Chapter 7

510 64 3
                                    

Napaupo si Kyu, para bang iniwan siya ng kanyang lakas, napabuntong hininga nalang siya at ngumiti. Muntik na sila doon, malaking tulong ang magic spell na ginawa ni Ru, kung wala iyon ay malamang patay na sila. Muling tumayo si Kyu at tinawag ang mga kasama sa taas.

"Bumama na kayo, patay na sila" utos nito

Bumaba agad ang tatlong bata at si Ru, noong una ay nagdadalawang isip sila ngunit ng makomperma nilang patay na nga ang mga ito, tuluyan na silang lumapit. Plano na sanang umalis ni Kyu ngunit pinigilan siya ni Ru at may pinaalala sa kanya.

"Teka lang... hindi ba natin kukunin ang Soul Amber nila?" ani Ru.

"Oo nga pala, yong Soul Amber Core, pano ba kunin yon?" tanong ni Kyu

"Itinuro samin non sa school na ganto daw ang gagawin para makuha ang Soul Core"

Ipinakita ni Ru kay Kyu kung paano kunin ang Soul Core sa loob ng Demon Beast, biniyak nito ang dibdib at dinukot ang loob niyon. Ilang saglit pa ay may inilabas itong kulay itim na Crystal galing sa loob ng dibdib. Maliit lamang iyon ng kaunti sa bola baseball, ang itim na crystal ay may orange na apoy sa loob. Hindi alam ni Kyu ang ibigsabihin ng apoy na iyon, ang tatlong Demon Beast ay naglalaman ng magkakatulad na Soul Core.

Pagkatapos nilang kunin ang mga Soul Core lumipas lang ang ilang sandali ay nalusaw ang mga katawan ng Demon Beast. Para silang kinain ng lupa, ganon pa man ang tatlong iyon ay nag-iwan ng item, tatlong ngipin, Fearless Fang daw ang tawag doon sabi ni Ru, masmatibay pa raw iyon sa bakal.

Pwede daw yon gawing weapon, kailangan mo lang daw itong dalhin sa isang Magic Black Smith para magkaroon ng magic effect, mahal nga lang daw ang ibabayad. Nang mga oras na iyon, sinabi ni Kyu na kailangan na nilang umalis don, baka kasi may iba pang Demon Beast na kasama ang mga Wolf na iyon, kaya napagdesisyonan nilang umuwi nalang. Habang nasa daan ay nag-uusap sila.

"Wooow... nakakuha tayo ng tatlong Medium Soul Amber Core" ani Ru,

"mahal ba yan? Pano ba yan gamitin?" tanong ni Kyu.

Alam ni Kyu na inaabsorb ang Soul Core para muling magkalaman ang Soul Amity, yon ang sabi sa kanya ni Kog. Bukod doon wala na siyang alam sa iba pang uses at function nito. Ayon kay Ru, ang Soul Core ay nahahati sa maraming level. Black Crystal which is the lowest, sunod ay low, ang itsura daw nito ay Black Crystal na may apoy na dilaw sa loob, next ay medium yon daw yong nakuha namin sa Wolf, Black Crystal with Orange flame.

Nabebenta daw iyon sa halagang 15 to 20 Silver Coin. Kasunod ng Medium ay High, ang itsura daw nito ay Black Crystal at may kulay pulang apoy sa loob. Ang sumunod ay Highest, Black Crystal with blue flame naman daw iyon, next ay Superior Black Crystal with green flame.

Ang Superior Soul Core ay hindi daw nakukuha, at ayon sa history ng mundo nila wala pa raw may nakakakuha non. Kung makakapatay ka raw ng Devil Dragon, may posibilidad daw na makakakuha ka. Pinakahuli ay Astral ang tawag, walang nakakaalam kung ano ang kulay niyon, sapagkat ang nakakakuha daw niyon ay nag-aascended sa heaven.

So in-total, Plain Black lowest, Low is yellow flame, Medium is orange flame, High is red flame, Highest is blue flame, Superior is green flame and Astral is Unknown. Sa labis na pag-iisip ni Kyu ay hindi nya namamalayan na nakarating na sila sa village. Nagulat sila ni Ru nang makita nila ang limang Sundalo na fully Armor, nakasakay sa kabayo ang mga ito habang kausap ang Village Chef.

"Ano kayang ginawa ng mga sundalo dito?" boses ni Ru. Wala itong idea sa nangyayari

"Anong rank yang Bronze Crown at Silver Crown na may isang butas?" tanong ni Kyu

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon