Habang naglalakad sila sa Hallway papuntang library, manghang-mangha si Kyu sa kanyang nakikita. Iba't-bang uri Magic welder ang kanyang nadadaanan. Mayroong isang malawak na space, sa unang tingin palang ni Kyu ay alam niyang isa tong battle ground or sparring ground para sa mga gustong mag-duel.
Nadaanan din nila ang apat na malalaking statue. Napatigil si Kyu at tinignan ang mga pangalang nakaukit sa mga bato. Ang mga statue ay puro babae at ang mga pangalan nila ay Fumi, Astearia, Ri-lie at Finn.
"Anong tinitignan mo jan? hali kana" ani Ru.
Agad namang sumunod si Kyu, ang apat na statue na iyon ay mga tanyag na nilalang sa mundong ito. Kahit sa mundo ni Kyu ang mga tanyag na tao ay may sariling monument kaya alam ni Kyu ang ibig sabihin ng mga statue lalo na sa mga sukat at laki ng mga ito.
Pumasok sila sa isang malaking silid na punong-puno ng mga libro, hindi iyon ordinaryong silid kundi isang malaking building na pababa. Hindi alam ni Kyu kung ilang palapag pa ang nasa baba niyon basta ang alam niya ay mayroon pa itong mga kwarto na nasa underground o mas tamang sabihin na Underground Library.
Agad na nagbukas ng mga libro si Kyu ngunit hindi niya maintindihan ang mga nakasulat na texto sa mga librong iyon. Malamang ay iba ang wika nila sa orihinal na wikang ginagamit ni Kyu at way ng pagsulat ng mga salita at letra. Iniwan siya ni Ru at pumunta sa ibang silid aklatan.
May lumapit kay Kyu nakalagay ang mga kamay nila sa likuran, isa din itong alipin na nagtatrabaho sa aklatang iyon. Napalingon si Kyu sa taong iyon, sa tingin ni Kyu nasa 60 or 70 years na ang edad nito.
"Ngayon lang ako nakakita ng aliping tulad ko sa lugar na ito"
"Hindi ka nagmula sa lupaing ito tama ba ako?" tanong nito kay Kyu.
Hindi agad sumagot si Kyu sa tanong nang matandang lalaki bagkos ay napaisip lang siya. Muling nagsalita ang matanda.
"Hindi ako nagmula sa lupaing ito, nanggaling ako sa kabilang kontinente"
"Dinala ako dito ni Finn, sigurado ako na hindi ka galing sa lupaing ito sapagkat hindi ka makakapasok sa Pavilion Magic School na ito kung ordinaryong alipin ka lang"
Nagsalita si Kyu ngunit hindi niya sinabi ang totoo, kailangan niyang itago ang kanyang identity kung saan talaga siya nagmula.
"Oho, nanggaling din ho ako sa ibang kontinente ng mundong ito, kaya nga po hindi ko naiintindihan ang mga nakasulat sa mga librong ito" ani Kyu sa mantanda.
"hindi kaba nagtataka kung bakit tayo nagkakaintindihan? Gayong magkaiba tayo ng texto at baybayin ng pagsusulat" sabi ng matanda sa kanya. Natigilan si Kyu at napaisip.
Oo nga no? bakit nga ba kami nagkakaintindihan sa salita pero magkaiba kami ng way ng pagsusulat? Di kaya merong Magic Spell for communication or Auto-magic translation ang school na ito para sa iba't-ibang uri ng wika? Mga tanong na tumatakbo sa isip ni Kyu.
"Oo nga ho.. bakit nga po ba ganon?" tanong din ni Kyu sa matanda. Naisip ni Kyu na baka alam ng matandang ito ang sagot sa katanungang iyon. Nagbabakasakali din si Kyu na baka makakuha din siya ng iba pang information tungkol sa mundong ito.
Nag-umpisa ng magpaliwanag ang matanda. Kaya daw sila nagkakaintindihan ay dahil sa Infinite Magic Spell na ginawa ni Astearia bago siya nag-ascend papuntang langit. At ito ay tinatawag na One Word Naither, ang layunin ang spell ay magkaintidihan ang lahat ng nilalang sa mundong ito para magkaroon ng Unity or pagkakaisa. At ang pangalan ng Mundong ito ay Naither World. 50 years ago, dinala ni Finn ang matandang ito dito para subukan ang spell ni Astearia kung gumagana din ba ito sa ibang continent.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
काल्पनिकPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...