Ang kaagaw ni Elder Ranju sa item na iyon ay mga High Ranking Official ng iba't-ibang Kingdom na higit na mas mayaman kesa sa kanya. Halos lahat ng Official na iyon ay kanang kamay ng mga Hari. Sa ngayon ay meron nalang 400 Diamond si Elder Ranju ang dalawang Belt ay umabot na sa halagang 180 Diamond isa. Nakatulala naman ang mga mapanlait niyang katabi ng makitang ilang daang Diamond na ang inubos ni Elder Ranju, kinain sila ng lupa sa kahihiyan. Tumigil ang presyo ng Belt sa halagang 210 Diamond, napunta parin iyon sa mga kamay ni Elder Ranju.
Palaisipan parin sa mga taga Fang Kingdom kung saan galing ni Elder Ranju ang ganon kalaking pera. Hindi na siya sumali pa sa kahit anong bidding sapagkat wala na siyang bibilhin pa sa mga iyon. Humanga naman ang mga taga ibang lugar sa ipinakita nitong yaman, ngayon ay kinikilala ang Ranju Family na isa pinakamayamang angkan hindi lang sa Fang Kingdom kundi sa continent nila. Nang matapos na ang Auction Event, tinapunan ng tingin ni Elder Ranju ang mga katabi niya kanina na salita ng salita mula pa kahapon.
"Noble Family ba tawag sa mga angkan nyo? Tsk tsk... Kakahiya" saad ng Elder Ranju sa mga ito
"Meron lang naman kaming 500 Diamond wala pang bawas" parinig pa ni Plumi sa mga ito habang naglalakad palabas ng Quarter nila.
"Hindi na nakapagsalita puro kasi kayabangan inuuna" ani Henu sa malakas na boses
Ang bawat Noble Family ay merong Master Crown Rank sa angkan habang sa Ranju Family naman ay kasalukuyang wala dahil nagkaroon ng Experience Penalty si Elder Ranju dahil sa pagkamatay nito. Sa ngayon ay nasa Night Valor Crown Rank nalang siya. Pumunta sila sa Auction Main Office para bayaran at kunin ang mga item. Bukod pa sa mga tao nila nagkaroon sila ng mga personal Bodyguards paglabas nila ng Auction House para maihatid sila ng ligtas, libreng serbisyo daw iyon para sa kinaiingatan nilang costumer.
Hindi naman nag-aalala si Elder sa mga item na dala niya sapagkat pag-aari iyon ng Grupong Abyss at sa tingin niya ay nakamasid lang ang mga ito mula sa malayo. Oras na may kumuha niyon sa kanya, siguradong hahunting ng grupong Abyss at walang awang itutumba. Tulad ng hinala ng matanda nakamasid lang sa malayo ang grupo ni Kyu, sikretong binabantayan nina Kyu ang Elder dahil isa siya sa mga asset or front para magpayaman.
Nakauwi ang angkan ng Ranju Family ng walang aberya, walang may gustong mag-attempt dahil kahit na sobrang laki ng halaga ng item na dala nila. Alam ng nakararami na ang tatlong Night Valor Crown Rank ay mahirap pabagsakin bukod pa rito, maraming gwardiyang naka-escort sa kanila pauwi. Kinagabihan, bumalik si Moze para kunin ang mga Wizard's Jewelry item ganon din ang natirang Diamond.
Inutos ni Kyu kay Moze na bigyan ng isang Ring, isang Bracelet, isang Necklace at isang Earing ang Ranju Elder. Pagkatapos gawin ni Moze ang inutos ni Kyu sa kanya, nagpaalam na ito at sinabing 'salamat hanggang sa muli nating pagkikita' saka umalis agad sa bahay na iyon. Nakahinga na ng maluwag ang buong angkan sapagkat hindi na nagparamdam pa ang Abyss.
Ganon pa man kahit na may trahedyang nangyari sa pagitan nila ng grupong Abyss, nagpapasalamat parin ang Elder dahil naibalik ang estado ng kanilang pamilya at kinikilala na ulit siya ng Kingdom. Umalwan ang kanilang buhay, tumaas din ang kanyang posisyon sa Orion Blood Skull ngunit hindi na siya ganon ka-active tulad ng dati, alam kasi niyang bubuwagin ng Abyss ang Underground Union na ito balang araw.
Sa kabilang banda, gusto ng umuwi ni Kyu para tignan ang kalagayan ng Rabit Tribe. Parang merong isang bagay na humahatak sa kanya para umuwi ng Empire of Horn Pionberg at hindi maganda ang kutob niya sa bagay na iyon. Mabilis niyang pinag-impake ng gamit ang mga Alipin niya at mga kasama, kailangan nilang umalis agad sa lalong madaling panahon. Apat na buwan na silang nasa Fang Kingdom ngayon ay oras na para umalis.
Inutusan ni Kyu ni Moze na sunduin si Jack, kailangan nilang isama ang batang iyon. Binigyan naman niya ng 100 Diamond si Firra at isang sulat. Sinabi niyang dalhin ang sulat at 100 Diamond sa Ranju Main House. Naglalaman ang sulat ng isang request o pabor, nakasaad dito na si Plumi ang gagawa niyon, ayon sa sulat kailangan nitong bilhin ang isang alipin na nagngangalang Kog. Matatagpuan si Kog sa isang library sa Pavilion Magic School, oras na nabili nya na ito hanapin nya si Firra. Siguradong alam ni Plumi ang lugar na tinutukoy ni Kyu dahil tiyak niyang nag-aral din si Plumi sa Prestiheyusong Paaralan na iyon.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasiPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...