Sa 400 Soul Core Low na ni-Refine ni Kyu, 9 dito ay Soul Core Regen per Minute. Nirecycle niya ang ibang Stats na Core kahit na sa tingin ni Kyu ay mahal ang value nito. Hanggang sa nauwi sa 14pcs Soul Core Regen per Minute, ginamit agad iyon ni Kyu. Yon na ang kanyang huling Soul Core sa kamay, kailangan nanaman nilang maghunt ng Core ni Moze. Ang problema lang ay hindi sila makalabas ng Border dahil sa pinangangambahang Dragon Awakening na halos isang buwan nang hindi nangyayari.
Pero sa palagay ni Kyu hindi na niya gaanong kailangang mag-refill gamit ang Soul Core dahil sa 14 Soul Regen per Minute, sa loob ng 30 minutes meron na siyang 420 Soul Amity which is sobra-sobra sa Capacity na kaya niyang i-hold. Gagamitin nalang niya ang mga Soul Core sa pagpapataas ng Mastery Level ng kanyang mga Skill, ayaw din niyang gastuhan ang Battle Experience dahil 20 Soul Core is equal to 00.01 Battle Experience lang ang idadagdag sa kanya.
Pakiramdam ni Kyu ay mabubulok na siya sa Advance Novice Rank, sa ngayon ayaw nya at hindi nya na kailangan pang problemahin iyon, magpo-focus nalang muna siya sa pagpapataas ng mga Spell. Kinagabihan umalis sila ni Moze, binigyan uli niya ito ng mga bagong Set ng item. Ang hindi lang napalitan ay ang design ng kanilang Black Hood Jacket, pinuntahan nila ang Ranju Family Main House.
Major House kung saan nakatira ang mga Ranju Family, ang sukat ng buong tiretoryong nasasakupan nito ay 300 to 450 square meter hindi pa kasama ang border o bakit ng lugar. Ang target nila sa lugar na iyon ay ang Elder. Ang Distansya nila mula sa Main House ay 650 to 700 meters, nakapwesto sila sa mataas na bahagi or High Ground Area. Lumipat sila ng ibang anggulo para makakuha ng exact blueprint ng lugar at e-Scan ng husto ang building infrastructure. Ayon sa Enhanced Binocular niya, Red marking 183, Green marking 33. Red Marks indicates threatening target, while Green Mark are Harmless or Civilian.
Tingin ni Kyu nasa Border ang ibang sundalo nito. Ang mga natirang bantay ay mga loyal at mga personal or private body-guard which related sa Orion Blood Skull. Nadi-Distinguish ng Scope ang level ng bawat isang nilalang or Demi-Human na mahahagip nito sa Lenses. 4 Magnus Tactician, 130 Praetorian Elites, the rest puro Expert Rank na. Puro matataas ang Level ng mga naiwan, hindi makita ni Kyu ang Elder dahil walang Master Rank sa List ng kanyang mga nakita.
Muli niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar gamit ang Enhance Binocular Transparent Mode, hanggang sa makita niya ang isang Green Mark Master Level. Kaya lang isa itong bata, nasa 14 or 15 years old palang ito, malamang apo ito ng Elder na ginastusan ng pera para umabot agad sa ganito kataas na Crown Rank. Katabi nito ang isang Night Valor Green Marking din iyon.
Sapat na ang impormasyong nakuha ni Kyu, agad silang umalis para planuhin kung pano mai-execute si Elder Ranju. Gumagawa si Kyu ng panibagong Project ngunit kinapos siya sa bakal, need na niyang magdagdag ng Raw Materials, mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas mula ang pumunta sila sa Kobold Tribe. Oras na para bumalik at mangulikta ng raw materials.
Sumunod na araw ay bumalik sila doon ni Moze, wala silang dalang kabayo. Halos isang oras lang nilang tinakbo iyon.
Ang mga bagong Geared na sout nila ay mas mataas kesa sa nauna nilang ginamit. Nasa 170 km/h na ang running speed ng kanilang Enhanced Boots, at kaya mo nang tumalon or mag-sprint ng around 24 Meters. Ang Facemask ay may Add Attribute na Anti-Poison Smoke, Anti-Airborne Virus, Air Purifier, Anti-Gas Smug, Sensitive Smell Detection at 10% Armored. Nang malapit na sila sa lugar ay agad nilang hinubad ang kanilang mga suot.
Sa ngayon maraming extrang Wizard's Jewelry si Kyu, ginagamit niyang itong inventory ng mga importanting item. Ano mang oras or kahit saan man siya magpunta, dala-dala niya ang mga bagay na kanyang ginagamit. Naglakad sila papunta sa Tribe ng mga Kobold, binati agad siya ng mga nakatira roon hindi nya alam kung bakit pero parang kilalang-kilala siya ng mga ito.

BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...