Chapter 30

454 62 12
                                    

Lumipas ang dalawang araw, sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi sila lumabas ng INN tulad ng mga residente sa lugar. Usap-usapan sa INN, ayon kay Moze at Firra narinig nila ang pag-uusap ng mga tao sa paligid, wala daw gaanong sumugod na Demon Beast sa Border malapit sa Luciferium Mountain. Nasa dalawa or tatlong libo lang daw ang bilang ng mga Demon Beast na lumapit sa Border Wall ayon sa mga sundalong nagdi-depensa sa parteng iyon.

Para paigtingin ang depensa, ang anim na Grand Master Crown Rank ng Kingdom ay laging nandon sa tuwing nagkakaroon ng Dragon Awakening. Ang lima daw sa mga ito ay umalis dahil wala naman daw sila nakikitang threat sa parteng iyon ng Border Wall, iniwan nila ang mga sundalo at Guard ng Border sapagkat kakaunti lang naman daw ang lumalabas na Demon Beast sa nakalipas na dalawang araw.

Napansin ng mga Grand Master na iyon na merong maling nangyari, hindi iyon pangkaraniwan sapagkat ngayon lamang naganap ang ganong sistema sa History ng kanilang Kingdom. Sa ngayon ay hindi mapalagay ang mga Grand Master Crown Rank dahil posibleng may iba pang mangyayari kaya agad silang umuwi para i-double check ang nangyayari sa palasyo.

Ito ang kauna-unahang naitalang walang sundalong namatay sa Border Wall malapit sa Luciferium Mountain. Naisip ni Kyu na naubos yata nila ang mga Demon Beast nong nagdaang mga araw kaya kakaunti nalang ang natira sa mga ito. Sinabi ni Kyu kay Firra kung bakit kakaunti nalang ang mga Demon Beast na umatake at alam ni Moze na sila ang dahilan ng kung bakit iilan nalang ang umabot sa Border Wall.

Ilang oras lang ang lumipas ay biglang dumating si Jack sa INN, ang batang Demi-Wolf. Hingal na hingal ito sa pagtakbo sa pagnanais na makarating agad sa lugar na kanyang gustong puntahan. Agad nitong hinanap si Kyu, pumunta ito sa kwartong ukupado ni Kyu at agad na kumatok sa pinto roon na tila nagmamadali, pagbukas ni Kyu ay mabilis itong nagsalita.

"Master! Nasira ng mga Demon Beast ang Border Wall sa Rakuma Mountain"

"Inabandona ng mga sundalo ang Wall, nanganganib ang buong lugar sa parte namin"

"Inutusan agad ako ng Elder na ipagbigay alam sayo Master" ani Jack

Pagkatapos marinig ni Kyu ang mga sinabi nito, tinawag agad niya si Moze at nagmamadaling umalis. Paglabas nila ng bayan kung saan siguradong walang makakakita sa kanila, agad silang nagsuot ng Complete Gear. Hindi pa man sila nakakarating sa mismong lugar kung saan nagmula ang mga Demon Beast ay may nasasalubong na sila.

Na-detect ni Kyu sa parameter niya na nagkalat na ang mga ito sa iba't ibang parte ng mga lugar kung saan may mga maliliit na Village at Small Tribe na naninirahan. Siguradong sa loob lang ng isang araw ay babagsak ang populasyon ng Kingdom sa parte ng lugar na iyon. Ibinigay ni Kyu ang Bow at Arrow kay Jack para meron itong gamitin pansamantala, ngunit binalaan niya ito na wag gagamitin ang Arrow sa Medium Level Beast.

Sa ngayon ay wala pang nagtuturo kay Jack ng Major Ability or Magic Damage na magagamit nito sa pagpatay ng Demon Beast, kung meron man hindi iyon sasapat para makapag-One Hit ng Low Level Demon Beast hindi katulad ng dating mga Arrow ni Kyu na pagtumama sa Low Level ay namamatay agad.

"Maghiwa-hiwalay tayo, Moze doon ka at Jack dito ka" kumpas ni Kyu sa kaliwa at kanan

"Pero wag sobrang layo para ma-detect ko parin kayo"

"Jack, iwanan mo lang ang mga Medium Level ako nang bahala"

"Pag meron High Level, tumakbo agad kayo sa akin, dito ako sa parteng ito"

"Sasalubungin ko ang Wave. Ngayon na!" dagdag pa ni Kyu sabay takbo

May mga residenteng tumatakbo at hinahabol ng mga Demon Beast. Ang iba naman ay nakikipaglaban para protektahan ang kanilang buhay, karamihan sa lugar na iyon ay hindi nakapaghanda sapagkat hindi nila inaasahan na ganon karaming Demon Beast ang makakapasok sa lugar nila. Ngayon lamang nangyari ganitong Event na halos buong Wave ay nakapasok sa Border Wall.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon