Chapter 14

465 56 2
                                    

Habang hinihintay dumating ang tanghali, bumalik muna si Kyu sa kanyang pwesto kung saan siya nanghahunting. Sa Game tinatawag nila itong Character Grinding, hindi ka gaanong umaalis sa pwesto habang nagpapalevel ng Skill or Character and Hunting at the same time, iyon ay katulad ng ginagawa ni Kyu ngayon.

Nakapaghunt pa si Kyu ng apat na Soul Core Low bago dumating ang tanghali. Simula sa mga susunod na araw ay ito na ang kanyang magiging Hunting Ground. Umalis na agad sila sa lugar pagpatak ng tanghaling tapat, naglakad ng isang oras, binalikan ang mga kabayo kung saan nila ito itinali. Nandoon parin ang mga ito, nagpapahinga sa ilalim ng puno, kinakain nila ang mga bungang nalalaglag sa puno at mga damo sa paligid niyon.

Agad nilang sinakyan ang mga iyon at lumayo sa lugar. Pagkatapos ng lima o anim oras ay narating nila ang Mercenary Stop House, binenta agad ni Kyu ang apat na Soul Core Low para madagdagan ang kanyang Silver na Stock. Ganon din ang ginawa ni Moze, nakakuha siya ng 24 piraso, ang dalawa roon ay Low Level Core at ang iba ay Lowest level Core na. Nagpaalam si Moze na uuwi muna siya sa kanila, magkita nalang daw sila sa susunod na araw.

Sa Auction House ay may mga useful na gamit, na mapapakinabangan nila sa loob ng kweba. Tulad ng lagayan ng tubig at ilaw, kapirasong tali at sapin sa likod pagnatutulog, bumili rin si Kyu ng kasirolang lutuan. Bumili rin siya ng medyo malaking bag, tig-isa sila ni Luna, pagkatapos niyon ay lumipat sila sa Liquor House. Bumili siya don ng bigas, mais at tinapay na magtatagal ng limang araw o higit pa.

Kumuha sila ng kwarto sa INN, pagpasok nila sa loob ay inutusan agad ni Kyu si Luna na maligo, dahil puro dumi ito sa katawan, sinabi nya ring labhan ang kanyang damit pagkatapos niyang maligo. Sanay ito na maraming dumi sa katawan sapagkat lumaki itong alipin, ganon pa man kailangan lang nitong turuan ng proper hygiene para masanay.

Habang busy ito sa banyo, inaayos naman ni Kyu ang mga gamit na kanilang dadalhin sa susunod na araw. Kapag-umuwi si Moze ay magpapaiwan sila doon para straight ang kanyang paghahunt sa loob ng isang linggo o higit pa, depende kung hanggang saan aabutin ang kanyang stock. Dalawang araw silang nagpahinga ni Luna, sinabi nya rito na kailangan nilang gawin iyon para makaipon ng lakas. Kahit lagi niyang inuutusan si Luna ay masaya ito sa kanyang ginagawa.

"Master.. alam mo ba? Ikaw ang pinakamabait sa lahat ng nakilala ko sa buong buhay ko" anito.

"Wala na tayong pera kaya sipagan mo para hindi kita ibenta" pabirong sabi ni Kyu.

"Master, wag mo akong ibenta pakiusap" ani Luna, umiiyak ito habang nakaluhod.

"Biro lang yon, hindi kita ibibenta kahit wala na tayong pera" sagot ni Kyu.

"Talaga Master, hindi mo ako ibibenta?" hindi makapaniwala nitong sabi.

"Oo, kaya tumayo kana jan, baka magbago isip ko" ani Kyu.

Agad itong tumayo at nahiga sa kama, gumulong-gulong doon. Nang araw na iyon ay hinihintay nilang dumating si Moze, pero pakagat na ang dilim, baka hindi na ito dumating. May kumatok sa pinto, impleyado iyon ng INN, meron daw Rat-Men at hinahanap siya. Inutusan niya si Luna na sunduin si Moze sa baba at dalhin sa kanya. Doon na pinatulog ni Kyu si Moze sa kwarto nila, sa lapag si Kyu natulog at ibinigay kay Moze ang kanyang kama.

Ayaw siyang payagan ni Luna na matulog sa lapag. Pinilit siya ni Luna na doon siya matulog sa higaan niya at si Luna ang matutulog sa sahig, bilang Master niya hindi niya tanggap na matutulog si Kyu sa sahig. Walang nagawa si Kyu kundi sundin ang gusto nitong mangyari. Kinaumagahan, bago sumikat ang araw ay umalis na sila para manghunting. Nanghuli siya ng mga hayop na pwedeng gawing pamain at the same time pwedeng lutuin.

Bago sila inabot ng tanghali, nakahuli sila ng pitong pirasong pain, sapat na ang mga iyon. Nagpatuloy sila sa pagtahak ng daan papunta sa kanilang hunting ground. Tulad ng una nilang ginawa ay iniwan nila ng kanilang kabayo at naglakad. Nang marating na nila ang kweba ay mabilis na ibinaba ang mga gamit, agad silang pumuwesto sa kanilang mga hunting Spot para makakuha agad ng Soul Core sa mga Demon-Beast.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon