Chapter 20

502 61 7
                                    

Pinaahon sila ni Kyu dahil oras na para kumain, sa isip ni Kyu siguro naman ay sobra na ang dalawang usa at ilang piraso ng tinapay para sa kanilang lahat. Naninibago si Firra dahil ang turing ni Kyu sa mga alipin ay kapantay lang nila. Totoo nga ang sinasabi ni Moze tungkol sa kanya, hindi siya tulad ng iba at may kakaiba siyang ugali na hindi mo makikita kahit kanino sa mundong ito.

Nakapaligid silang lahat sa pagkain, habang nakahain ito sa lapag. Kulang ang plato dahil sakto lamang iyon sa apat na tao. Tumayo si Kyu, pumunta sa Coach, plano nitong gawing plato at mangkok ang mga Iron Plate ngunit hindi niya tinuloy. Naisip niyang madali itong kapitan ng kalawang at hindi magandang gawing kitchen utensil, bumalik siya at muling umupo. Kinuha lahat ng Silver Coin na itinabi ni Luna ganon din kay Moze. Ito ang ginawa niyang Silver Plate at Silver spoon, inabot sa tatlo at sinabing.

"Hugasan nyo muna at maghugas narin kayo ng kamay" utos ni Kyu sa tatlo

Nagmamadaling tumayo ang tatlo, habang hinihintay silang bumalik, gumawa si Kyu ng mga mangkok para sa kanilang lahat. Pagkabalik ng tatlo ay nag-umpisa na silang kumain, hindi gumalaw ang tatlo nakatingin lang ang mga ito sa kanila.

"Anong ginagawa nyo? Wag kayong manood, kumain na kayo"

"Kumain kayo hangga't may pagkain at hangga't kaya nyo" utos ni Kyu sa tatlo.

Nag-umpisa ng kumain ang tatlo na parang wala ng bukas. Sarap na sarap sila sa pagkaing nakahain kahit na ordinaryo lang iyon para kina Luna at Moze. Halos maubos ang pagkain sa harap nila habang si Kyu ay nakangiti lang habang nakatingin sa mga ito. Iniisip ni Kyu, sigurado siyang pagkatapos nilang kaumain ay hindi na gagalaw ang mga slave dahil sa sobrang busog. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay tumigil na ang mga ito himas-himas ang mga tiyan. Naririnig ni Kyu sa mga bibig nila ang salitang 'Hindi ko na kaya', kahit papaano maranasan manlang nilang mabusog ng husto sa buong buhay nila bago sila bawiin ng may-ari.

Pagkaraan ng ilang oras ay muli silang Nagpatuloy sa paglakbay, habang nasa loob ng Coach, gumagawa si Kyu ng mga pako at dalawang kalan para sa kahoy na panggatong gamit ang Iron Plate. Sa tuwing may umaaligid sa paligid ay pinapatigil ni Kyu si Moze, hinahunting nya ang mga ito bago pa makalapit sa kanila. Sikretong nagri-refine si Kyu habang sa kalagitnaan ng kanyang paghahunt, isinisingit niya ito kapagwala silang ma-detect na Demon Beast sa kanyang Territorial Field.

Sa nagdaang dalawang araw ay nakakuha din siya ng dalawang Soul Regen + 1 per Hour at isang Soul Regen + 1 per Day at hindi lang yon, ang isa sa mga Soul Core na nai-refine niya ay may Permanent Stats na Movement Speed + 1, bago iyon sa kanyang Refining List. Agad niyang inabsord ang lahat ng iyon para magamit, alam niyang useful iyon para sa kanya. Nang sumunod na araw ay may nadaanan silang isang malaking troso, nakatumba ito malapit sa daan.

Pinatigil ni Kyu ang Coach, lumapit siya sa troso at gumawa ng maraming tabla, alam niyang maraming tabla ang mapu-produce niyon. Mula roon ay gumawa siya ng dalawang mahabang lamesang pwedeng i-fold pagkatapos gamitin, ganon din sa mga upuan. Doon niya ginamit ang mga pako mula sa Iron Plate. Gumawa din siya ng isang malaking kawa at isang kaserolang gawa sa Silver. Sa lugar ding iyon sila nagpalipas ng oras para kumain.

Inilatag ang dalawang lamesa, inilabas ang baboy damo mula sa Wizard's Jewelry at ipinatong doon. Inutos ni Kyu kay Luna na i-butcher ito at hiwain sa maliliit na Cube, tumulong naman si Firra at Moze sa paghiwa niyon. Sinabi ni Kyu sa tatlong alipin na Kumuha ng tuyong sanga ng kahoy at gagawing panggatong pero wag gaanong lalayo. Inilabas niya ng kalang gawa sa bakal, pinaapoyan ang ilalim, isinalang ang malaking kawa roon. Gustong subukan ni Kyu ang kanyang mga ginawang gamit kung mapapakinabangan ba nila ng maayos.

Mula nong nag-umpisa silang maglakbay, tuwing gagala si Kyu sa gubat ay hindi nya maiwasang Kumuha ng mga dahong pwedeng panghalo or rekado sa pagkain pandagdag spice. Ngayon ay magagamit niya ang iba rito, tulad ng paminta, laurel, luyang ligaw, dahon ng bawang at sibuyas nagkalat lang ang mga ito sa gubat na parang ordinaryong damo. Nakakuha din siya ng pinya at mga sariwang beans. Gamit ang kaunting tubig, hinayaan niyang kumatas ang taba or mantika sa balat ng baboy damo.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon