Chapter 23
Halos mapatalon ako sa gulat ng may bigla nalang yumakap sa akin mula sa likuran.
"Ay! Ano ba!?" gulat kong sambit.
Nagulat pa ako ng makita si Arlan. Mabilis akong lumayo sa kaniya at tumingin sa paligid sa takot na may makakila.
Tanghali na ng magising ako at nagpasiyang bumaba para kumain. Tahimik ang buong bahay at naisip na pumasok na ito ng trabaho pero mukhang mali yata ako dahil narito siya ngayon.
"Don't worry. Walang makakakita satin. Umuwi si Athena sa kanila, nasa kwarto naman si Jenilyn at si Enzo nasa trabaho " he said.
Nagpatuloy ako sa pagsasandok ang aking pagkain. Siguradong ako nalang ang hindi pa kumakain.
Matapos ang ng nangyari kagabi ay nag-usap pa kami. Gusto niyang sabihin sa lahat na kami, but I insist. Sinabi ko sa kaniyang wag muna at hahanap kami ng tiyempo para gawin iyon. Mabuti nalang at pumayag siya.
"Kuha kita tubig." hindi pa ako nakakasagot ay tumungo agad ito sa fridge para sa tubig ko.
"Wala kang pasok?"
"Day off ko ngayon. Remember?"
Tinaasan ko siya ng kilay at napaisip. Hindi ko naman talaga alam kung anong araw ang day off niya, kaya hindi ko din talaga alam.
Nilapag niya ang tubig sa aking harap.
"I guess, you don't know." he said at pilit na ngumiti.
Nagkibit balakat lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Ano gagawin mo ngayon?" tinignan ko siya.
Wala akong balak gawin ngayon kundi ang matulog sa aking kwarto. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakangiti ito sa akin habang nag-aabang ng sagot ko.
"Wala. Matutulog?"
"Date tayo?" agad na nagwala ang puso ko sa kaba.
Napatingin ako sa paligid sa takot na may makarinig sa kaniya, bago siya tinignan. Ngumuso ako para itago ang ngiti.
"Ikaw. Ang ingay mo kahit kailan." masungit kong sabi sa kaniya. Tumawa ito.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Bakit? May sinabi ba ako?" pinamulahan ako sa sinabi ko.
A smirk flash on his face. Tumawa siya.
"Gusto din akong masolo." muli akong namula pero inirapan ko lang siya at nagfocus sa pagkain.
Malawak ang ngiti ko habang nakaharap sa salamin. I wear a blue casual dress and put my bag on my shoulder. Tapos na din akong mag-ayos at handa ng umalis.
Pababa palang ako ng hagdan ay nakita ko na agad si Arlan na naghihintay sa akin. Malawak ang mga ngiti nito habang pinagmamasdan ako. Ayos na din siya at bihis na bihis. He's in his blue bottom down polo and white pants. My face heat, naalala na ganyan siya magsuot noon tuwing lalabas kami para magdate. Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti.
"Ganda ko noh?" I joke.
"Yeah, and you will always make my heart flutter." muli akong pinamulahan sa kaniyang sinabi at hindi makahanap ng salitang maaaring sabihin.
Ngumiti siya sa akin at lumabas para i-ready ang sasakyang gagamitin. Ilang sandali pa akong nakatayo roon ng napagdesisyonang maupo.
"May date ka, Ate?" kababa lang ni Jenilyn ng makita ako. Nakasalamin ito ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko naman napaghandaan iyon. Mabilis ako nanglap ng sagot.
"Ahh. Wala may mabibilhin lang."
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomansaSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...