Pinagpatuloy niya ang pagsunod kay Firra, around 15minutes titigil siya pagwala parin siyang namataang movement sa paligid nito or nag-espy sa kanya. Tulad ng hinala ni Kyu, wala pa sampong minuto ay naramdaman na niya ang movement ng tatlong Demi-Human nakasakay din sa kabayo. Sinusundan ng mga ito si Firra, binalaan na ni Kyu si Firra bago ito umalis ng INN na maging alerto dahil possible na isa siya sa target ng mga ito.
Nag-Advance agad si Kyu, inuhanan na niya ang tatlong iyon. Paglabas sa lungsod ni Firra, napansin niyang may sumusunod sa kanya, binilisan niya ang pagpapatakbo ng kanyang kabayo subalit sa unahan niya ay may apat pa palang nag-aabang. Medyo liblib na ang paligid at walang gaanong bahay sa lugar, oras na pinatay si Firra doon walang may makakapansin agad.
Mabilis na iniliko niya ang kabayo papunta sa ibang direksyon ngunit tinamaan siya ng isang malaking sanga ng kahoy. Ang isa sa apat na humarang sa kanya ay gumamit ng Magic Control, pinalipad nito ang isang sanga na syang tumama kay Firra. Pabaliktad na nalaglag si Firra sa kabayo nito pero agad itong bumangon at aakmang tatakbo palayo ngunit dumating din ang tatlong humahabol sa kanya.
Bumaon sa lupa ang kanyang mga paa, kasunod niyon ay ang mabilis na paggapang ng isang baging ng ligaw na damo. Ginapos siya nito hanggang leeg, lumitaw nalang bigla ang mga damong iyon sa lupa at pumulupot sa kanya na parang kadena. Ang ganon Spell ay tinatawag na over-growth, abilities na kayang mag-command ng mga halaman. Bumaba na ng kabayo ang mga Demi-Human at pinaligiran si Firra.
"Malamang magtatanong ka kung sino kami? Sasagutin na kita"
"Kami ang Orion Blood Skull, ngayon alam mo na?" ani'to
Alam ni Firra kung ano ang Orion Blood Skull, isa itong uri ng malaking Gang o Clan, kilala ito kahit saang region at continent. Walang nakakaalam kung sino ang leader ng Gang na iyon basta karamihan ng namumuno daw sa Gang na ito ay puro maiimpluwensya kaya hindi basta-basta nahuhuli ang mga member kahit gaano karaming krimen na ang ginawa ng Blood Skull Gang.
"Ibigay mo sa amin ang 1 Diamond mo at di ka namin sasaktan" dagdag pa nito
Hindi sumagot si Firra, oras na nagbitaw siya ng pangalan siguradong mapapahamak din si Kyu at ang mga kasama nito.
"Hindi ka namin sasaktan dahil papatayin ka namin agad hahahaha" saad naman ng isa
Pagkatapos nitong magsalita ay bigla itong bumagsak patihaya, ganon din ang nangyari sa anim na lalaki. Lahat sila ay may butas sa noo, nang oras na iyon ay walang narinig na ingay si Firra sa paligid, hindi rin nya alam kung anong nangyari sa mga ito. Lumuwag na ang pagkakagapos ng mga baging, agad nya itong inalis. Ang katawan ng pitong lalaki ay naging libro, sa loob lang ng isang kisap mata ay namatay ang apat na Expert Crown Rank, at tatlong Practitioner Crown Rank sa tabi niya.
Lumabas na si Kyu sa pwesto nito, tumalon mula sa malayo at tumakbo palapit kay Firra. Mabilis na kinuha ni Kyu ang mga Life Core, nakatingin lang si Firra sa kanya habang nakatulala. Hindi agad siya nakilala nito kaya inalis ni Kyu ang Face Mask at sinabihan ito ng.
"Tumayo kana dyan bilis, habang walang ibang nandito" ani'to
"Sumakay kana ng kabayo mo at lumayo ka kaagad sa lugar na'to"
"Bukas sa ibang ruta ka dumaan pabalik sa lungsod" dagdag pa ni Kyu
Mabilis na sinunod ni Firra ang utos ni Kyu. Pinatakbo nito ang kabayo ng mabilis, nakita niyang nakatayo parin si Kyu habang hinahatid siya ng tanaw. Ilang saglit lang ay tumakbo na rin si Kyu at sinundan siya, masmabilis pa sa kabayo si Kyu kaya agad siyang inabutan nito. Nakita niya na bigla-biglang tumatalon paunahan ang katawan ni Kyu, hindi naman ito gumagamit ng blink dahil kakaunti lang ang Soul Amity nito. Nasa tabi na niya si Kyu sumasabay sa kabayo, tumatakbo lang ito sa normal na hakbang.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...