Chapter 19

29 8 0
                                    

Chapter 19

Napapatigil ako sa aking ginagawa sa tuwing makikita ko si Arlan na malapit sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos at tila malalagutan ng hininga. Lalo na pag nakikita ko ang tingin niya sa aming dalawa ni Markuz.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maisip ang maaari niyang dahilan lalo na at alam kong nariyan si Athena para sa kaniya. Kaya impossibleng nagseselos siya.

"Coffee?" sambit ko ng makalapit kay Markuz.

Isang linggo na kaming narito at nag-uumpisa na din siyang maging busy dahil sa trabaho niya. Tinotoo niya ang sinabi niyang dito nalang magtrabaho through internet para makasama ako.

"Thanks." tanging sinabi lang nito at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Napangiti ako ng makita ang pagpupursigi niya. Medyo nakaramdam pa ako ng guilt dahil parang hirap ito sa pagta-trabaho ng sa bahay lang. Dapat ata pinilit ko nalang siya na huwag nang sumama sa akin dito.

"Ate," agad ako napalingon kay Enzo ng tawagin ako nito.

Nakatayo ito sa pintuan at ako naman ay nakatayo sa likod ni Markuz dito sa garder. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Manunuod kami ng movie. Sama ka dali." he said.

Mabilis akong tumango sa kaniya at agad na nilingon si Markuz, para sana magpaalam pero hindi ko na ginawa dahil sa biglaang pagring ng cellphone niya at mabilis na sinagot ang tawag. Masyado siyang busy para abalahin ko pa.

Naabutan ko silang naghahanap na ng magandang movie na papanuodin at may kanya-kanya nangpuwesto sa living room. Nakaupo si Jenilyn at Enzo sa isahang sofa habang si Athena at Arlan ay sa mahabang sofa, at doon nalang din sa tabi nila ang bakante.

"Ate Elle, dito ka nalang." agad na tumayo si Enzo ng makita ako.

He offer his seat to me. Kaya napatingin silang lahat sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba ng mapasulyap kay Arlan bago tuluyang mapatingin sa bakanteng upuan. Kung doon ako uupo ay makakatabi ko si Arlan at wala nang ibang mauupuan pa bukod sa carpet.

Pwede na siguro ako doon?

"Hindi na, dito nalang ako." mabilis akong umupo sa carpet. Wala namang naging angal sa kanila, pero nagulat nalang ako ng umupo din doon si Arlan.

"Dito nalang din ako, para makahiga si Athena." he said.

"Ayiieee. Thank you babe, you're so sweet talaga." sambit naman ni Athena na tila kinikilig pa.

Gusto kong matawa sa sinabi niya but at the same time ang mainis sa kaniya. Ewan ko, basta naiirita ako sa kaniya. Napairap nalang ako at tumingin sa TV.

Horror movie ang pinili nila. Agad akong nagsisi na sumama pang manuod sa kanila, dahil mahina ang loob ko sa mga ganyan. Mabilis akong matakot and worst, hindi ako nakakatulog sa gabi.

Mabilis akong napakapit kay Arlan ng mapatalon ako sa gulat dahil sa pinapanuod. Ipinakita kasi sa screen ang multo na ikinagulat at ikinatakod ko. Madiin ang pagkakapikit ng mata ko sa takot, na unti-unti ko din namang iminulat ng mag-iba ang scene pero nananatili pa din akong nakahawak sa kaniya. Wala naman siyang angal.

"Ahhh!" sigaw ko at halos magtago na kay Arlan dahil sa takot. Dahil sa muling pagpspakita ang multo sa screen ng TV.

"Arlan, i-alis mo na ko dito. Mamamatay ako sa takot!" sambit ko.

Wala pa kami sa kalahati ng pinapanuod ay ganito na ako. What more oa kung tumagal.

"Okay, okay. Just close your eyes and hold my hand." he whispered at mabilis ko namang sinunod.

Matapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari, basta nasa kusina na kami at inaabutan niya ako ang tubig. Ni hindi ko alam ang naging reaksyon nila Enzo sa naging asta ko.

"Here. Uminom ka muna para kumalma ka."

Mabilis ko namang ininom ang binigay niya. Doon palang ako nagkaroon ng hiya sa kaniya dahil sa nangyari. Naistorbo ko ang panunuod niya, pati narin ang bonding nilang apat. Hays!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa kahihiyan pero hindi ko ginawa dahil nasa harapan ko siya.

"Ayos ka na?"

"Ahh, oo. Pwede ka nang bumalik doon. Salamat." mabilis kong sagot.

Hindi ko siya matignan sa kahihiyang nararamdaman ko. Lalo nang maalala ko kung gaano kahigpit ang hawak ko sa kaniya habang papunta dito.

"Ayoko." mabilis akong napatingin sa sinabi niya.

"Akala ko ba galit ka sa akin?" hindi ko maiwasang itanong sa kaniya.

Matapos ang pagwo-walkout niya sa hapag ay hindi na niya ako pinansin pa. Puro tingin lang ito sa akin pati kay Markuz.

"Sinong nagsabing galit ako? Hindi ako galit Elle. Nagseselos ako! Hindi mo ba nakikita?" sabi na ikinagulat ko.

Agad akong binalot ng kaba sa sinabi niya. Idadag pa ang mga tingin niya.

"Imposible." sabi ko.

I tried to sound funny and laughed a little bit. Pero bg umiling ito at humakbang palapit sa akin ay natigilan ako ang napaatras.

Hindi niya ko pwedeng lapitan. Hindi.

"Ate Elle! Ayos ka lang?" pareho kaming napatingin kay Enzo ng mabilis itong lumapit sa akin.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag ng dumating siya. Dahil kung hindi. Baka bumigay muli ako sa kaniya, at umasang may pag-asa pa. Baka makalimutan kong muli ang lahat at mapasailalim muli sa pagmamahal na minsang sumira sakin.

"Ate Elle, ayos ka lang ba?" natauhan ako ng muli akong tanungin ni Enzo.

"Ahh, oo. Ayos lang ako. Papahinga nalang muna ako sa kwarto ko."

Hindi ko na hinintay pa ang tugon nila at mabilis na tinungo ang aking kwarto. Wala sa sarili akong napaupo sa aking kama. Nagre-replay ang pangyayari sa utak ko, ang paghakbang niya palapit sa akin.

Sigurado akong kung naabutan niya ako, ay bumigay muli ako sa kaniya. At ayoko nang mangyari muli iyon. Ayoko na. Pero kaya ko ba? Lalo na at alam kong hindi siya nawala sa puso ko kahit kailan? Aist! Ano ba tong iniisip ko!

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon