Chapter 8

37 10 0
                                    

Chapter 8

Isa-isang nagsibabaan ang mga staff at ang ibang artist na kasama namin. Ang ibang staff ay nauna na dito kahapon para maayos na ang bahay na pag-i-stay-an namin.

Alas kwarto na ng hapon ng makarating kami. Nanuot ang preskong hangin sa aking balat ng umihip ito. Amoy na amoy ko ang dagat mula rito.

Sa ibang bahay malapit sa dagat ang napili nilang pag i-stay-yan namin, katabi ang bahay na pagso-shootingan. Malapit lang din ito sa bahay namin rito, pati na din ang bahay nila Arlan.

Siguro pag naging bakante kami ay dumalaw ako doon minsan. Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari 4 months ago.

Wala na sana akong balak bumalik pa dito kung hindi lang dahil sa project na ito. But I think, destiny did it with purpose. To give me a sign to moved on. Napangiti ako ng mapait at napailing nalang sa naisip. If that's what destiny's want, then I do it slowly na dapat noon ko pa ginawa at hindi na dapat pinaabot pa sa ganto.

"Ayos na ba lahat ng lugar na pagso-shootingan natin?" rinig kong tanong ni Direct sa Location Manager.

Nakaupo ako sa isang upuan ng mapalingon ako sa kanila.

"Yes, Direct! Eto po yung mga pictures." mabilis na sagot ng Location Manager at inilahad ang kaniyang phone. Sulyap lang ang ginawa ni Ms Kath bago ako tinawag.

"Elle, tignan mo nga 'to. May kailangan lang kaming pag-usapan ni Rod. Sabihin mo nalang sakin mamaya kung okay yung mga place." mabilis na bilin niya sa akin at mabilis na pumasok ng bahay kung nasaan si Sir Rod, ang producer.

Ngumiti naman ako kay Berlyn, ang Location Manager namin. Medyo nahihiya pa ito nung una na lumapit sa akin, pero nawala din ng nasa tabi ko na siya. Halos kasing edad ko lang ito at kasing katawan.

"Eto po yung iba pang bahay na nakita ko." ipinakita niya sa akin ang mga bahay, hindi ganoon kaganda at hindi din ganoon kapanget.

"Bahay?" naguguluhang sambit ko. Dahil ang alam ko okay na ang katabing bahay.

"Ahh, oo. Sabi kasi ni Direct masyadong maganda yung bahay sa kabila, para sa buhay nila Joan." napatango naman ako sa sinabi nito.

Tama lang kasi ang buhay nila Joan, magsasaka ang magulang at nag-aangkat ng gulay sa bayan, at kung minsan ay nangingisda din.

Pinakita niya sa akin lahat ng nakita nilang bahay. Nakausap na din niya ang mga ito. Pero sa isang bahay lang napako ang mata ko, madaming alaala ang bumalik sa isipan ko.

Akmang ililipat na niya ito ng pinigilan ko siya. Maganda ang bahay na ito, malaki at malayong malayo sa buhay nila Joan. Kaya bakit nasa choice ito?

"Naku, hindi yan kasama Ms. Elle." mabilis na sabi ni Berlyn.

"Elle nalang." tumango ito sa sinabi ko.

"Hindi yan kasama sa mga possible na maging bahay nila Joan. Bali sa lalaking ipagkakasundo sa kaniya yan."

Malaki at kulay puti ang bahay. Makikita mo ang karangyaan sa pamumuhay ng nakatira dito.

"Mayaman yung ipagkakasundo kay Joan?" muli kong tanong. Nakita ko ang pagtango niya sa tanong ko. Bigla kong naalala ang nabasa sa script, magkakaroon ng malaking utang ang pamilya nila Joan at bilang kapalit nito ay ang pagpapakasal niya kay Dexter.

"Natignan mo na ba ang loob nito?"

"Ahm, yes. Ganda ng loob, malinis at mukhang mamahalin ang mga gamit. Gusto mo puntahan natin? Dyan lang yun sa malapit." mabilis ang pagpayag ko ng sinabi niya iyon.

Mabilis kaming nagpaalam sa ibang staff bago umalis doon. Titignan na din namin ang ibang bahay na nakita niya.

"Mabait ang nagbabantay ng bahay, pero kahit na ganoon medyo nag-aalinlangan pa itong pumayag sa alok sa kaniya." sabi ni Berlyn ng tumigil kami sa harap ng bahay.

Hindi ko maiwasang mapako ang tingin sa malaking gate nito. Madaming alaala ang bumalik sa isip ko, masasaya at masasakit na alaala.

"Ma'am Elle! Ikaw nga!" biglang bumukas ang gate nito at iniluwa ang taga alaga ng bahay. Kita ko ang gulat sa mga mata niya ng makita ako, pero naroon pa din ang ang saya.

Ngumiti ako kay Manang Cha, kasabay noon ay ang mga alaalang bumalik sa aking isipan.

***

"May surprise ako sayo, kaya dapat may takip ang mata mo." pag-uulit ni Arlan at tinakpan ng panyo ang mata ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumawa at makaramdam ng excitement sa sinabi niya. Kahit kailan talaga puro siya surpresa!

"Dahan-dahan sa mga hakbang." paalala niya.

Kakababa lang namin ng yate galing sa bakasyon, at ngayon ay dapat pauwi na kami sa kanila. Pero dahil may surpresa siya.

"Okay, let's stop here." sabi ni Arlan at inalis ang aking takip sa mata.

"Tada!" he said.

Hindi ako nakagalaw na nakita. Nasa harap kami ng isang malaking gate. Agad akong nakaramdam ng kaba, para may kamay na humahaplos sa puso ko at  pakiramdam nga masaya. Hindi ko mainitindihan, basta ang alam ko lang masaya ako.

"Dito tayo titira. Dito tayo bubuo ng sarili nating pamilya." masayang bulong niya sa akin at niyakap ako mula sa likod.

A tears fall from my eyes in happiness. Ramdam ko ang paghalik niya sa ulo ko, bago ako iginaya sa loob. Pagpasok namin sa loob ay madaming litrato ang naka display doon, mga naka frame na pictures namin noong bata pa kami and our pictures a weeks ago.

***

"Magkakilala kayo?" tanong ni Berlyn sakin, pero imbis na sumagot ay ngumiti lang ako sa kaniya.

"Ikaw yung narito kahapon ahh?" sabi ni Manang Cha kay Berlyn.

"Ahh, opo. Gusto po kasing makita ng Assistant Director namin ang loob ng bahay." sabi ni Berlyn at itinuro ako. Napatingin sa akin si Manang Cha sandali bago mabilis na pumayag.

Pag pasok ng bahay ay agad na dumapo ang mata ko sa istante kung saan nakalagay ang mga frames pero wala na ang mga ito roon. Agad na dumaloy ang sakit sa aking dibdib.

"Wala na po ang mga frames, pinatapon na ni Sir lahat nung umalis ka." dinig kong sabi ni Manang Cha mula sa akong likod.

Mabilis na nag-init ang mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha, pero nilunok ko iyon at tumango kay Manang Cha. Walang nagbago sa buong bahay, tanging ang mga pictures lang namin ang nawala.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon