Nakatulala lang si Firra habang pinapanood kung pano bumagsak isa-isa ang mga mobs sa kanilang harapan. Ang 28 Demon Beast ay hindi manlang umabot ng limang minuto sa mga kamay ni Kyu, bago pa sila nakapag-react ay nakatarak na ang palaso sa kanilang mga katawan. May ilang nakatakbo palapit ngunit ilang hakbang lang ang nagawa ng mga ito. Napakinabangan ni Kyu nang husto ang kanyang Bow, mabuti nalang at tama ang naging desisyon ni Kyu na e-refine din ang kanyang mga Bow bago sila umalis ng Mercenaries Stop House sa labas ng Emperyo ng Pionberg.
"Item Status"
Item type: Bow
Quality Level: Poor
Add Stats: NoneAttribute:
- Hitting Accuracy 68%
- Power-Up String Force x3
- 40% Durability
- Consistent Arrow Flight at 90 meters targetMataas ang Accuracy or hitting rate capability ng Bow na gamit niya, hindi iyon basta-basta magmimintis kapag tinutok mo sa target, lalo na kung praktisado ka sa paggamit niyon. Hindi magiging problema kahit na tumatakbo or gumagalaw ang kalaban, maliban nalang kung sobrang bilis nito kumilos. Ang normal na Arrows ay may speed na 347fps (feet per Second) or about 224mph (Miles per Hour) dahil three times ang Force na idadagdag, ang bawat Arrow flight sa mid-air ay magiging 1,041fps or 672mph.
Kung ikukumpara natin ito sa Speed of Sound, ang bilis ng speed of sound is about 1,125fps or 767mph. Kaunti nalang at kasing bilis na ito ng speed of sound, kung gusto niya itong higitan ang kailangan lamang gawin ni Kyu ay makapag-refine ng Bow na may Attribute na x4 or x5 Power String Force at iyon ang isa sa mga plano nito pagdating nila sa Fang Kingdom. Wala ng natirang Demon Beast na nakatayo sa kanilang unahan at wala na rin siyang maramdamang movement sa paligid, agad na tumakbo si Kyu palapit sa kariton para tignan kung may critical ba sa loob ng kulangan.
Gusto nya agad malaman ang kondisyon ng mga ito para mabigyan agad ng first-aid or pangunang lunas kung may critical man. Posible kasing nakagat ang mga ito or nakalmot kahit nasa loob ng kulungang iyon. Nakayuko ang tatlo, yakap ang isa't isa habang nakasubsob ang mga ulo sa sahig. Nakapwesto sila sa gitnang mahagi kaya hindi sila agad naabot ng mga Demon Beast, mabuti nalang at gawa sa bakal ang kulungan subalit ang iba sa mga parti nito ay bumaluktot na, ilang hampas nalang at mababali na iyon. Kung hindi agad kumilos si Kyu at nahuli sila ng ilang minuto, siguradong wala ng silang aabutan sa mga aliping ito.
Hindi nagtamo ng kahit anong serious condition ang tatlong slave na nakakulong sa loob. Ang kulungang bakal ay nakapatong lang sa kariton na may sahig na kahoy, inangat lang iyon ni Kyu para makapasok sa loob. Mula sa pagkakayuko, ang isa sa mga alipin ay tumingin sa kanya, agad itong tumuwid ng upo at kinalabit ang dalawa. Nakita ni Kyu sa muka ng mga ito, handa na silang magpakain sa mga Demon Beast, alam ng mga ito na iyon na ang kanilang kamatayan at hanggang doon nalang ang kanilang buhay alipin. Walang bakas ng pag-iyak sa gusgusing mga muka ngunit batid mo ang lungkot at paghihirap sa kanilang mga mata.
"Lumabas na kayo..." utos ni Kyu habang inaangat ang bakal na kulungan.
Agad na sumunod ang tatlo, walang nagsasalita sa mga ito habang tahimik na lumalabas sa kulungan. Ang aliping niligtas ni Kyu ay tatlong babae, tingin niya ang edad ng mga ito ay 18, 16 at isang 12, naaawa siya sa kalagayan ng mga ito lalo na sa pinakabata, sa murang edad ay nakararanas na ito ng ganong paghihirap sa buhay. Ganon pa man, hindi nya ito pwedeng angkinin dahil pag-aari ito ng iba. May posibilidad na bawiin ito ng may-ari oras na makita ulit sila. Tinawag ni Kyu si Firra, inutusang nitong sunduin sila Moze at dalhin sa kanya. Habang naghihintay si Kyu, kinausap nya ang tatlong babaeng nakatayo sa kanyang harapan.
"San kayo papunta?" tanong ni Kyu, habang palakad-lakad
"Sa Fang Kingdom" maikling sagot ng pinakamatanda sa tatlo
![](https://img.wattpad.com/cover/218137695-288-k179252.jpg)
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...