Chapter 16

465 61 6
                                    

Pero bago niya sinubukan ang kanyang bagong experiment ay nagpataas muna siya ng Refine Mastery Level sa pamamagitan ng pag-absorb ng mga Core, hanggang sa umabot siya sa Stage 3 Mastery Level. Ngayon ay handa na siyang subukan ang pagrefine ng Lowest Soul Core, sa kasalukuyan ay meron na siyang 24 piraso. Nirefine niyang lahat iyon sunod-sunod, walang nagfail sa mga iyon, ang unang lumabas ay.

"Item Status"

Item Type: Soul Core Lowest

Refining Result: Awful Quality

Add Stats: None

Attribute: Permanent Damage + 1

Ang pangalawa naman ay may attribute na Permanent Damage + 2, ang pangatlo ay naging Soul Core Low normal. Ang pang-apat ay Permanent Vital Essence + 1, lahat ito ay Awful Quality. Nakakaamoy si Kyu ng magandang resulta, mukang mapapakinabangan nila ng husto mga lowest core ni Moze. Sinabi ni Kyu kay Moze na wag muna siyang umuwi ng isang linggo, dahil nakakaramdam si Kyu na may magandang mangyayari sa mga susunod na araw. Pumayag naman si Moze sa gusto nitong mangyari.

1 Hit nalang ni Kyu ang mga Demon Beast na may Yellow Crown Level. Ito ang resulta ng kanyang pinaghirapan, sa ngayon ang bawat Arrow ni Kyu ay nagtataglay ng + 21 Damage to +28 Damage. Pero ganon pa man ayon sa True Sight Naither, nasa Bad Quality parin ito pagdating sa Status Item, ibig sabihin ay may mas mataas pang level kasunod nito.

Sa pagrefine nya ng lowest Core ay nakatagpo si Kyu ng isang napaka-useful na core para sa kanya. Iyon ay ang Permanent Soul Regen + 1 a day, agad nya itong inabsorb.

Soul Essence | 00.01 – Soul Essence Regen / +1 a day / Normal

Kapag nakakuha uli siya ng ganon ay aabsorbing niya agad. Patuloy parin siya sa pagrefine, hanggang sa makuha na ni Kyu ang gusto niyang magrefine, Permanent Damage + 7. Inutusan niya si Moze na pwede na siyang umuwi dahil nakakuha na si Kyu ng mapapakinabangan nila. Ipinakita ni Kyu kay Moze ang Core na binabanggit nito, agad na ginamitan ni Moze ng True Sight Naither para makita ang status ng item.

"Wow... pano mo nakuha to?" tanong agad niya kay Kyu.

"Sa paghahunt natin syempre, saan pa ba" sagot agad ni Kyu.

"Bukas umuwi ka at ipaAuction mo'to sa Auction House. Aabot ito ng 20 Gold Coin o higit pa"

"Hahatiin natin ang kita, sayo ang kalahati nyan kaya ingatan mong mabuti" dagdag pa ni Kyu.

"Talaga? Akin ang kalahati ng kita nito?" hindi makapaniwalang sabi ni Moze.

"Oo, hindi ako nagbibiro" ani Kyu

"Sinabi ko naman sayo na may magandang mangyayari diba?" dagdag pa nito.

"Oo nga, buti nalang at sumunod ako sa sinabi mo" sang-ayon nitong sabi.

Inutos ni Kyu kay Moze na isama si Luna dahil kailangan na nitong mamili ng mga kakailanganin nila sa Hide-Out. Kinabukasan ay umalis na sina Moze at Luna habang si Kyu naman ay Busy parin sa paghahunting. Wala ng dumadaan sa pwesto niya kaya lumipat na si Kyu ng bagong spot at gagawin niya itong Hunting Ground. Nasa open field na sya naghahunt, sa pamamagitan ng isang arrow ay kaya na niyang pabagsakin ang isang Low Level Demon-Beast.

Ang gusto niyang makita ay ang mga Medium Level Beast. Hindi na kasi siya nakakaramdam ng treat sa mga Low Level Beast. Lahat ng Demon-Beast na dumadaan sa kanya ay namamatay agad. Hanggang sa makatagpo siya ng Medium Level Beast, nakaharap ito sa kanya, muka itong palaka. May mga tulis sa likod na akala mo ay isda, nakakatayo ito. Biglang bumuka ang malaking bibig nito, lumabas ang mahabang dila. Pumulot ang dila nito ng bato at mabilis na ibinato kay Kyu.

Another World: X ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon