Chapter 4
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahaplos ng buhok ko, at alam ko na agad na si Markuz iyon. Kaya imbis na ipakitang nagising ako ay nagpanggap pa akong tulog lalo pa ng magsimulang
"I'm sorry, baby. I don't what happened to me. Parang gusto ko nalang maging si Arlan. I don't, but I think I'm starting to like you. No, I think I already love you." rinig kong sabi niya at tumawa pa.
Agad na naghuramentado ang puso ko. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng inis, parang mas natuwa pa ang puso ko sa narinig.
"Narealize ko lang 'to nung dumating ako dito. And now, I don't know how to leave you in this situation. Hindi ko yata kaya, pero wala naman akong karapatang pangunahan ka. Hays, ano ba yan. Alam kong tulog ka, but I just wanna say goodbye." he said and kiss me on my forehead.
Agad na iminulat ko ang mata ng marinig ang pagsara ng pinto. Madaling araw palang pero aalis na siya para hindi na matraffic. Madilim pa sa labas.
Gusto ko siyang habulin palabas pero imbis na gawin iyon ay nanatili lang ako sa aking higaan at natulala. Mabilis ang hininga ko dahil sa mabilis na paghuhuramentado ng aking puso. Lalo pa itong lumala ng pumasok sa isip ko ang halik.
Alas otso na ng umaga ng mag-alarm ang phone ko. Maliwanag na pero nanatili pa din akong tulala at magulo ang isip.
"Nag-away kayo ni Markuz?" halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Enzo sa likod ko.
Dahil umaga na ay naisipan ko nang bumaba para uminom ng tubig. Wala akong gana at gusto ko nalang munang mapag-isa para makapag-isip.
"Ha?" wala sa sarili kong sabi at sinalinan ang aking baso ng tubig.
Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Sa ilang buwan naming magkasama ni Markuz ay ngayon ko lang naramdaman ang ganto. Ni hindi niya nagawang guluhin ang isipan ko, ngayon lang.
"Ate! Punu na!"
"Ha?" sambit ko at iningon siya.
Agad akong napatingin sa hawak kong pitchel bago sa baso ko. Umaapaw na ang tubig doon. Agad kong tinigilan ang pagsasalin at kumuha ng basahan.
"Hays, lalim naman kasi ng iniisip mo. Ako na nga." sabi ni Enzo at kinuha sa akin ang pamunas.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at umupo nalang sa upuan. Wala sa sarili kong ininom ko ang tubig.
"Ate, tell me. What's bothering you?"
Natigilan ako sa tanong niya at nilingon siya. Ni hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang gumugulo sa isipan ko.
"Come on, tell me." pamimilit niya na ikinabuntong hininga ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya, dahil kahit ako ay hindi pa sigurado sa nararamdaman.
"Okay, kung ayaw mo." pagsuko niya.
"I think I'm starting to like, Markuz." sambit ko habang nakatingin sa baso ko.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon naisip. Pero simula nung kiss hindi maalis ang kaba sa aking dibdib. Nadagdagan pa dahil sa sinabi niyang gusto niya ako.
"Kuya, andyan ka pala." para akong nabuhusan ng tubig ng biglang sabihin iyon ni Enzo.
Narinig niya kaya?
"Oo, kukuha lang ako ng tubig." dinig kong sabi ni Arlan.
Pigil hininga akong nakatingin lang sa aking baso. Hinihintay na makakuha ng tubig si Arlan at umalis pero hindi siya umalis at talagang umupo pa sa isang upuan sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...