Epilogue

52 8 0
                                    

Thank you for reaching this last chapter and reading until the end. Sana ay magustuhan nyo.:)
Enjoy reading.

Epilogue

"I-Im... Pregnant..." huling sinabi niya sa akin bago siya mawalan ng malay.

Ilang sandali akong natulala. Hindi makapaniwala sa nangyayari, gusto kong maging masaya sa nalaman ko pero hindi sa gantong kalagayan. Nasa panganib ang buhay ng babaeng mahal ko, ng mag-ina ko.

"E-Elle." tawag ko sa pangalan niya. Sinusubukang gisingin siya pero wala.

Bumuhos ang luha ko at binalingan si Enzo para sabihing bilisan. Maging si Tita Jhen na nasa passenger seat ay umiyak na.

Mabilis akong lumabas ng hahasakyan pagkahintong pagkahinto palang. Bubuhat ko siya.

"Ano nangyari sa kaniya?" the nurse asked.

Hindi ako makasagot. Tila ba na pipe sa nangyari. Ang buong atensyo ko ay na kay Elle lamang. Ayaw mawala sa paningin sa takot na biglang itong mawala.

"Nabaril siya at buntis. Please do everything to save her." si Tita Jhen na ang sumagot.

Ni hindi ako nagulat ng malamang alam nito, marahil sa kaba at takot na nararamdaman. Nanlulumo akong napasandal sa pader ng isara ng nurse ang kurtina  Gusto kong umapila na wag nilang isara pero agad akong naagapan ni Tita Jhen at Enzo.

Naghintay kami sa waiting area ng emergency room, maya maya lang ay may lumapit sa aming doctor.

"Sino po ang asawa ni Jeanelle Chua?" mabilis akong tumuwid sa pagtayo at lumapit sa doctor.

"Ako po."

"Ano po ang lagay ng anak ko?" ani Tita Jhen.

"She needs an emergency operation, lalo na at may dinadala ang asawa mo." para akong nabingi sa sinabi ng doctor, nanlulumo akong yumukho at hindi na naintindihan ang ibang sinabi.

"Hindi ko po maipapangakong maililigtas ang baby lalo na at mag-a-anim na buwan lamang ito. Pero gagawin namin ang aming makakaya."

Nanlulumo akong napaupo ng iwan kami ng doctor. Parang winawasak ang puso ko, hindi na niya dapat ako iniligtas. Sana inuna nalang niya ang baby.

Ginulo ko ang aking buhok sa naisip. Dapat una palang nang nakita ko siyang muli ay nilapitan ko na siya at inamin ang totoo sa kaniya. Hindi sana kami hahantong sa ganto kung hindi sa kagaguhan ko.

"Manang, si Elle?" natataranta kong tanong.

Kakadating ko lang at dumaretso na agad ako sa aming kwarto. Ngunit nagulantang ako sa nakita. Makalat ang mga gamit roon at wala akong Elle na naabutan. Wala na ang mga damit niya roon.

"Pasensya na, iyo. Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi siya nagpapigil. Naiyak at galit na galit saiyo." nanlamig ako sa isinagot ni Manang Cha, lalo na ng iniabot niya sa akin ang naiwang cellphone.

Basag na iyon pero ng sinubukang i-open ay nakita ko ng isang tawag mula kay Athena. Agad namuo ang galit sa akin. Sa ibang buwan kong kasama si Elle ay alam kong mahal ko pa siya at totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya. I want to marry her, at nakalimutan kong may ibang babae na akong karelasyon.

Sa ilang taong nawala si Elle ay nariyan si Alison para sa akin at nang minsang bumalik si Papa ay isinama niya ako sa kanila. At doon ko nakilala si Athena. She has a same features of Elle that make me remember the girl I love. Wala akong balak na mapalapit sa kaniya, pero dahil naaalala ko sa kaniya si Elle ay namalayan ko nalang na lagi ko na pala itong kasama at naging girlfriend ko na. Pakiramdam ko ay napupunan niya ang lugar ni Elle sa puso ko, but when I saw her again. The one I love, everything's fade. Siguro sa una pagganti lang ang naisip ko pero agad ding nawala ang lahat ng iyon dahil nararamdaman ko pa din ang nangibabaw.

Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon