"Ito ay Astral Lunatic Stats! Ngayon nyo lang uli ito masasaksihan sa loob ng mahabang panahon! Tunghayan ang makapigil hiningang item na pwedeng mapasainyo mismo!"
"At hindi ito nag-iisa, kundi dalawampong pirasong Soul Core Low!"
"Ibebenta namin ito isa-isa dahil magkakaiba sila ng Stats!" sigaw ng babaeng nasa harap
"Magsisimula tayo sa bidding na... 30 Diamond!" sigaw uli ng babae
"35!" sigaw na presyo mula sa malayo
"40!" sigaw sa kabilang parte, hanggang sa mabilisang pagtaas ng price niyon
"50! 55! 60! 70! 90!" sunod-sunod na iyon, lahat sila ay gustong makuha ang unang Soul Core.
Naglalaway naman si Elder Ranju at kumikinang ang mga mata sa nakikitang presyo ng unang Soul Core. Nasa Auction din si Kyu ng mga oras na iyon, pinapanood kung gaano kamahal ang kanyang Soul Core. Tumigil ang Bidding sa halagang 130 Diamond, napaisip si Kyu, kaya pala hindi maibenta ni Elder Ranju dahil aabot ang presyo nito sa 130 Diamond. Ang ikalawang Soul Core ay inabot naman ng 128 Diamond, next ay 125, then 120, the rest ay puro 115 to 110 Diamond.
In total, merong 2,000 plus Diamond si Kyu, kahit hindi pa niya ito kapit siguradong kanya iyon. Tumingin si Kyu sa chamber na inuukupa ni Elder Ranju, Nakatayo na ito, nakahawak sa railings na kahoy, kita sa muka ang pagkamangha. Natapos ang Auction para sa araw na iyon, masayang umuwi si Elder Ranju ngunit karinig siya ang panget na salita mula sa katabing quarter.
"Kawawang matanda, walang nabili ni isa hahaha" nakakalait na tuno
"Oo nga, masaya pa sya.. baliw na ata, kahihiyan ka sa Kingdom" dagdag naman ng isa
"Hahaha.. mamamaalam na ang Ranju House kasabay mo tanda" galing naman sa kabilang side
"Sa sobrang hirap nyo pati Crown Rank mo bumaba na rin tanda hahaha" lait pa ng isa sa dito
"Sumusobra na kayo!" galit na boses ni Henu kahit si Plumi ay galit na rin
"Hayaan nyo na sila..." ani Elder Ranju, sabay pigil sa dalawa para kumalma
Mabilis silang umalis sa lugar na iyon, dumiretsyo sila sa opisina ng Auctioneer, isa sa mga Official nito ang sumalubong sa kanila para sunduin. Agad silang pumasok sa loob, inabutan sila nang isang Ring, isa itong Wizard's Jewelry Ring. Sa loob niyon ang mahigit dalawang libong Diamond na pinagbentahan ng Refine Soul Core, nagkataon na ang Presidente ng Auction House na iyon ay isang Orion Blood Skull Member. Nagreport agad ito sa Union, ayon sa ulat nito si Elder Ranju ang pinakamayaman sa Fang Kingdom ayaw lang nitong ipaalam sa iba, meron itong kapit 2293 Diamond.
Agad ding lumabas si Kyu kasama si Moze para sundan ang grupo ng matandang Ranju. Nasa labas naman si Jack bilang surveillance sa lugar na dadaanan ni Elder Ranju. Kailangan nilang proteksyonan ang matanda dahil may dala itong malaking halaga. Nakauwi ng matiwasay ang matanda dala ang malaking halagang hindi pa niya nahahawakan sa buong buhay niya. Ang kalagang iyon ay kaya ng magtayo ng dalawang Emperyo o Nasyon.
Inutusan niya si Moze na pasukin ang Main House at kumatok mismo sa silid ni Elder Ranju. Alam nila ang buong blueprint ng bahay sapagkat iniscan na nila iyon ng ilang ulit. Nasa loob na si Moze, walang napansin sa kanya, agad siyang kumatok sa silid ng matanda dahil alam niyang nandoon ito. Ang suot na google glass ni Moze ay meron na ding Transparent Mode at Auto-detection Body Heat.
Pagbukas ng matanda sa pinto ay bigla itong napa-upo nang makita si Moze sa harap niyon. Agad siyang lumuhod at nagmakaawa dito, sinabi din niyang naibenta na nila ang mga Soul Core at kapit ang mga Diamond. Handa daw itong ibigay lahat kahit wag na siyang partihan sa mga iyon.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...