Chapter 9

518 55 2
                                    

Habang sinusundan ni Kyu ang dalawang kariton na nagmamadali dahil pakagat na ang dilim. Napansin niya ang dalawang matandang mag-asawa malamang ito ang may-ari niyon, napansin rin siya ng mga ito, tumango na lamang siya bilang tugon at bigay galang narin.

Sa di kalayuan ay natanaw na niya kung saan papunta ang dalawang matanda. Tatlong malalaking establishment ang nakatayo roon gawa ang mga ito sa konkretong bato o mas kilala ito sa tawag na Mercenaries Stop House.

Tumigil ang coach sa harap ng INN o maskilala sa tawag na hotel. Tulad nang ginawa ng dalawang matanda ay tumigil din siya at bumaba sa kabayo. Agad siyang sinalubong ng dalawang matanda at nagpasalamat.

Inisip ng mga ito na pinuprotektahan niya ang likurang bahagi ng daan kung sakaling may umatake. Buong akala nila ay full pledge mercenary si Kyu lingid sa kaalaman ng dalawa na sinundan talaga niya ang mga ito sa distansya at natawa na lang si Kyu sa kaniyang isip.

"Salamat ulit ha?" Anya ng matandang babae.

"Kung may kailangan ka wag ka mahihiyang mag sabi basta yung kaya lang namin" dagdag namang sabi ng matandang lalaki.

Opo na lang ang naging sagot ni Kyu sa mga ito. Ayaw i-take advantages ang kabutihan ng dalawa.

"Pano? mauuna na kami sa loob?" paalam ng matandang lalaki.

"Sige ho" tugon ni Kyu.

Nauna na ang dalawang matanda at sumunod naman si Kyu sa loob, hindi na dumaan sa information disk ang dalawa. Sa palagay ni Kyu nagpareserve na ang mga ito dahil tuloy lang ang mga ito hanggang sa loob. Dumaan si Kyu sa mesa kung saan may nakaupong lalaki ngunit bago pa siya dumating ay nagsalita na ito. Fully book na raw ang INN na iyon.

Wala ng ibang hotel sa lugar na iyon kundi iyon lamang. Namumroblemang lumabas ng INN si Kyu habang kamot-kamot ang batok. Saan ako matutulog ngayon? Tanung niya sa kaniyang sarili. Pwede naman siguro matulog sa labas, ani Kyu sa kanyang isip. Pagpapalipas nalang siya ng umaga, ang mahalaga ay hindi siya abutan ng dilim sa mga liblib na lugar dahil higit na maspanganid iyon.

Sa labis pag-iisip ay nakaramdam siya ng gutom kaya napagpasyahan niyang kumain muna. Ang tatlong establishment ay binubuo ng INN, isang building na ang pangalan ay Food and Liquor House, sinusundan ito ng Auction House. Kung sino man ang may-ari o tiga pamahalaan ng lugar na iyon, sigurado si Kyu na napakamaimpluwensya at makapangyarihan ito.

Tinungo na niya ang lugar kung saan pwedeng kumain. At ito ang Food and Liquor House, maraming kumakain at nag-iinuman sa lugar na iyon, halos lahat ay Mercenary. Dito unang nasaksihan ni Kyu ang pagkakasama-sama ng iba't ibang Breed ng Demi Human. Tulad ng mga Half Beast at Half Reptile, Ape Type, Feather Type Breed at syempre hindi mawawala ang Horn Breed Human. Pagkatapos niyang pag-aralan ang paligid, agad siyang nagtungo sa Counter. Sa unang tingin palang ni Kyu, halos lahat ng nandoon ay magkakakilala na ngunit may mga grupong kina-aaniban at mukang hindi magkakasundo ang mga ito base sa galaw ng bawat isa.

Kailangang mag-ingat si Kyu sa kanyang mga gagawin sapagkat maraming Mercenaries na may matataas ang Division Level sa lugar na iyon. Isang pagkakamali lang siguradong mabubuko siya, salamat sa kanyang bandana at natatakpan ang kanyang tainga at ibang parti ng ulo.

Agad namang itinuro ng lalaking nasa counter kung saan siya uupo. Tinungo niya ang bakanting mesa ang upuan. Habang nakaupo roon, lumapit ang isang waitress at tinanong siya kung ano ang oorderin niya. Agad namang nagtanong si Kyu kung anong pagkain ang mura, iniisip ni Kyu na kailangan niyang budgetin ang pera niyang dala.

Nang makuha na ang kanyang order, agad na umalis ang babaeng waitress. Lahat ng nagtatrabaho sa Food and Liquor house ay mga aliping babae na purong tao. Isang lalaki ang dumaan sa tabi ni Kyu. Lasing na ito, may kayabangan ito at mukang malakas base na rin sa kanyang Crown Rank level.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon