Chapter 30

45 7 0
                                    

This is the last chapter of Elle and Arlan's story. Wala na pong book 3. Eto na po talaga. Thank you sa pagsuporta sa kanilang dalawa at umabot kayo rito.
Enjoy reading.:)

Chapter 30

Pagmulat ko palang ng aking mga mata ay bumungad agad ang isang puting rosas na nasa tabi. Hindi ko maiwasang mapangiti. Pagkakagising ko sa umaga ay wala na si Arlan, tanging ang rosas na puti ang naroon.

Nakangiting dinampot ko iyon at binasa ang kalakip na papel nito. Madalas ay nasa baba lang si Arlan at nagluluto pero sa araw na ito ay hindi. May inaayos itong papel para sa aming kasala, habang ako naman ay naka schedule ang magpakulay ng buhok at ngayon din ang dating ng wedding gown na napili. Dahil kulang na sa oras ay bumili nang gawa na ang mas madaling gawin.

"Ineng, gising ka na ba?" dinig kong sabi ni Manang Cha sa pinto.

"Opo, gising na ako."

"Mabuti naman kung ganoon, nasa baba na ang mag-aayos sa buhok mo. Narito na din ang iyong trahe de boda."

"Sige po, pakiiwan nalang po riyan at susunod na din ako sa baba.

Naging busy kami ni Arlan sa wedding preparation. Kaliwa't kanan ang pag-aayos namin ng mga papels na nasabayan pa ng mga seminar na requirements din sa wedding preparation. Peri kahit na ganoon at hindi pa din kami nawawalan ng oras sa isa't-isa, mas madalas pa nga kaming magkasama at laging magkabuntot.

Binuhat ko ang puting kahon kung saan nakalagay ang akong wedding gown. Excited na binuksan ko ito at tinignan. It's a cream color and A-line lacey wedding dress, a off shoulder and 3/4 sleeves. Mas maganda pa sa ini-expect ang ganda nito.

Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba na agad ako. Naroon na ang mag-aayos, nakaready na ang lahat ng kaniyang gamit. May salamin at upuan na din na gagamitin.

"Ganda-ganda naman pala ng kulay ng buhok mo, ano pa bang ipapaayos mo dito?" tanong ng baklang mag-aayos sa aking buhok.

Nang magpa-appointment ako dito ay hindi ko sinabi ang kailangan. Magpapagupit lamang ako at hindi magpapakulay. Kung tutuusin ay maaaring ako nalang ang pumunta sa parlor nito para doon magpaayos, pero dahil ito ang gusto ni Arlan ay hindi na ako nakipagtalo pa.

"Iyon lang ba na nga ang ipapaayos sayo, papalitan ang kulay ng kanyang buhok." singit ni Manang na nakabantay sa aming dalawa.

Mahaba-haba na din ang buhok ko at umabot na ito ng balikat.

"What color do you want, Madam?" he ask while combing my hair.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salaming nasa harap. Nakaupo ako at ang mata ay napako sa buhok na wala nang gray na kulay. Wala talaga akong planong magpagupit konting trim lang at ang pakulayan ng dark brown ang buhok.

"Hmmm. Sa tingin mo anong magandang kulay ang bagay sakin? Pink? Aqua blue? Red? Green? Yellow?"

"Ano ka sisiw?"

Humagalpak ako sa pagtawa ng bigla sumulpot si Arlan. Kita ko ang pagdilim ng tingin niya sa akin mula sa salamin.

"Dye her hair black."

"No. Make it brown. Then curl the tip of my hair, para bumagay sa gown ko." sabi ko sa mag-aayos na tila ba hindi narinig si Arlan.

I heard him groaned. I can't help bur smile.

"Pakalbo ka nalang kaya?"

Para bang may light bulb na umilaw sa isip ko ng sabihin niya iyon na dahilan ng sunod-sunod kong pagtango.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon