dito at hinayaan doon. Mas magiging masaya pa ako.

Isang katok mula sa pinto ang nagpataka sakin. Maaga pa para sa tanghalian at masyado na dinglate para sa agahan. Nasagot lang ang tanong ko ng bumukas ito. Nakangiti siya ng pumasok sa aking kwarto pero bakas sa kaniya ang pag-aalala.

"Markuz." tanging nasabi ko at mabilis na lumapit sa kaniya.

Muling bumagsak ang mga luha ko ng makalapit sa kaniya. Siya nalang ang pag-asa ko ngayon. Sana lang tulungan niya ko.

"Tulungan mo kong tumakas dito."

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon