Chapter 11

30 8 0
                                    

Chapter 11

Tanging ngiti at tango lang ang mga bati ko kina Manang Cha at Lolo Henry sa tuwing na kikita ko sila at nagkakasalubong. Sa resort man at sa bahay na pinagso-shootingan namin. Mabuti nalang din ang busy ako sa trabaho, kaya hindi na din sila nag abalang abalahin pa ako.

Nakapagset-up na kami sa buong bahay, mula gate, garden, living room, dinning, kitchen at sa kwarto kung saan tumutuloy si Joan. She's living with Dexter, like what her father's want. Dahil sa utang nito at sa kagustuhang ilayo ang anak sa lalaking wala siyang kinabukasan, kay Eli. Kaya naman malaya akong makapag ikot anomang oras dahil isa iyon sa trabaho ko. Ang tignan kung ayos pa ba ang lahat ng set-up namin sa lugar at kung nakahanda na ba ang lahat.

"Okay, break muna. Dahil maaga pa naman at isang scene nalang ang kukuhanan natin mamaya." anunsyo ni Ms Kath na ikinatuwa ng lahat.

Halos isang oras palang ang lumipas pagtapos ng tanghalian at break na naman. Na pabor sa mga staff at mga artista para makapagpahinga pa. Kaniya kaniyang gawain ang lahat, ang iba ay nagsipasok sa mga sasakyan at mukhang tutulog. Ang tanging abala lamang ay ang mga nag-eedit ng movie.

"Ineng, gusto mo ba ng meryenda? Ipaggagawa kita." agad na naagaw ang atensyon ko ni Manang Cha.

Ineng, yan din ang tawag niya sa akin noong bago pa ako umalis. Malayong malayo sa timawag niya sa akin noong muli niya akong nakita.

"Naku, hindi na po." mabilis kong tanggi. Sa isang araw na naming nagso-shoot dito ay ngayon lamang ako nilapitan nito para kausapin. Marahil narinig niya break kami at may oras ako para roon.

"Nahiya ka pa. Tara na sa loob." pamimilit nito na hindi ko na tinanggihan pa. Nauna itong naglakad patungo sa loob ng bahay, sumulyap muna ako sa bintana ng kwarto naming dalawa ni Arlan a months ago, bago sumunod papasok kay Manang Cha.

Sa ilang araw kong nagpapaikot-ikot sa buong bahay ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin aa pintuan ng dati naming kwarto. Parang gusto ko itong pasukin, pero ng minsang sinubukan ko ay wala, sarado.

"Ano bang gusto mong meryenda? Yung tulad ba ng dati? Yung paborito nyong dalawa ng asawa mo?" hindi ko maiwasang mapahinto sa sinabi niya.

Asawa. Laging sinasabi ni Manang Cha na asawa na din namin ang isa't-isa dahil nakatira na kami sa iisang bahay at handa ng magpakasal.

"Ay! Ano ba iyong sinabi ko! Pasensya na ineng, at nasanay lamang ako." mabilis na pagbawi ni Manang Cha na mabilis ko ding tinugunan.

"Naku, ayos lang ho. Tsaka di nyo naman po ko kailangan ipagluto ng meryenda. Kakatapos ko lang din po kasing kumain ng tanghalian."

"Ganoon ba? O'siya sige kung iyon ang gusto mo." sabi naman niya.

Ikinain kami ng katahimikan matapos noon. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Manang Cha na gusto kong pumasok sa kwarto. Natatakot ako na hindi niya ako payagan o pagbigyan manlang.

"Ineng, gusto mo bang pumasok sa kwarto ninyo?" agad akong nagulat ng siya mismo ang nag-alok sa akin noon, at sino ba naman ako para humindi. Mabilis na tango ang isinagot ko sa kaniya.

"Isang araw na kitang nakikitang sumusulyap sulyap roon at minsan na din kitang nakita nagtangkang buksan ito. Bakit hindi mo nalang agad sinabi sa akin?" medyo na gulat pa ako sa sinabi nito pero agad ding nahiya. She's right.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang patungo sa aming kwarto. Kabado ako. May kirot sa puso, dahil alam kong sa pagbukas noon ay madaming alaala ang babalik sa isipan ko.

"Sayo nakapangalan ang bahay na ito. Kaya may karapatan ka dito. Wala pa nga dapat akong balak na ipagamit itong bahay sa inyo, kundi lang kita nakita at kundi lang nag go signal si Arlan."

Parang may kung anong insekto ang lumilipad sa tyan ko sa narinig. Wala akong alam na sa akin nakapangalan ang bahay at nakakahiyang alam pala ni Arlan na narito ako mismo sa bahay namin. Parang gusto ko nalang biglang bumalik sa labas at wag nalang buksan ang kwarto. Pero bago ko pa iyon magawa ay binuksan na ni Manang Cha ang pinto.

Walang pinagbago, malinis pa din ito. Ang bedsheets ganoon pa din, ang kurtina, ang mga gamit ay nakaayos sa tama. Pero tatlong bagay lang ang nakaagaw ng atensyon ko sa lahat. Ang photoalbum, bracelet at ang singsing na binigay niya noon sa akin.

Biglang nag flash sa isip ko lahat ng alaala. Ako na nakapo sa study table sa gilid habang nagdo-drawing ng kung ano at nagsusulat ng vows nang biglang dadating si Arlan galing trabaho na may dalang bulaklak at sasalubungin ako ng yakap at halik sa noo.

Agad na kumawala ang luha sa mga mata ko nang mahawakan ang tatlong bagay na iyon. Sigurado akong ibinaon ko ang mga ito sa lupa bago ako umalis. Paanong narito ang mga ito?

"Nahukay niya iyon dyan sa bakuran. Iyak siya ng iyak nung mawala ka. Mahal na mahal ka niya, anak. Hinding hindi niya magagawa ang bagay na iyon." mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko.

"Nagawa na niya, Manang. He has a girlfriend now. Happily living together." I said bitterly.

Everything flash in my mind.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon