Chapter 2

627 65 2
                                    

Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang heartbeat ni Kyu. Parang gusto na nitong tumakbo nalang din na--kasing bilis ng heartbeat ng puso nya sa sobrang kaba.

"Tumahimik ka nga, malapit na 'tong matapos" ani Ru.

"Wag kang mag-alala apat ang buhay mo" dagdag pa nito.

"Apat nga, kaso mukang ikaw lang din ang papatay sa sarili mong guardian" ani Kyu.

"YOOON! Hahaha hoho nagawa ko, tagumpay!" sigaw ni Ru.

Tuwang-tuwa si Ru sa resulta ng kanyang pinaghirapan. Ang buong akala niya ay mali nanaman ang isinulat niyang incantation spell sa loob ng mga seal na kanyang ginawa.

"Congrats..." sabay abot ni Kyu ng kanang kamay. Kumunot ang noo ni Ru.

"Ano ibig sabihin nyan?" tanong nito, napakamot ng ulo si Kyu.

"Oo nga pala, di pa uso to dito, Apir nalang tayo" ani Kyu.

"Apir? ano yon? Spell ba yon?" sunod-sunod na tanong ni Ru.

"Arrggh... never mind, kalimutan mo nalang" sagot nalang ni Kyu.

"May tanong ako, bakit mo pinagsabay ang dalawang Seal?" tanong ni Kyu kay Ru.

"Para isang sabugan lang kung may mali" sagot nito

"Ayos din ang logic mo ah... hahaha" natatawang sabi ni Kyu. Ngunit bigla din siyang tumigil.

"Sa uri ng pananalita mo at galaw, sa palagay ko hindi ka ordinaryong alipin" ani Ru.

Napansin agad ni Ru na kakaibang alipin ang kanyang kausap. Hindi ito pangkaraniwang alipin lang na Oo o hindi lang ang isasagot at tatango-tango lang pagkinakausap. Lalo na ang paggalaw nito at pagbitaw ng mga salita, direkta iyon at alam niya ang kanyang ginagawa. Sa kasamaang palad ay alipin parin siya.

"Isa lang akong ordinaryong alipin Master, magkaiba lang ang lugar na ating kinalakihan" sagot ni Kyu. Napaisip si Ru sa sinabi nito.

Malamang nga siguro ay tama ang kanyang alipin, mayroong apat na malalakas na nasyon o Kingdom na nangunguna sa lupaing kanyang kinamulatan. Ni isang beses ay hindi pa siya nakarating sa ibang kingdom. Kahit nga ang kinalakihan niyang bayan ay hindi niya maikot sapagkat wala siyang sapat na kakayanan at ito ang Nasyon ng Hord Peonberg. Saklaw ng teritoryo ng Kingdom na ito ang kanilang lupain.

"Kung tapos na ang lahat... ngayon naman bigyan nyo sila ng magic skill" boses iyon ng guro.

"bigyan nyo ang guardian nyo ng magic skill na aangkop sa kanila"

"tandaan na isang magic spell lang ang pwede ninyong ipasa kaya pag-isipan nyong mabuti"

"halimbawa, flame beast, turuan nyo ng magic skill na apoy"

"Winter Wolf, turuan nyo ng magic skill na yelo"

"Skeleton, turuan nyo ng seal na command buffs na pampabilis o pampatigas"

"Guro... pwedeng mag tanong?" nakatayong sabi ni Ru.

"Ano 'yon Ru?" sagot ng Guro.

"Ano po bang skill ang pwede kong ituro sa aking alipin?" tanong nito sa kanyang guro.

Nagtawanan ang mga nasa paligid. Masyado nilang binubully si Ru at randam iyon ni Kyu.

"Oo pala, alipin nga pala ang na i-summon mo" sagot nito.

"Sasabihin ko sayo ang totoo, hindi ko rin alam sapagkat ngayon lamang ito nangyari"

"Pitumpong taon na akong nagtuturo sa paaralang ito at ikaw lang ang nakapag-summon ng isang alipin" dagdag pa nitong sabi.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon