Chapter 22
Naalimpungatan ako dahil sa gutom. Kinapa ko ang aking phone sa tabi para makita ang oras.
It's 1 in the morning. Hindi nakapagtataka kung maramdaman ko ang gutom. Tanghali pa ang huli kong kain at hindi na nasundan ng hapunan dahil sa maagang pag-uwi ni Arlan.
It's been a week when that night happened. Lagi akong nagpapalate sa pagkain lalo na sa umaga at pag sa gabi naman ay maaga akong kumakain para hindi makasabay si Arlan. Tinityempuhan ko ang oras na nasa trabaho ito, pero sa araw na ito ay maaga itong umuwi kaya kahit meryenda ay hindi ako nakakain.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nirelax ang sarili, sinusubukang bumalik sa pagkakatulog pero patuloy pa din ang pagkalam ng sikmura ko.
"Hays, ayaw baman makisama." iritadong sabi ko sa tyan ko bago bumangon at lumabas ng aking kwarto.
Medyo madilim ang liwanag ng buong bahay dahil gabi na. Siguradong tulog na din ang lahat dahil madaling araw na.
Tahimik akong tumungo ng kusina at naghanap ng makakain. I switch the light on and open the fridge. Kumuha lang ako ng itlong dito bago tinungo ang kabinet kung saan nakalagay ang instant noodles at agad na niluto. Kumuha din ako ng kanin at agad na kumain ng maging okay na ang pagkain ko.
Para akong ngayon lang nakakain dahil sa sunod-sunod na pagsubo ng kanin kahit pa mainit ang sabaw. Napadaing nalang ako ng mapaso.
"Argh! Shit!"
Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig ng biglang may naglagay ng isang basong tubig sa harap ko. Bigla akong nanlamig at agad na napatingin sa naglagay. Si Arlan. Lalo akong nanlamig ng makita siya. Nakaputing t-shirt ito at may hawak na tubig.
Gising pa siya ng gantong oras? What the--?! Hindi ba siya pagod sa trabaho?
"Kakain-kain, wala namang tubig. Tss." dinig kong sabi niya.
Napairap nalang ako at kinuha ang tubig na ibinigay niya. Walang mangyayari kung makikipagtalo pa ako. Baka lalo lang humaba ang usapan at kung saan pa mapunta.
Tahimik akong kumain kahit na naroon siya at nagpanggap nalang na hindi siya nakikita para mawala ang kabang nararamdaman. Hanggang sa matapos akong kumain. Mabilis na nilikom ang pinagkainan ko. Paalis na ko ng kusina ay naroon pa din siya at hindi umaalis sa pwesto. Pinapanuod lang ang kung ano ang ginagawa ko.
"Pretending that I didn't exist to you, huh?"
Sandali akong napahinto sa sinabi niya. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa gabing iyon pati na din ang mga alaalang akala ko naibaon ko na. Gusto ko siyang harapin at sumbatan pero mas pinili ko ang magpatuloy nalang sa paglalakad.
"Sige lang. Iwasan mo ko, iwan mo ko, wag mong pakinggan explanation ko, sundin mo yang galit mo kung sa tingin mo dyan ka sasaya. Ganyan ka naman ehh."
Muli akong natigilan sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad na nagag-init ang mata ko.
"Mahal mo ko diba? Pero bakit ang dali sayong iwan ako? Bakit kayang kaya mo kong tiisin? Sabihin mo nga sakin, ganyan ba ang pagmamahal."
Para akong sinasaksak sa sinabi niya. Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko ng harapin ko siya.
"Why don't you ask yourself first?" matapang kong sabi. Bahagya siyang tumawa sa pagkamangha.
"Nasaktan ako! Anong gusto mong gawin ko? Magparty? Magcelebrate? Magstay sa tabi ko kahit alam kong niloloko mo lang ako? Na gumaganti ka lang dahil sa ginawa ko noon sayo?"
"You know that's not true!"
"Then tell me what's true!"
"How can I, when you're not willing to listen!"
"Huh! Then what? Pagmumukhain mo na naman akong tanga? Sasabihin mong hindi totoo lahat ng iyon? Kahit na kitang kita ko namang masaya kayong magkasama ngayon!"
Pumiyok ako dahil sa hikbi na ikinatigil niya. Parang akong sinasaksak sa sakit na nararamdaman. Akala ko okay na kami. Na nagkaroon na kami ng closure pero bakit ganto na naman? Siya pa ang naunang mag-ungkat sa nakaraan.
"Look, Elle. Mahal na mahal kita." I saw his bloodshot eyes. Napaatras ako ng humakbang ito palapit sa akin.
"Oo, girlfriend ko si Athena at masaya akong nakasama ko siya pero katulad ni Allison, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Ikaw lang ang minahal ko ng ganto." I saw a tears fall from his eyes.
"Please, don't leave me again."
Wala akong nagawa kundi ang mapahagulgol. Half of me are believe in him and wants to be with him but also half of me not. Natatakot akong baka pinapaikot niya lang muli ako. Then suddenly, I heard Markuz.
"Listen, Elle. I love you. But I know he loves you more and I know you love him too. Now, I'm setting you free."
"Kung talagang mahal mo siya ipaglaban mo siya tulad ng ginawa mo noon. Iniwan mo ang lahat para sa kaniya. Wag kang makinig sa iba, sa kaniya lang dahil kayo lang dalawa ang nakakaalam ng totoong nararamdaman nyo para sa isa't-isa. Wag mo sanang sayangin itong ginawa ko para sa inyo. Please, be with him and be happy.""Nasaktan djn ako noong umalis ka. For the second time, you leave me again. Pakiramdam ko mamamatay nako sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Ni hindi ko alam kung saan ka nakatira, halos mabaliw ako sa kakahanap sayo. Tapos nakita nalang kita na nandito at malalaman ko na ikakasal ka sa ibang lalaki?"
Muli akong napaatras ng malapit na ito sa akin pero mabilis niya akong nahagip at hinawakan sa bewang. Hindi ako makakilos sa gulat ang kabang nararamdaman. Tuloy pa din ang pagtulo ng luha ko pero medyo kumalma na.
"Do you know what comes in my mind? Is to win you back. Wala akong pakialam kung hadlangan nila tayo, basta ang gusto ko ay makasama ka hanggang sa huling hininga ng buhay ko." he whispered and kiss me.
Hindi ako nagtangkang itulak siya, bagkus ay hinalikan siya pabalik. I tried to move on but I know I can't. I always end up with him. Wala na ata talagang makakapagbabago doon.
"I love you, Elle. Please be with me again." he said between our kiss. At walang sabi-sabing tumango ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...