Ito ang mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorceries, Magic Night, Magic Cleric at Celestial Warrior ay ipinapanganak sa random na estado ng pamilya, sila ay natural na ipinapanganak na nagtataglay ng Battle Soul Amity or Magic Blood Incantation. Tinatawag silang Phantasm Child, Phantasm Royal Blood, Phantasm Lineage pero maskilala sila sa tawag na Crown Phantasm. Sila ang uri ng mga nilalang sa mundong ito na may matataas na antas ng pamumuhay sa lipunan at mataas na respetong natatanggap.
Subalit, hindi lahat ng Crown Phantasm ay nagiging matagumpay sa buhay, lalo na sa larangan ng Force Control, Chanting of Spell, Magic Incantation, Magic Command Spell, Summoning Spell, Magic Command Seal, Chanting Seal at Magic Sealing Spell. Karamihan sa Crown Phantasm ay nabibilang sa Noble Family o di kaya ay Commanding General, Captain or Officer ng battalion army.
Palace Royal Guard, Nights of the Royal Family at iba pang ahensya patungkol sa digmaan. Ganon pa man magiging walang silbi ka sa lipunan kahit na ipinanganak kang Crown Phantasm kung mababa ang iyong Crown Rank or Crown Cultivation Rank. Ang mga Crown Phantasm ay natural na ipinapanganak na Apprentice Rank.
Ipinanganak si Ru sa angkan ng mga half human rabbit. Ang lahing ito malapit nang maubos, ito na ang kanilang huling blood line of species or last generation. Mabibilang mo na sa daliri ang populasyon nila sa isang tribe.
Iniluwal si Ru na isang Crown Phantasm at may natural degree na Apprentice rank. Ang kanilang village ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Empire of Hord Peonberg, nagbabayad sila ng buwis sa bawat season, kung hindi sila makapag-bayad ay maari silang paalisin sa empire o tanggalan ng protection.
Tulad ng mga half human rabbit si Ru ay naiiba sapagkat mukha siyang fairy o elf na may matulis na tainga, maamo at magandang mukha, mapulang labi, gintong buhok at katawang tao. Mayroon siyang marka ng diamond Crystal sa noo, patunay na isa siyang Crown Phantasm.
Laking tuwa ng Village Chef nila ng ipinanganak siya, sapagkat siya nalang ang nalalabing pag-asa para makasurvive pa ng matagal na pahanon ang lahi nila. Oras na lumakas siya, kaya na niyang protektahan ang buong village at angkan ng mga rabbit.
Umabot si Ru sa edad na sampo ngunit hindi siya lumakas, or nakitaan ng improvement. Ang dahilan nito ay wala siyang Master o Guro na tagapagturo sa kanya, hindi kayang magbayad ng buong village ng isang guro na magtuturo sa kanya kaya nanatili siyang Apprentice rank degree.
Isang araw, isang sulat ang natanggap ng village. Isa itong inbitasyon mula sa Pavilion of Phantasm School. Laking tuwa nila sapagkat makakapag-aral si Ru sa isang Magic School of Sorceries nang libre. Ang Pavilion Phantasm ay isang isla, ang mga nag-aaral dito ay puro warriors at magician.
Ang mga Crown Phantasm ay pinag-aaral nila ng libre sa loob ng limang taon. Ang nagtatag ng paaralang ito ay si Finn Phantasm isa ring crown phantasm na naging Immortal at mahigit 3,300 taon nang nabubuhay. Ipinagkatiwala niya ang paaralang ito sa iba, at walang nakakaalam kung nasaan na siya ngayon.
"Wala nanamang gagawin?" tanong ni Jaz na kakarating lang, inilapag ang bag sa upuan.
"Wala, Siyempre..." sagot naman ni Kyu habang busy sa phone kakalaro.
"Kaya pala naglalaro ka nanaman dyan" ani Jaz
"Ano pa ba gagawin natin dito, e back-office tayo?" sagot ni Kyu
"Edi ano pa!" ani Jaz na pinutol ang sinabi, sabay tingin kay Kyu
"Maghintay ng sahod! Hahahaha..." sabay nilang bigkas at magkasabay na tutawa.
Raj Kyureon Vieto, Male Gender, single status. Isang IT at nagtatrabaho sa isang BPS Call Center bilang technical support. Madalas silang walang ginagawa, ganon pa man napupuyat siya sa paglalaro ng kung anu-anong game. Si Kyu ay isang hard-core gamer ganon din ang kaibigan niyang si Jaz.
BINABASA MO ANG
Another World: X Parallel
FantasyPAALALA: Ang lahat ng pangalan, lugar at mga bagay na nabanggit ay gawagawa lamang nang taga lathala ng kwentong ito. Mundo kung saan ang mga dugo ng Witches, Elves, Fairies, Sorcerer, Magic Knight, Cleric Bless at Celestial Warrior ay ipinapanganak...