Suminyas siya kay Moze na tumigil muna sila, naramdaman kasi niyang maraming movement ng Soul Carrier sa paligid nila. Sa dami ni isa, walang High Level sa mga ito.
"Ayos na ayos to... Handa kana?" tanong ni Kyu kay Moze
"Oo... tara na" maikli nitong sagot
Naglabas agad si Kyu ng dalawang Glock-19 sa magkabilaang kamay, pareho itong may Suppressor. Semi-Automatic Glock-19 ang naging first choice niya dahil pwede itong Single Bullet or Double Bullet, sa isang kalabit lang kaya nitong maglabas ng dalawang Bala kung isi-set mo ito sa Double Bullet. Madali nalang para kay Kyu ang gumawa ng Glock-19 dahil kabisado nya na ang parts nito.
Nagpaputok siya sa magkakaibang direksyon habang si Moze naman ay nakafocus sa pagkuha ng mga basyong inilalabas ng baril ni Kyu. Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa isang daan na agad ang napatumba nila, mabilis nilang kinukuha ang mga Soul Core dahil kabisado nila kung paano ito nakakuha agad sa katawan ng isang Demon Beast. Sa loob lang ng isang oras ay naka 400 Soul Core Low na sila.
Nagpahinga sila ng kaunti dahil wala ng mga Demon Beast na mahunt sa paligid nila. Nang hindi makuntinto sa unang spot, lumipat sila ng Hunting Ground, ang tagal dumami ng mga Demon Beast roon. Iniipon or pinapa-spawn muna ni Kyu ang mga Demon Beast para isang Run nalang ang kanilang gagawin, kaya lang kung hihintayin niyang magre-spawn nakakaubos ng oras. Mas pinili niyang lumipat-lipat nalang ng Hunting Field para maging productive ang bawat oras na kanilang ginugugol sa Outer-Layer ng Luciferium.
1,300 Soul Core sa loob ng apat na oras na pagha-Hunt, hindi pa kasama rito ang mga inabsorb nila bilang pang-refill habang nasa gitna ng paghahunting. Tama na muna siguro iyon, may ibang araw pa naman, nagpasya na silang umuwi ni Moze. Isang linggo mula ngayon ay magsisimula na ang inaasahang Dragon Awakening, may ilang araw pa sila para maghunt ng Demon Beast sa lugar na ito.
Habang pabalik na naramdaman ni Kyu na parang may lumilipad sa ibabaw nila, dumaan lang iyon, parang hindi din sila napansin nito. Tumingin si Kyu sa himpapawid para tignan ang direksyon ng lumitipad na nilalang. Na-ispatan nya agad ito, isa itong taong may pakpak na parang kalapati, sinundan nila ni Moze dahil curious siya.
Tinanong ni Kyu si Moze kung may mga Demon Beast bang lumilipad, ayon sa sagot ni Moze, may mga Demon Beast na may pakpak pero hindi sila lipad ng lipad dahil ang mga High Level na Demon Beast ay kayang tumalon ng mataas na parang lumilipad. Ibig sabihin necessary lang ang pagkakaroon ng pakpak dahil karamihan daw sa Magic Spell ng mga Demon Beast ay Long Range Attack, kung lilipad-lipad ka sa paligid siguradong magiging pagkain ka ng mga malalakas na Beast.
Nakita nilang bumaba ang taong may pakpak, tinanong ni Kyu kay Moze kung anong race sila. Sabi ni Moze kilala daw sila sa tawag na Wingman, at ang tribo nila ay tinatawag na Feather Tribe, uri ng mga nilalang na may pakpak sa likod. Tumigil si Kyu, tanaw niya mula sa malayo ng isang maliit na Village, wala siyang makitang bata at babae sa lugar na iyon, panay lalaki ang nandoon at puro sila abala sa pagbuhat ng mga gamit papasok sa isang malaking puno.
"Nag-iimbak sila ng pagkain sa underground at mga bagay na gagamitin"
"Nasa ilalim na ng lupa ang mga babae at bata" ani Moze
"Bakit mo alam?" tanong agad ni Kyu rito
"Ginagawa ko to sa Tribe namin, sa ngayon malamang ay naghahanda na rin sila" ani'to
Ayon kay Moze lahat ng Tribe sa labas ng Border ay ganito ang ginagawa para makasurvive sa Wave ng mga Demon Beast kapag panahon na ng Dragon Awakening. Nasa 23 member lang daw ang Tribe nila, binubuo ito ng apat na pamilya, nag-iwan daw siya ng malaking halaga na syang gagamitin pagdating ng Dragon Awakening. Bago raw siya umalis nagpasabi na siyang wag na syang hintayin pa dahil hindi nya alam kung kailan ang balik niya roon.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...