Chapter 25
Muli akong bumuntong hininga. Pinagmamasdan ang bag kung saan nakalagay ang mga damit at ang iba ko pang gamit. Just in case na umalis kami.
"Argh!" inis na ginulo ko ang buhok ko at pabagsak na nahiga sa aking kama.
Baliw na ata ako. Hindi ko pa nakakausap si Arlan tungkol sa bagay na ito pero heto ako at tapos na agad mag-impake.
Dalawang araw na mula noong nalaman ni Enzo ang kung anong meron kami ni Arlan. At wala pa din namang pagbabago, he acts like he didn't knew anything. Napaparanoid lang ako sa tuwing na riyan si Jenilyn at tila ba may hinahanap sa kamay ko.
Natigilan ako ng bigla nalang may kumatok sa aking kwarto, para tawagin ako para sa isang hapunan. Mabilis kong inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.
Nasa hapag na ang lahat at ako nalang ang kulang. Tulad ng dati ay tungkol sa trabaho lang ang pinag-uusapan nila, at ako ay nakikinig lang nagsasalita lang kung tinatanong o may gustong sabihin.
Sumulyap ako kay Arlan ng makaupo. Nasa tabi niya si Athena at mukhang may kinukwento pero ang buong atensyon ay nasa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nag-umpisa ng kumain.
"Kailan ang balik mo sa trabaho, Elle?" napatigin ako kay Mama ng tanungin ako.
"Wala pa pong date ehh, pero siguro next month?"
"You mean, wala ka sa darating na pasko at bagong taon?" natigilan ako roon.
Sa ilang taong kong nagtrabaho sa industry-ang ito ay alam na alam ko ng wala akong trabaho sa mga holidays na iyon. But I decided to stay where our work place is. Mag-isa dahil lahat ng staff at artist ay nasa bakasyon. It's new to me, for having a family to celebrate with. Kahit sa bahay nila Mommy ay hindi ako nakikisama at pinipiling magkulong sa kwarto buong Christmas break, nag-aaral o di kaya'y natutulog. Ang huling naaalala ko nalang na sinelebrate iyon ay noong bata pa ako, kasama si Lolo Henry, Manang at Arlan.
"Sigurado akong wala kang trabaho noon dahil holiday. You should come home by 23 or 24. It's our first Christmas with you. " bumagsak ang mata ko sa aking pagkain.
"W-Wait. What's the problem? Ayaw mo ba kaming makasama?" agad akong napatingin kay Mama, bago umiling.
"Hindi naman po sa ganoon. I just can't believe that I have a family now to celebrate a Christmas and New year." maliit na boses na sabi ko.
"Oh, I'm sorry. I should've left you."
"No, it's okay. Matagal na po iyon at sanay na din akong mag-isa." sabi ko at ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain.
Kita ko ang pag-aalala at pagsisisi sa kaniyang mga mata pero hindi na umimik pa. Uminom ako ng tubig ng matapos sa pagkain. Tapos na ang lahat at isa-isa na ding tumatayo, kaya tumayo na din ako at nagpaalam.
"Balik na po ako sa taas." paalam ko. Sumulyap pa ako kay Arlan bago tuluyang tinungo ang hagdan.
Hindi pa muli kami nakakapag-usap matapos ni Enzo ang meron sa amin. Tanging sa text lang muna tulad ng suhesyon ko.
Nasa taas na ako ng tawigin ako ni Mama. Nasa likod ko ito at tila ba sinadyang sundan ako para makausap.
"Anak."
"Bakit po?"
Napaatras ako ng hawakan ni Mama ang kamay ko. Nakita ko ang pagkagulat niya sa aking ginawa, maski ako ay nagulat din.
"I'm sorry, nagulat lang ako." agad akong paumanhin ng makabawi.
"Hindi, ayos lang naiintindihan ko kung malayo ang loob mo sa akin dahil iniwan kita. Pasensya na sa nagawa ko sayo."
"Ayos lang po." sabi ko.
Kinain ng katahimikan ang paligid. Hindi siya nagsasalita pero nakatingin lang sa akin. Tila ba hindi alam kung saan magsisimula.
Sa panahong nakasama ko siya ay hindi ko masasabing okay kami at hindi okay. Nagkakausap namin kami, konting kamustahan pag nasa hapag. Abala ito sa trabaho at matanda ako para bigyan niya pa ng atensyon, hindi na din kailangan pagtuunan ako ng madaming atensyo. Nagulat lang talaga ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Anak, pasensya na kanina. Hayaan mo babawi ako sa mga pasko at bagong taon na nawala sa atin, sabihin mo lang kung anong gusto mo ibibigay ko lahat kahit ano pa yan." napatigil ako ng magsalita siya.
Gusto kong tumawa dahil doon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Hindi na ako bata tulad ng iniisip niya, kaya ko nang bilhin ang mga gusto ko at gawin ang gusto ko. Hindi na kailangang hingin ko pa sa kaniya.
"Babalik na po ako ng kwarto ko." malamig kong sabi at agad na tumalikod.
My heart ache.
"I'm sorry, I didn't want to offend you."
Huminto ako.
"I just want you to be happy." isang tango lang ang isinagot ko at dumaretso sa aking kwarto.
Napabuntong hininga ako na umupo sa kama. Lumaki ako kasama sila Mommy, binihisan at binigay lahat ng pangangailangan ko, pinag-aral sa isang kilalang unibersidad. Kahit noong nasa probinsya ako ay hindi naman nila ako pinabayaan sa mga bagay na kailangan ko, tanging ang kalinga lang ng isang ina at ang lalaking mahal ko lang ang hindi niya maibigay.
Muli akong bumuntong hininga sa naisip. Si Mama kaya? Mabibigay niya sakin si Arlan? Hahayaan niya kaya kaming maging masaya ni Arlan? H
She said, she will give everything I want. And I want Arlan.Agad na nawala sa isip ko ang iniisio ng may kumatok sa aking kwarto. It's Arlan. May usapan kaming mag-uusap ngayon at iyon ay rito sa kwarto ko, dahil eto lang ang sa tingin naming safe sa ngayon. Madalas si Jenilyn sa library at ganoon din si Mama at Tito. Sa kwarto niya naman ay anytime maaaring pumunta roon si Athena.
"Sigura--" naputol ang sasabihin niya.
Pagpasok palang nito ay mabilis ko na iyong niyakap ng mahigpit. I miss him and I'm jealous because of Athena. Lahat ng oras niya ay narito lalo na pagkagaling sa trabaho.
"Miss me?"
"Malamang! Tapos puro kay Athena pa yang oras mo!"
Isang hampas ang ibinigay ko sa kaniya, tumawa ito.
"Don't worry. Bukas mag-uusap kami, doon ko na din balak na hiwalayan siya."
"Bakit hindi pa ngayon?" iritado kong tanong.
"Dahil sayo ang oras ko ngayon."
"Bakit hindi kahapon o noong isang araw?"
"I told you, hinahanap ako ng tiyempo. And tomorrow is the perfect time. Okay? Wag kana magselos." aniya at binigyan ako ng sunod-sunod na mabibilis na halik sa labi.
"Oo na!" sambit ko at lumayo sa kaniya. Ngumuso ako para pigilan ang pag ngiti.
"Oh? Anong meron? Bakit nakaimpake mga damit mo?" tumigil ang mata niya sa mga bag kong nasa sofa.
"Are you planning to leave me again?" matalim na nilingon ako.
Agad akong umiling ng sunod-sunod.
"N-No!" mabilis kong tangi.
Napaatras ako ng inilang hakbang niya ang pagitan namin. Kinakain ako ng kaba lalo na sa matalim nitong tingin. Kitang kita ang galit.
My eyes widened when he grab my waist to move me close to him.
"Tell me. Is it because of Athena? I told you I'm going to dumped her tomorrow." he gritted his teeth.
"H-Hindi nga!" apila ko at magsasalita pa sanang muli pero agad niya na akong siniil ng halik.
He kiss me roughly. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko ginawa at nagpadala sa kaniya. Masyado akong nalulunod sa kaniya at hindi alintana ang pagiging agrisibo nito.
"Hindi ako aalis. Nagready lang ako incase na bigla kang magyayang makipagtanan." hinihingal na sabi ko ng bumagsak siya sa aking tabi.
His eyes widened and looked at me. Ngumiti ako sa kaniya and gave him a sudden kiss.
"I'm sorry, I didn't." he whispered.
"It's okay." I said and hugged him. Then close my eyes.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...