Chapter 7
Nagising ako dahil sa liwanag na nanggaling sa bintana. Gabi na ako nakatulog habang nagbabasa ng script. Malapit na akong magkalahati ng makatulog ako.
Agad akong napatingin sa pinto ng makarinig ng katok. Agad kong inilibot ang paningin ko sa aking kwarto. Nagkalat ang mga papel at ibang panulat ko roon. Mabilis akong kinabahan, nahihiya na makita niyang ganito ang itsura ng kwarto ko.
"Elle? Alasyete na, mag-agahan ka na." dinig kong sabi pa nito.
May kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Sa isang araw at dalawang gabi na kami lang dalawa ay maganda ang naging pakikitungo niya sa akin. He always prepare our meals, at sabay na kumain. Walang inuungkat tungkol sa nakaraan o iba pa.
Tumungo ako sa pintuan at lumabas roon. Nakabihis na ito na tila ba may pupuntahan.
"Buti naman at gising kana. May meeting ako kailangang puntahan ngayon. May pagkain na dyan." sabi nito at agad na tinungo ng pinto.
"Okay, kuya." mabilis ko namang sabi. Nakita ko ang pagtigil niya sa narinig.
Wala naman sigurong masama kung tawagin ko siyang kuya. Tutal ay stepbrother ko naman ito, at kung umasta siya ay totoong kuya ko.
"What? You call me what?" tanong nito ng humarap sa akin.
Agad akong binalot ng kaba sa mga tingin niya. Nakakapanghina ng tuhod na parang anytime ay ma-out of balance ako. Pero pinakita ko pa ding wala siyang epekto sa akin.
"Kuya. Kuya naman kita diba?"
Akma pa siyang magsasalita pero hindi na ginawa at lumabas na ng pinto. Muntik na akong matumba sa panghihinang nararamdaman. Baka kung nagsalita pa ito ay natuluyan na akong natumba kanina.
Shit. Wala pa ding bago sa akin. Ganoon pa din ang epekto niya sa akin, parang lumalala pa nga ata ngayon.
Bumalik sa isipan ko noong bata pa kami. Tinawag ko siyang kuya pero hindi siya pumayag. And now, hindi siya nagsalita.
Kumakain na ako habang binabasa pa rin ang ilang scene sa script. Dahil sa haba nito ay siguradong madami-daming scene ang aalisin. At iyon ang hinahanap ko. Mga scenes na i-so-shoot pero maaari pa ding mawala sa buong movie.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang tumunoh ang phone ko. May tumatawag, si Markuz. Mabilis ko naman itong sinagot.
"Nasa Manila kana pala! Hindi mo manlang sinabi sa akin! And you're with Arlan!" agad akong nakaramdam ng kaba ng marinig ang galit niyang boses.
Biglang nagpop sa isip ko ang sinabi niya noong tulog ako. He loves me!
"Hindi ko alam na kailangan ko naman palang sabihin sayo kung nasaan ako at sinong kasama ko." sambit ko na medyo may inis.
"Elle! Fiance mo ako! I have the right to know who's with you!" lalong napakunot ang noo ko sa narinig. Mabilis na nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
"We're not! Hindi totoo iyon! So don't act like a jealous fiance!" hindi ko na napigilan ang galit na lumabas sa akin.
"Yeah, you're right. I'm sorry."
Pero agad din akong nakaramdam ng guilty nang sabihin niya iyon. Mahina na ang boses at kalmado na. Parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi ko.
"Sorry din." I said before he hang up the call.
Nasapo ko nalang ang noo ko matapos mamatay ng tawag. I text him that contains of my apology, and continue what I'm going to do today.
Dahil ako lang mag-isa ay pinili kong sa living room na magstay at doon gawin ang dapat kong gawin. Maganda ang story ng film na gagawin namin. Medyo malapit sa puso ko ito dahil sa lugar na pagso-shooting-an namin, plus the plot of the story.
Umiikot ang kwento sa dalawang magkaibigan, si Eli at Joan. Sabay silang lumaki na parang tunay na magkapatid. Si Eli ay isang batang palaboy na kinupkop ng pamilya nila Joan. Tama lang ang buhay nila Joan, hindi mayaman at hindi din mahirap.
Kasabay ng kanilang paglaki ay ang pag-usbong ng nararamdaman para sa isa't-isa. Lingid iyon sa kaalaman ng magulang ni Joan, dahil may ibang itinakda ang magulang nito para sa kaniya.
Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik sa akin. Nakatulog pala ako. Mabilis akong bumangon ng makita si Arlan sa aking harap.
"Nakatulog pala ako! Sorry sa kalat!" mabilis kong sabi at agad na naglikom ng mga gamit.
"Hindi, ayos lang. Ginising lang kasi aalis nako mamaya. Babalik na ko ng Tagaytay." agad akong napatingin sa kaniya.
Agad akong nakaramdam ng lungkot. He's leaving. Siguro dahil naroon si Athena.
"Okay, patawag nalang ako pagkakain na." mabilis kong sabi at pumasok sa kwarto.
Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Natapos ko naman ang lahat ng dapat kong gawin bago ako nakatulog kanina. At ang tanging gumugulo nalang sa isip ko ay ang makausap si Arlan, bago manlang siya bumalik ng Tagaytay.
"Elle, kakain na." mabilis akong bumangon ng marinig iyon.
Tahimik lang kaming kumakain. Walang nagsasalita o ano pa man. Hindi ko naman mapigilang mapasulyap sa kaniya dahil sa gumugulo sa isip ko. Noon gusto ko na siyang kausapin pero nagbago ang isip ko. And now, gusto ko na siya makausap bago manlang siya umalis.
Mabagal ang pasubo ko ng pagkain at hindi maiwasan ang mayat't-mayang pagsulyap sa kaniya. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Anong oras pala alis mo bukas?" napatingin ako sa kaniya ng magsalita siya. Nagulat dahil siya ang nag-umpisa.
"Bago maglunch? Malayo ang pupuntahan namin ehh." sagot ko naman, tumango siya.
"Saan ba kayo?" napaisip ako bigla, kung sasabihin ko ba sa kaniya.
"Sa Pangasinan, doon kasi ang location ng film namin." sinagot ko pa din sa huli. Nakita ko ang pagkagulat niya sa sagot ko, pero nang makabawi ay tumango lang ito.
Wala nang kasunod at muling binalot kami ng katahimikan. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago ako nagsalita. Ang kanina ko pa gustong gawin.
"Kamusta na pala kayo ni Athena? Narinig ko kayong nag-aaway noong isang araw." sabi ko.
Malakas ang kaba sa aking dibdib. Kinakabahan sa isasagot niya. Na baka ako nga yung dahilan ng pag-aaway nila.
"Ahh, yun ba? Wala lang yun. Konting tampuhan lang." tumango ako sa sinabi niya at uminom ng tubig.
"Sabi mo ehh." sabi ko nalang at tumawa.
"Kayo ba ni Markuz? Kamusta?" napatigil ako sa tinanong niya.
Pumasok sa isip ko pagtawag ni Markuz kanina. He's mad at me Napabuntong hininga ako. Hindi ko din natignan ang phone ko kung nagtext ba siya o hindi.
"Ibig bang sabihin niyan, hindi kayo okay?" nilingon ko siya ng muli siyang magsalita. Nakalimutan kong nasa harap ko si Arlan.
"No, we're okay." pagsisinungaling ko at agad na tumayo sa hapag. Tapos na akong kumain.
"Really? Naiwan mo kasi ang phone ko noong pumasok ka ng kwarto, at aksidente kong nabasa ang text niya sayo. Nagseselos siya dahil sakin."
Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako naniniwalang aksidente iyon. Dahil sigurado akong binasa niya talaga.
"It's just a misunderstanding. Lalo na at alam niyang hindi kita tunay na kapatid. Talagang magseselos iyon dahil fiance ko siya pero hindi nalang ako sa kaniya tumuloy. Diba?" pagdadahilan ko.
Nang hindi na siya umimik ay agad na akong umalis roon at tumungo sa living roon para sa aking phone, bago pumasok sa aking kwarto. I checked my messages, tanging kay Markuz lang ang bukas. Samantalang ang kina Ms Kath ay hindi nabuksan.
Sinasabi na nga ba't sinasadya niya ehh! Kunwari pa siya!
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...