Chapter 4

535 62 2
                                    

Lumabas na sila ng library at pumunta sa dorm kung saan nakatira si Ru, nagligpit sila ng mga gamit ni Ru. Mabilis na nagdaan ang mga araw, sa bawat ikaapat na araw ay ginagamit ni Kyu ang Creation Spell sa mga item na alam niyang hindi magpifail. Paminsan-minsan ay sinisilip niya ang kanyang cellphone, ganon parin ang battery nito at ang oras ay 1:38 AM parin. Sinubukan nyang magsearch sa internet ngunit hanggang ngayon ay loading parin ito.

Tinignan niya sa Naither Book ang Creation Mastery kung nagbago ba ito o hindi. Tinanong din ni Kyu ang status ng Mastery ni Ru pagdating sa Creation Spell at ilan ang Soul Amity niya para pag-aralan iyon. Hindi kasi pwedeng tignan ni Kyu ang Naither Book ni Ru dahil wala naman siyang makikita roon.

Kyu: Beginner Rank – Status White Thread Crown | Soul Amity: 70 Capacity

Magic Creation | Mastery Guide Level – 00.04 Uncertain

Ru: Apprentice Rank – Status Metal String Crown | Soul Amity: 300 Capacity

Magic Creation | Mastery Guide Level – 21.05 Unstable

Malayong malayo ang rank ni Ru sa Rank ni Kyu, 300 Soul Capacity mayroon si Ru habang si Kyu naman ay 70 lang. Sa loob ng limang taong pag-aaral ni Ru bakit 21.05 rate lang ang creation spell niya. Maaaring nakakaroon ng consequence, sa palagay ni Kyu at kapag-nagkakaroon ng failure sa pagperform or pagcreate ng isang bagay ay nagkakaroon ng negative effect.

Ngunit ayon kay Ru, ang 300 Soul Amity ay walang kwenta dahil may mga medium Magic Spell na kumakain ng 100 Soul Amity sa isang gamitan lang, so sa madaling salita 3 uses lang ang magiging resulta ng 300 Soul Amity kung gagamit ka ng damaging Spell. Pero kung ang mga gagamitin mo ay non-damaging spell, kakain lang ito ng 50 or 60 Soul Amity.

Naalala ni Kyu ang isa sa mga sinabi sakin ni Kog, karamihan daw sa mga magic user na gumagamit ng Non-damaging Spell ay hindi na lumalakas sapagkat hindi sila basta-basta nakakakuha ng Battle Experience or madalas silang hindi nakikipaglaban. Kung Damage Magic Spell ang habol mo magiging walang kwenta nga ang 300 Soul Amity sa Actual na Combat.

Nang-araw ding iyon ay umalis na sila sa Pavilion Island Magic School, isang guro ang naghatid sa kanila sa isang portal or Teleportation Warp Seal.

"hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila" ani Ru

"Kaya mo yan, lakasan mo lang loob mo..." ani Kyu.

Buhat ni Kyu ang mga gamit ni Ru, naglakad sila ng isang araw. Dumaan sila sa mga ilog, tulay bundok, gubat at mga mapupunong lugar bago marating ang village ni Ru. Sinalubong agad si Ru ng kanyang mga kalahi. Umiyak agad si Ru nang makita ang kanyang mga magulang

"Patawad Ama at Ina, hindi naging matagumpay ang aking pag-aaral, naging isa akong talunan"

"Sinayang ko ang pera ng ating village..." ani Ru, habang umiiyak. Humarap ito sa isang matanda

"Village Chef, patawad po.... Patawad po sa lahat, tatanggapin ko ang magiging parusa nyo para sa akin" saad pa ni Ru habang nakaluhod sa harap ng matanda.

"alam namin ang nangyayari sa iyon doon Ru, ginawa mo ang lahat ngunit sadyang pinagkait ang langit sa ating lahi" saad ng Village Chef

"Wag mo nang isipin ang lahat, naiintindihan ka namin at ang paghihirap mo doon" Saad pa ng matanda na leader ng kanilang Tribe.

"Pero village chef malaki po ang perang nilaan nyong lahat para sakin, hindi ko po maibabalik iyon, malaking bagay na iyon pambayad ng buwis" ani Ru.

"Sinabi ko na sa iyo, wag mo nang isipin pa iyon, wag mong labagin ang aking utos" saad ng matandang babae bago ito umalis.

"opo, masusunod po..." iyon nalang ang naging tugon ni Ru

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon