Chapter 16

33 9 0
                                    

Chapter 16

Maaga akong nagising sa araw na iyon kahit na tanghali pa ang call time namin nila Ms Kath. Hindi din kasi ako masyado dinalaw ng antok dahil sa nangyari kagabi.

Hindi mawala sa isip ko ang halik at maalalang nakita kami ni Arlan. Nakakahiya! Akala ko ay walang tao rito!

Ginulo ko ang buhok ko na parang baliw dahil sa naalala.

"Aish!" iritado kong sambit at mabilis na ininom ang tubig na hawak ko. Nasa kusina ako para magluto ng agahan, tutal ay maaga pa naman.  Alasais palang ng umaga.

"Psh." napalingon ako ng may umismid malapit sa akin. Si Arlan. He's in his white sando and gray sweat short., halata mong kakagising lang din.

"Morning." bati ko sa kaniya at tumungo sa ref para kumuha ng itlog at hotdog na lulutuin.

"Anong gagawin mo?"

"Magluluto." simpleng sagot ko at kinuha ang kutsilyo pati ang sangkalan.

Hotdog omelette ang lulutuin ko, magluluto din ako ng itlog lang at hotdog lang para incase na ayaw niyalmp by me noon.

"You know how to cook, huh?" nahimigan ko ng pagkamangha ang boses niya. Tango lang ang sinagot ko dito at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Wala kang pasok ngayon?"

"Meron." tipid kong sagot.

"Anong naisipan mo at ginanyan mo ang buhok mo?" natigilan ako sa aking ginagawa at napakunot ang noo.

Nagscroll down lang ako sa Instagram ng may makita akong ads sa hair products. Doon ako nagkaidea na magpagupit at magkaroon naman ng pagbabago sa akin. At may nabasa din ako na parte iyon ng pagmo-move on ng isang tao.

Imbis na sumagot ay nagkibitbalikat lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Tapos ko nang hiwain ang dalawang hotdog at kasalukuyang nagse-shake ng itlog. I open the stove in low fire and place the fan on it.

"Anong gusto mong ulam mamayang gabi? Ipagluluto kita bago ako umuwi ng Tagaytay." para akong nabingi sa kaniyang sinabi.

"No need to do that. Magdidinner kami ni Markuz bago ko umuwi."

"Okay, then... Ikaw na muna ang bahala dito." tanging tango lang ang isinagot ko dito.

Mag-isa akong kumain ng agahan habang siya naman ay pumasok sa kwarto niya at hindi na muling lumabas. Tapos na akong mag-ayos sa sarili at papasok na. Saktong palabas na ako ng condo ay siya namang paglabas niya ng kwarto. Nakapambahay pa din ito pero nakaligo na.

"Ahm, papasok nako." paalam ko at dinaretso ang pinto. Natigil lang ako ng magsalita siya.

"Commute ka lang ba?"

"Oo."

"May isa pa kong sasakyan. If you don't mind, you can use it."

My heart shutter.

"Hindi na." baghagya akong lumingon sa kaniya. "Susunduin naman ako ni Markuz."

Nakita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko pero sandali lang iyon. Lalong nagwala ang puso ko.

"Okay. Mabuti iyon." he said and back in his room.

Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay sa pagtataka. Ganoon lang iyon? Yun lang ang dahilan ng paglabas niya?

Madami akong ginawa sa araw na iyon. Akala ko ay tapos na ang aking gawain pero binigyan nila ako ng panibago. Pagod na pagod ako pagkauwi at mabilis na nakatulog. Ganoon ang naging routine ko, magigising ng maaga, magluluto, papasok sa trabaho,  susunduin ni Markuz at matutulog.

Kahit papaano ay hindi naging boring ang routine ko dahil kay Markuz. He always make a joke and make me laugh, at hindi naman siya pumapalya. And he always make my heart skip a beat.

Sa tuwing hinahawakan niya ang aking kamay ay agad na nawawala ang puso ko, parang kinikiliti ang tyan ko sa tuwa at gusto ko ko nalang biglang ihintinto amg oras. He act likes my real fiance, he gave me flowers, hold my hand and kiss my forehead before I go inside of condominium.

Hindi ko alam kung ano ang tunay na lagay namin. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko ang ginagaaa niya at nag-e-enjoy ako sa piling niya.

"Sunday bukas. May pasok ka?" nasa sasakyan na kami ni Markuz at ihahatid na niya ako pauwi.

"Wala. Nagkataon lang na pinapasok ako last week at noong nakaraang linggo."

Malapit na din kasing matapos ang film na ginagawa namin. At pag natapos na namin, hayahay na. Mahaba habang pahinga.

"Malapit na ba matapos ang project nyo?"

"Hmm, yes. Maybe a weeks from now?" I answered.

"Good. Wala ka pa namang sunod na project diba?" nanliit ang mata ko sa sinabi niya pero sumagot pa din ako.

"Why?"

"I just wanna ask you to come with me, for a vacation?  El nido? Bora? Or where ever you like. My treat."

Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay pigil ang hininga ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko iyong idea niya, pero parang hindi.

"Tayo lang dalawa?" may kaba sa aking dibdib.

"Yeah."

Natigilan ako ng bigla nalang magflash sa isip ko ang sarili ko kasama si Arlan. Lahat ng kabang nararamdaman ay napalitan ng kirot sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay malaking kasalanan ang sumama sa kaniya. Ipinilig ko ang ulo ko para iwala ang nasa isip.

"Why? Ayaw mo ba?" napakislot ako ng ipatong niya ang kamay niya sa aking hita.

Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan sa tuwing ginagawa niya iyon. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at inalis roon, pero ibinabalik niya lang habang tumatawa. Hindi ko maiwasang pati ako ay matawa din.

"Ang kulit mo!" I tried to be sound irritated but laughed escape in my mouth.

"I just want you to know that you're mine."

I cackled. "Mine mo mukha mo!" he laughed too.

"Bakit ba kasi ayaw mo?" agad na nawala ang ngiti ko sa tanong niya.

"Uuwi ako ng Tagaytay habang naghihitay ng panibagong project." pagdadahilan ko, kahit na ang totoo ay wala akong planong bumalik roon.

Balak kong maghanap ng sarili kong place at doon nalang magpapalipas o gumawa ng pagkakaabalahan habang naghihitay ng panibagong project.

"Then, I go with you." kusang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"May trabaho ka!" paalala ko.

"I have my laptop. I can work on that."

I sighed, "Hindi mo naman kailangang gawin yun ehh."

I felt his hand on my lap, "I want to, because I love you."

Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon, pero may kirot ding dumaloy dito. At hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Alam ko. Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko na gusto mo na din ako."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. Labis-labis ang kabang bumabalot sa puso ko. It's like, my own heart makes me realize my true feelings for him. That now my heart beats for him. I'm already inlove with him.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon