Chapter 28
"Shhh." he put his finger on my lips to stop me from speaking.
Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya. Napaatras ako ng akmang ilalapit nito ang mukha sa akin pero agad akong napigilan sa nais gawin. Isang bulong ang hindi ko inaasahan mula sa kaniya.
Isang kindat ang ibinigay nito sa akin, hudyat na sisimula na niya.
"Magbihis ka na at maligo. May date tayo." sabi nito na ikinabigla ko. Sumulyap pa ako sa pinto bago nagsalita.
"Magdate ka mag-isa mo!" asik ko sa kaniya.
"O'come on, maligo ka na. Dalawang linggo ka nang nakakulong dito. Hindi ka ba nagsasawa?"
Gusto kong tumawa sa sinabi niya. Pero imbis na pumunta sa banyo at maligo ay bumalik ako sa aking kama at doon muling nahiga. Wala akong panahong makipagdate sa kaniya, mas pipiliin ko nalang na magmukmok hanggang sa mabulok dito kesa ang sumama sa kaniya.
Ramda ko ang pag-upo niya sa aking kama.
"Bumangon ka na dyan. Wag ka ng magmukmok. Alam naman nating dalawa na sa akin pa din ang bagsak mo."
Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Sakto sa pagbukas ng pinto at iyon ang naabutan ni Mommy at Lolo.
"What's happening here?" agad na tanong ni Mommy ng makita ang tingin ko kay Markuz.
Kita ko ang pag kindat ni Markuz sa akin bago humarap sa mga ito. Napairap nalang ako sa kaniya.
"I invite her for a date, but she keeps on rejecting me." tila ba paawang paliwanag nito.
Hindi makapaniwala akong tumawa sa sinabi niya.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo ehh noh? Wala ka bang respeto sakin? Kita mong ayokong lumabas diba?" asik ko sa kaniya. Hindi alintana ang dalawang kasama.
"Kaya nga inaaya kita ehh! Tss, para naman hindi mo binubulok yang sarili mo dito!"
"Tss! Salamat nalang!"
"Shup up, Elle!" umalingaw-ngaw ang boses ni Lolo sa aking kwarto.
"Maligo ka na Elle at pumayag sa gusto ng fiance mo!" hindi makapaniwala akong napatingin kay Lolo sa idinuktong nito. Maging si Mommy ay nagulat.
"Pa, ayaw nga ni Elle wag na natin siyang pilitin!" I heard Mommy. Hinabol nito palabas si Lolo.
"Shut up, Jhen!" sigaw ni Lolo dito bago tuluyang sumara ang pinto.
Ilang minuto pa kaming nasa ganoong pwesto ni Markuz. Nakikiramdam kung babalik pa ba ang mga ito, at nang masiguradong hindi na ay agad kaming nag-apir na dalawa.
"Galing ko noh? Lakad na, maligo ka na nang makaalis na tayo." mabilis kong sinunod ang gusto niya.
Nasa loob na ako ng CR ng bumalik sa isip ko ang ibinulong niya.
"Nada labas ang Lolo at Mommy mo. Yayayain kitang magdate pero ang totoo ay itatakas kita dito. Sungitan mo ko para magmukhang totoo."
Hindi ko mapigilang mapatawa sa plano niya. He came here to help me! Akala ko ay para lang guluhin ako!
Nag-ayos ako ng husto, dahil alam kong makikita ko ng muli ang mahal ko. Si Arlan. Sa pagtakas ko ngayon ay sa kaniya agad ang aking tungo.
Busangot ang mukha ko habang pababa kami. Kunwari ay hindi pabor sa pag-alis na ito. Sinalubong kami ni Mommy sa baba.
"Aalis na agad kayo? Dito na kaya kayo magtanghalian?"
"Hindi na po, nagpa-reserve na po ako sa paboritong resto ni Elle." mabilis na sabi ni Markuz.
"Nga pala, don't you mind if magpapasama ako ng bodyguard sa inyo." patungo na kami sa pintuan ng muling magsalita si Mommy.
Agad kong napairap sa sinabi nito. This time totoong iritado na.
"Tss. As if naman makakatakas ako? Wala akong cellphone o pera para tumakas! Tsaka kayo naman ang may gustong sumama ako, tapos ngayon magpapasunod kayo sa amin ng bodyguard? Tss!" I said out of iritation.
"Hayaan mo sila Jhen. Privacy na din nila iyan. Sigurado namang hindi siya papbayaan ni Markuz." hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi ni Lolo.
Masyado niya akong pinagkakatiwala kay Markuz at pakiramdam ko ay nakakaguilt ang plano naming iyon.
"But.."
"No buts Jhen! Hayaan mo na silang umalis!"
Lumawak ang ngiti ko ng maayos kaming nakapasok sa kaniyang sasakyan. Walang nakasunod at kaming dalawa lang. Ngunit agad ding napawi ng makarating kami sa isang resto. Malayong-malayo sa sinabi niyang sa paborito ko, dahil sa kaniyang gusto ito.
"Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba tutulungan mo kong tumakas." nilingon ko siya.
"Look, Elle. I'm doing you a favor. So me a favor too, may date tayo hindi ba." agad akong napairap sa sinabi niya.
Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko gumawa. He's right. He's doing me a favor and a lunch date as a favor for him is okay.
Nakasunod lang ako sa kaniya ng pumasok kami roon. He order for us and we ate peacefully. Pakiramdam ko ay doon lang muli ako nakakain. Sa isang linggo kong nasa aking kwarto ay wala akong gana at hindi nauubos ang pagkain.
"Mukhang gutom na gutom ka ahh? Sabihin mo lang kung gusto mo pa, oorder pa ako." sumulyap ako sa kaniya.
"Tss."
"Ngayon nalabg ulit kita nakita at nakasabay kumain. Namiss talaga kita." he said and pinch my cheeks. Agad akong tinabing mga kamay niya.
"Wag ka nga. Baka magkagusto ka pa sakin, hindi mo pa ko patakasin." I joked.
"Matagal na kong may gusto sayo, tinanggap ko lang talaga na ibang tao ang gusto mo." napatigil ako sa sinabi niya.
Joke lang iyong sinabi ko pero tinotoo niya. I know his feelings to me, at sa tingin ko mali ang nasabi ko.
"By the way, may mga CCTV sa resto na ito. Pagmunta ako sa restroom ay doon ka din dapat umalis. Nag-aabang si Arlan sa labas. Kulay itim na Van." nalaki ang mata ko ng ibahin nito ang usapan.
"Pero paano ka? Anong sasabihin mo kina Lolo at Mommy?"
"Like what I've said, may CCTV ang buong resto. Kaya umakto kang tumatakas, and take note. Don't try to knock on Arlan's Van, just walk beside it and let some pull you inside it. Para maipalabas natin na may kumidnap sayo habang sinusubukang tumakas. Hindi nila maiisip na tinulungan kitang tumakas lalo na at pupunta ngayon ang Mama mo sa inyo para hanapin at bawiin ka." hindi na ako nakaimik pa ng sabihin niya ang lahat.
Ilang sandali pa kaming kumain at nang matapos ay agad siyang nagpaalam sa akin nagpupunta sa restroom. Isang tango ang isinagot ko dito at ng tuluyan nang mawala sa paningin ay agad kong ginawa ang nasa plano.
I act like someone is chasing me. Mabilis at natataranta akong lumabas ng resto. Mabilis ko din namang nakita at doon dumaan, saktong bumukas ito at agad akong ipinasok sa loob, at agad din itong umalis ng makuha ako.
Agad na namuo ang mga luha ko sa aking mata ng makita siya sa aking harapan. Sa ilang linggo kong nalayo sa kaniya ay namiss ko na siya agad. Pakiramdam ko ay taon na ang lumipas.
"Arlan.." tawag ko sa pangalan niya at mabilis siyang niyakap.
"I miss you." I whispered, kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...