Chapter 23

494 64 4
                                    

Excited na si Kyu, gusto na niyang subukan kung magiging useful naba ang item na ito sa kanya. Hindi na siya naghintay ng umaga, lumabas siya ng INN, naghanap ng bakanting lote. Total may Suppressor naman ang baril na gamit niya, agad siyang nagpaputok ng 33 rounds 9mm Bullet or isang extended Mag. Bullet ang sinayang niya, tumama lahat sa iisang puno ang mga bala. Mabilis niyang pinulot ang mga Bullet Shell saka umalis.

Mausok ang mga balang inilalabas ng Barrel or tube nito, mukang kailangan niyang e-refine ang mga bullet para maging Smokeless ito, kaya lang mahabang process dahil maraming masasayang na bala. Kapag ganto kausok, siguradong makikita siya kahit malayo or kahit naka-Silencer pa siya. Sa subrang disparate ni Kyu na maalis ang usok ay gumawa uli siya ng limang Glock-19, pang anim ang gamit-gamit niya, ni-refine niya itong lahat para maging isa.

"Item Status"

Item Type: Semi-Automatic Pistol GLOCK 19
Refining Result: Normal Quality
Add Stats: None
Attribute:
- Reduce Recoil
- Anti-Aliasing
- Reduce Smoke 50%
- 80% Accuracy
- Bullet Boost + 500 fps

Hummm not bad, sabi ni Kyu sa kanyang isip habang tinitignan ang Attribute na nadagdag. Sa loob ng isang magdamag ay natapos niya ang kanyang First Project, para kay Kyu worth-it ang kanyang pag-oover night, nagpasya na siyang matulog. Tanghali na siya nang magising, may sariling pera ang mga alipin niya, sinabi nya sa mga ito na mauna silang kumain, gamitin nila ang perang hawak nila kung nagugutom sila. Ang mga slave ni Kyu ay may sariling budget, ang bawat isa sa kanila ay malayang gumastos ng pera.

Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang apat na slave. Hinihintay siyang lumabas ng kwarto, agad niyang tinanong kung bakit? Sabi ni Luna hindi raw sila makakain, ayaw silang pagbilhan ng pagkain at hindi sila pinapaupo sa mga mesa sa loob ng INN. Agad na bumaba si Kyu dala ang apat, pagdating doon ay pinagtitinginan agad sila, dumiretso si Kyu sa counter at umorder. Umupo sa bakanting mesa kasama ang apat habang hinihintay ang kanilang pagkain.

Masyadong mataas ang diskriminasyon ng mga tiga rito pagdating sa mga alipin. Nawala sa isip ni Kyu na hindi mawawala ang diskriminasyon kaya hindi rin malayang makagagalaw ang kanyang mga alipin sa gusto nilang gawin. Hindi siguro nila matanggap na malinis, maayos at matino ang itsura ng apat na ito at halatang naaalagaan ng husto.

Napansin din ni Kyu na may mga matang hindi maalis ang tingin sa kanila, lalo na sa mga aliping dala niya, nagkakaroon ng interis ang mga lalaki sa silid na iyon, pinagnanasaan ang mga ito ang apat na slave. Nakikita kasi nilang mababa ang Crown Rank ni Kyu na nagsisilbing Master ng apat kaya wala silang paki kahit magbigay sila ng motibo.

Iniisip ng mga ito na hindi sila kayang pigilan ni Kyu dahil nasa Advance Novice Rank lang ang Crown Cultivation niya. Pagserve ng pagkain ay agad silang kumain, inutos ni Kyu na bilisan nila ang pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay binayaran agad ito at mabilis silang umalis sa lugar na iyon. Lumabas sila sa INN para mamili, may gustong subukan si Kyu or bagong experiment na gagawin dahil curious siya. Bumili siya ng maraming telang kulay itim at sinulid, namili rin siya ng maraming boots na gawa sa balat ng hayop, ipinabitbit sa apat. Pagkatapos niyon ay agad silang bumalik ng INN.

Sinabi ni Kyu sa apat na wag na munang lalabas ng silid, tawagin siya ng mga ito kung may kailangan. Naging busy nanaman si Kyu dahil nag-refine siya ng isang libong Soul Core Low. Nire-recycle niya ang ibang Stats tanging Soul Regen per Hour lang ang kinukuha niyang Core. Sa loob ng ilang oras na pag-rerefine ay natapos din siyan, nakakuha si Kyu ng 139 Soul Regen per Hour out of 1 thousand Soul Core Low. Inabsorb niyang lahat iyon para madagdag sa kanyang Stats.

Soul Essence | 03.22 – Soul Essence Regeneration
/ +37 Soul regen per Day
/ +163 Soul regen per Hour
/ +0 Soul regen per Minute
/ +0 Soul regen per Second
/ +0 Soul regen per Millisecond

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon