Chapter 21

470 64 3
                                    

Ang sunod na target ni Kyu ay ang volcano. Hindi na siya nagdalawang isip na itanong kay Firra kung saan makikita ang lokasyon ng dalawang bulkan sa lugar. Iyon naman talaga ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Kingdom na iyon. Agad namang sinabi ni Firra kung saan nakapwesto ang mga bulkan, magkabilaang side iyon ng Fang Kingdom, ang isa raw dito ay Active habang ang isa naman ay umuusok lamang ngunit hindi pa naglalabas ng Lava.

Gustong malaman ni Kyu kung alin sa dalawa ang maraming Hot-Spring o naglalabas ng mainit na tubig sa lugar. Ayon kay Firra, ang volcano na umuusok ang may pinakamaraming Hot-Spring ngunit hindi siya sigurado. Agad nilang pinuntahan iyon, umubos sila ng isang araw para marating ang lugar, sa mga sandaling iyon ang Magic Creation Spell ni Kyu ay umabot na sa Stage 3 Mastery Level.

Sa prediction ni Kyu, oras na umabot sa Stage 5 or 6 ang kanyang Magic Creation Mastery siguradong makakagawa or makakabuo siya ng more detailed and more complex na item. May nadaan silang mga maliliit na Village, naalala tuloy ni Kyu ang lugar nila Ru na ganto din ang dating kalagayan. Huminto sila sa huling Villlage, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tiga roon ay pagmimina ng mineral, tulad ng iron, lead, copper, at silver.

Ganon pa man, hindi parin maunlad ang Village sapagkat binibili sa pinaka-murang halaga kanilang mga produkto. Ang tawag nila sa Village na iyon ay Kobold Tribe, tribo ng mga magmiminang taong lubo or Beastmen Miner. Ayon kay Firra ang pagmimina lang ang paraan nila para makasurvive ang buong Village na iyon, hindi sila pwedeng lumipat nalang basta-basta dahil ang lahi ng mga Beastmen ay may sense of territorial, posibleng makaaway nila ang ibang tribe.

Pagbaba ni Kyu sa kanyang kabayo ay agad niyang hinanap ang Village Chef ng Tribe, nagtanong-tanong sila sa mga nakatira roon. Agad naman nilang nakaharap ang kanilang hinahanap, mabilis na sinabi ni Kyu na bibili siya ng Copper sa halagang 10 Gold Coin, 10 Gold Coin din para sa Silver at 10 Gold Coin din para sa Lead. Tuwang-tuwa ang Village Chef sa kanyang narinig habang si Firra naman ay takang-taka at hindi lubos maisip kung anong gagawin ni Kyu sa mga bagay na kanyang binili.

Agad na inutos ng Village Chef nila na kolektahin ang lahat ng Silver, Copper, at Lead. Pagkaraan ng ilang minuto ay naglaho ang saya nito sa muka nang bumulong sa Village Chef ang isa sa mga tauhan nito. Pwede nilang gawing pera ang Silver at Copper ngunit kailangan nila ng Iron Refinery at Kingdom Stamp at sundin ang batas tungkol sa paggawa ng pera, kapag hindi nila sinunod ang tamang proseso, posibleng patayin or i-wipe-out ang buong Village nila. Ang isa pang dahilan, oras na gumawa sila ng pera ay pwede silang sakupin ng ibang tribe na malalakas sa paligid nila kahit nasa loob sila ng Fang Kingdom. Mga dahilan kung bakit hindi nila pwedeng gawing pera ang mga minimina nila.

"Ikinalulungkot ko ginoo, ito lang lahat ng minina namin ngayong buwan"

"hindi pa ata ito aabot ng 7 Gold Coin" ani Village Chef, pero sa tingin ni Kyu marami na iyon.

"Sige bibilhin ko to ng 30 Gold Coin pero bibigyan nyo ako ng kariton at kabayo" ani Kyu

"Walang problema ginoo" mabilis na sagot ng matanda, bakas ang ligaya sa mga ngiti nito.

Agad nitong inutos sa mga alalay nito na kumuha ng dalawang kabayo at isang kariton. Mabilisang isinakay ang apat na tiklis or malaking baskit na yari sa rattan, kahit mabigat iyon ay walang kahirap-hirap nilang naisampa. Dalawang tiklis na copper at isang tiklis na Lead at Silver. Pagkatapos niyon ay agad din silang umalis dala-dala ang mga raw material na binili, pero bago sila nakaalis ay nagpasalamat ang matandang Village Chef sa kanya.

"Maraming salamat ginoo... lubos akong nagpapasalamat sayo"

"Makakatulong ang perang ito sa amin ng apat na buwan o higit pa, lalo na ganitong panahong malapit na ang Dragon Awakening tataas ang halaga ng mga pagkain"

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon